#HSFChapter5
NGA-NGA SERIES EP. 2
~~
Hindi pa pala tapos ang nga-nga series namin ni Twain, dahil pagkabukas namin mg kwarto namin ay para kaming nasa five-star hotel. Sobrang ganda, nagheart-heart yung mata namin ni Twain kasi ang astig talaga. Yung dalawang puting building pala ay dorms at sa kaliwa ang para sa Babae. Pero real talk ang ganda ng rooms. Medyo malaki siya para sa pandalawahang tao. Dalawa lang kasi kami ni Twain dito sa kwarto. Tapos may dalawang pinto pa sa loob yung isa pinto sa banyo yung isa, para sa walk-in closet."Ikaw na malapit sa bintana, Sophiebells." Kilala niya talaga ako. Kahit saan kasi kami matulog mas gusto ko yung spot malapit sa bintana. Ipinatong ni Twain ang maleta niya dun sa isang kama.
"Nice. Thanks Twainy!" Pumunta naman ako sa kabilang kama at saka nagtatatalon. Malaki rin yung kama. Siguro kasya pa ang tatlo.
"Uy teka. Sophiebells, yung schedule natin." Napabangon ako sa sinabi ni Twain at saka binuksan ang envelope kanina. Hindi naman siguro kami magkakaroon ng masyadong conflict kasi pareho kaming nasa singing department.
"Kailan ang academic mo, Sophiebells?" Tanong ni Twain. Kasi hindi naman puro about entertainment ang itituro nila. Syempre gusto rin nila makapag-produce ng quality artist, hindi puro talent at looks dapat may brains din.
"Thursday Friday. Ikaw?"
"Tuesday Thursday."
"Eh? Okay lang yan. Magkasama tayo sa Thursday."
"Pa-compare nga." Lumapit ako kay Twain at tiningnan ang schedule namin.
"Limang subject sa talent developing sa isang araw. Sa Monday kasama kita sa lahat." Sabi ni Twain
"Tapos Tuesday, sa Academic building ka na. Ako sa Dance Building naman."
"Nag-apply ka sa dance?!"
"Oo. Sayang eh."
"Oo nga naman. Magaling ka naman. Kung ako rin naman hindi ako magsasayang ng ganyang talent. Okay tuloy."
"Tapos Wednesday, sa Sing Building tayo, Thursday sa Academic tayo at Friday sa Academic ka, sa Sing ako."
"So, Monday, Wednesday at Thurday magkasama tayo."
"Yep Sophiebells."
"Hmm not bad. Tara mag-ayos na tayo ng gamit."Nag-ayos kami ni Twainy ng gamit at enjoy na enjoy pa kami. Hindi naman ganun kalakihan ang walk in closet namin pero okay na rin. May uniform na din kami dun. Kulay light blue na may mint green yung akin. Above the knee siya at may pleats rin. Yung blouse naman ay puti at may fold sa mangas na kakulay ng palda at may ribbon na kakulay ng palda. Nakita ko yung kay Twain pero iba ang kulay, light blue lang yung sakanya. Patapos na kami sa pag-aayos nang may magsalita sa intercom
"To all freshmen, please proceed to the auditorium, the orientation is about to begin." Nag madali kami ni Twain saka lumabas ng kwarto. Tumakbo kami sa elevator at may mangilan-ngilang tao dun.
"Sophiebells, tanda mo pa yun daan?" Tanong sa akin ni Twain. Tiningnan ko siya ng gulat na gulat.
"Hindi mo natandaan?" Tanong ko sakanya.
"Hindi eh. Hehe~"
"Patay. Hindi ko rin alam. Sabay na lang tayo sa kanila."
"Sige."
Naglalakad kami ni Twain at hindi talaga matapos-tapos ang nga-nga series namin ni Twain. Ang lawak talaga ng school. Yung mga dorms may fourteen rooms kada palapag. May sampung palapag yun at ang unang limang palapag ay pangdalawang tao ang bawat room at yung huling Lima ay pangtatluhan na.
Nakarating kami sa auditorium at para nga talaga siyang arena. Yung tipong ang sarap pag-concertan. May sumalubong sa aking facilitator at pinaupo kami sa may bandang harapan. Naghintay pa kami ng ilang minuto saka biglang namatay lahat ng ilaw.
Nagheart-heart yung mata ko nang biglang bumukas ang spotlight at tumapat sa limang nag-gagwapuhang nilalang. Na-starstruck kami pareho ni Twain kaya naman pareho kaming napatahimik kahit nagtitilian na ang ibang mga kasama namin.
"Please welcome, ZONE!"
Muli ay napuno ng sigawan at palakpakan ang arena. Ngunit ako ay tulala lang dahil sa galing nilang sumayaw habang kumakanta.
"Twaaain! Ang pogiii!" Napasigaw ako habang nanunuod at niyugyog pa si Twain mas grabe sumigaw.
Napatitig ako sa lalakeng nasa gitna na ngayon. Malamig ang boses nito na aabot talaga sa buto mo ang feels kapag pakikinggan mo siya. Natulala ako at siya lang ang pinanuod ko. Swabe rin siya gumalaw. Tila lumulutang lang siya. Gwapo rin siya. Oh Lord his existence must be illegal. Parang ang perfect niya kasi. Well, siyempre Depende pa rin sa ugali and wit. But I'm sure naman na he's smart. Nevertheless, he got the looks and talent.
Nagtapos ang kanilang performance and everybody was asking for more pero hindi na napagbigyan. Lalong lumakas ang sigawan. But I heard kanina na sila daw yung malapit ng magdebut at isang taon nalang ang kailangan nilang tapusin dito. True enough, star ent. does produce high class stars.
"Welcome! Welcome freshmen! I'm sure you are all excited to roam around. But first let us hear some warm words of welcome from our dear headmistress, Ms. Jacquelyn Aquino. After that, let me introduce to you our faculty and staff members." Umakyat si Ms. Aquino sa stage at saka ngumiti ng matamis.
"First of all, I want you to call me Ms. Jackie, I prefer it. I may call you daughter and son from time to time, I hope you don't mind. I'm already 63 and I'm proud of that." She chuckled and that made us giggle too. Parang ang dali tuloy niyang pakisamahan.
"And next, congratulations for making it this far, it isn't that far but being here is already a privilege. Each one of you, may consider this as your home not only a school. In this institution, we will not only teach you to become good singers, dancers, and artists but also to be good people. We will mold you into better person. We will teach you how to survive the world beyond the walls of this school. You will go through a lot and I'm warning you this is not easy. There will be a lot of trials that you will face. You can fail a subject, run out of voice, sprain your feet, forget the lines, be out of tune, your timing won't be good and you might also forget the next scene, but I'm telling you these are just little things compared to what you are going to experience outside. So I'm telling you endure it. Love what you are doing. Make friends, and most specially do everything with a blazing desire in your heart. Once your goal is set, be ready to reach it and go. We will not carry you with us to fly, we will teach you how to make unbreakable wings so you can soar. Everybody here is already your family. So feel comfortable. My dear freshmen, I warmly welcome you to Star Entertainment Academy! Good luck and God bless!" We all clapped as the headmistress made her exit. Parang nainspire ako dun sa sinabi niya. It was short yet meaningful. Nakakakaba pero parang masaya rin. She made this impression na, I'm your mother here. It's warm and comfortable.
"Thank you Ms. Jackie. Now, may I present to you, faculty members." Mahaba-haba rin ang ginawang introduction ng mga faculty members, puro palakpak naman kami ni Twain. At pareho kaming naooverwhelm.
"Now freshmen, on your seats is a booklet that contains the school rules, map of the campus and even the city, events we are going to hold plus the dates and venues and a lot more things you need to know about the school. Our orientation ends like this, you may go and take your time roaming around. See you on your first day." Naghiyawan at nagpalakpakan kami at doon natapos ang program. Kinuha namin ni Twain yung booklet at saka lumabas sa arena.
∆∆∆
BINABASA MO ANG
His Falling Star
Roman pour AdolescentsIt would've been better if we could freeze the time and stay right where we are, then nothing would be broken. It would've been better if those moments didn't pass by and became a memory, then there will be no more sad eyes, shedding tears. It would...