#HSFChapter2
BEST OF LUCK
~~
I was a bit surprised nang pumayag si mamu na mag-audition ako. All this time akala ko against siya dahil sa nangyari sa mommy ko. Si abeoji na lang ang aalalahanin ko. Hindi ako mapanatag kahit pa sinabi ni mamu na hindi ito makakarating kay dad. Knowing abeoji maraming connections yun. Pero kung iisipin ko ang sinabi sa akin ni Twain, may point siya, hindi naman na ako aalalahanin ni abeoji dahil marami siyang ibang pgtutuunan ng pansin. Well, it's time to tell Twain my good news. Tumayo ako sa kama ko at inabot ang phone sa study table ko. Nakatatlong ring din bago sagutin ni Twain ang tawag ko"Sophiebells! Napatawag ka?"
"Twain kasi.... Ano...."
"S-sophiebells. Anong nangyari?"
"Kasi Twain, pinayagan ako ni mamu mag-auditions."
"Eeehh?! Totoo kasi ah? Kapag yan sinabi mo lang para mapag-auditions ako. Nakuuu huwag ako Sophia. Huwag ako."
"Totoo nga kasi Twain eh. Saka huwag ko na raw aalalahanin si abeoji. Hindi raw yun makakarating sakanya."
"Totoooo??! Waaaaaah! Mahal na mahal ka talaga ni mamu. Sabi ko na nga ba eh. Yeeeees!"
"Oo nga eh. Ano tara auditions next week?"
"Call. Sige na good night Sophiebells! Mag practice ka. Hihihi~"
"Thanks Twain! Good night bbgirl!"
That's what I love about Twain. Iniintindi niya ako. Para ko siyang kapatid. Alam niya yung nafifeel ko. Kasama ko siya since grade 6 nung umuwi akong Pilipinas galing Korea at magtransfer sa school nila. Hanggang maghighschool kami kasama ko na siya. Mula nun hindi na kami mapaghiwalay. Medyo hirap pa kami nun kasi English lang ang common na language namin. Hindi kasi ako bihasa masyado sa Tagalog, may alam ako, pero konti lang. Pero later on, natutunan ko rin. Twain is a blessing in my life she came when I needed someone the most because I had no one. I only got them, mamu and my Twain. And they're the best. Bumalik ako ng higa sa kama ko and drifted to dreamland.
~~
"Oooy! Sophiebeeeeells! Dalian moooo. Hahaba ang pila." Sigaw ni Twain mula sa labas ng kwarto ko."OA ka Twain. 7:00 palang 9:00 ang auditions. Tapos anong oras ka nambubulabog dito? 6:30? Mahiya ka nga kay mamu."
"Sorry mas mahal ako ni mamu kaya papayagan niya akong bulabugin ka. Bwahahaha~"
"Che! Dun ka na. Matatapos na ako."
"Hahahahaha. Okii. Dalian mo."
And that's one of the perks of having Twain in my life. Meron akong instant walking alarm clock at taga-remind. Tinapos ko ang pagpapalit ko. I wore simple rugged outfit. Denim pants, white shirt, leather jacket and my leather ankle boots. Tinali ko ang buhok ko into messy bun but let my bangs fall down at naglagay rin ako ng konting make up. Totally ready!
"Basta mamu, ako bahala kay Sophiebells! Don't worry mamu she's in my precious safe hands." Naabutan kong pinapakalma ni Twain si mamu habang naghahanda ng almusal. I silently laughed sa way ng pagpapakalma niya, it's making mamu more nervous.
"Hay nako Twain. Mamu knows you well. Baka ako pa mag-alaga sayo eh." Umupo ako sa tapat ni Twain.
"Hehehe. Mian dongsae. Pero mamu don't worry talaga about us. Kaya naman po namin ni Sophiebells yun eh."
"Alam ko naman yun eh. Basta mga apo ko, do your best ha? Kaya niyo yan. Pasensya na at di ko kayo masamahan ha? Hindi ko maaaring iwan ang bahay."
"Okay lang yun mamu. Promise. Kaya namin 'to ni Sophiebells"
"Oh siya kain na at baka kayo'y mahuli."
Natapos kaming kumain at Sandaling tinulungan si mamu sa pag-aayos. Lalabas na sana kami ng gate nung muli ay tinawag niya ako.
"Sophia apo, may gusto sana akong ibigay sayo." Sabi ng mamu, maya-maya'y naglabas ito ng maliit na pulang box.
"Mamu ano yan?" Tanong ni Twain na nasa tabi ko at ina-assess ang box na nakuha ko kay mamu.
"Teka Twain. Inuunahan mo ako eh." Pang-aasar ko kay Twain. Nagpeace sign naman ito and mouthed, mianhae.
"That's your mom's lucky charm Sophia. Open it." I did just what my mamu said and I was mesmerized when I saw what's inside.
"A-a necklace?" It was a lovely crescent moon necklace na may emerald stone sa gitna.
"Yes. She used to wear it everytime. She said it was her lucky charm. I hope it will also bring you luck."
"M-mamu. Thank you. Thank you so much mamu. Jungmal kamsahamnida." My eyes welled up as I enclosed my mamu in my arms.
"Sali ako. Natouch rin ako eh. Nafeel ko rin yung luck. Umabot sa akin. Hehehe~" and then there's my Twain ruining a dramatic moment in my story. Nevertheless, I'm happy, I have her and mamu, and now my mom's presence because of her necklace. I swear hindi ko na 'to tatanggalin.
~~
"Number 1109" tawag ng event organizer. Pareho kaming halos napatalon ni Twain ng tawagin ang number niya."Kaya mo yan Twain. Nandito lang ako." I said as I rubbed her back para maibsan kahit papaano ang kaba niya.
"Thanks Sophiebells. I'll be back." She stood up and went to the hall. Nandito kaming ibang nago-auditions outside. Only event organizers, judges and then yung current na nago-auditione ang allowed inside. Sa isang mall ginanap ang auditions.
Mas lalo akong kinabahan dahil pagkatapos ni Twain, ako na ang susunod. Pumikit ako dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Oh my. Hindi ako naka-contacts. Yung salamin ko. Dali-dali kong hinanap ang salamin ko sa sling bag na dala ko. And there I found it. Sinuot ko ito at muling nagdasal para kay Twain. Lord please. Tulungan niyo si Twain. Halos limang minuto na ang lumipas nang makita ko si Twain na tumatakbo papunta sakin. Niyakap ako nito ng makalapit siya.
"Success! Whooo. Akala ko makakatae ako dun." Sabi niya habang hingal na hingal.
"Number 1110"
"Gooo Sophiebeeells! Teka Alisin mo muna yung salamin mooo!" I tightly hugged my Twain and removed my glasses
"Thanks Twain!" And then I ran inside the hall.
BINABASA MO ANG
His Falling Star
Teen FictionIt would've been better if we could freeze the time and stay right where we are, then nothing would be broken. It would've been better if those moments didn't pass by and became a memory, then there will be no more sad eyes, shedding tears. It would...