#HSFChapter9
MUST BE FATED
~~
"Omyghaaad!" Napalingon sa akin yung tatlo dahil sa pagsigaw ko. Agad nila kaming nilapitan."Okay ka lang, Mulan?" Tanong ni Louis.
"What happened to you?" Tanong ni Blair at wala sa sarili kong tinuro si Lloyd. Hindi ako makapagsalita kasi gulat na gulat ako.
"Anong ginawa mo?!" Nag-aalalalang asik ni Twain kay Lloyd. Ngunit walang emosyon lang na nagkibit balikat si Lloyd
"N..n-nag..." Hindi ko maituloy-tuloy yung sasabihin ko dahil sa pagkawindang. At wala sa sarili ko lang na tinuturo si Lloyd, na hatalang nagtataka.
"Lloyd, what did you do?" Kuryosong tanong ni Blair at hinampas pa si Lloyd. Nagkibit balikat naman si Lloyd. Saka nagsimulang maglakad.
"Omyghad." Pabulong kong banggit at ang tanging salitang diretsang lumabas sa bibig ko.
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Louis.
"H..h-he t-t-talked." Utal-utal na banggit ko. Pareho ng bumagsak ang balikat ni Blair at Louis. Hinampas naman ako ni Twain.
"Shunga! Alangan naman kasing hindi nagsasalita eh singer nga yun!" Sigaw ni Twain sa akin.
"I knew it. Tara na nga." Sabi ni Louis saka kami naglakad.
Pagkarating namin sa cafeteria ay naupo kami sa bakanteng upuan. Nagmasid naman ako dahil wala na dito yung usual kong inoorder.
"Sophiebells, ano sayo?" Tanong ni Twain.
"Sophiebells?" Nagtataka at sabay pang napatanong si Blair at Louis.
"Sophia Bella nga kasi. So Sophiebells." Paliwanag ni Twain. Since grade 6 yan na ang tawag niya sa akin.
"Can I call you that too? Please? Please?" Nagmamakaawang sabi ni Blair.
"Ako riiiin!" Sabi naman ni Louis.
"Okay lang." Sagot ko sakanila. Nagthumbs up naman silang tatlo. Haaays. The Thumbs Up Squad.
"Anong gusto niyong order? Kami na ni Blair pupunta." Sabi ni Twain.
"Kayo talaga? Ayaw niyo bang utusan yung gentlemen natin?" Tanong ko.
"Nice idea." Pagsang-ayon ni Blair. Umorder kami ng kaparehas ng kay Blair dahil wala kaming alam dito. Libre naman daw ni Louis dahil mabait kami sa kanila.
"Wala ka bang friends na dapat samahan?" Tanong ni Twain kay Blair. Napasimangot naman si Blair at tila nagiba ang mood nito. Siniko ko si Twain. Baka kasi masyadong personal yun.
"S-sorry." Panghingi ko ng paumanhin. Blair beamed at us na parang sinasabing okay lang yun.
"It's fine. Actually meron naman. But that was before. Akala kasi nila I left them hanging because I became a star student. I soared but I didn't offered my hand for them to fly with me. But that was wrong, I did everything to help them make their own wings. I helped them bring out their brightness, pero wala parin. I was the one making an effort for them. But when I became an elite, they thought nang-iwan ako. I felt bad. Nilayuan nila ako, until nasanay ako na mag-isa na lang. I'm having fun naman with ZONE sometimes. But it's still different when your with some girls." Mahabang paliwanag ni Blair. At nalungkot naman ako dun. Totoo nga ang sabi nila, you can't have it all. Kahit pala nasa taas siya may ganun siyang pinagdadaanan.
"Don't worry, Blairy. Nandito naman na kami ni Sophiebells." Panga-alo ni Twain sa kanya.
"Really?" Nagningning ang mga mata ni Blair nung tumango si Twain. At nagyakapan pa sila dahil magkatabi sila. Hinawakan naman ni Blair ang kamay ko at nginitian ko siya.
BINABASA MO ANG
His Falling Star
Novela JuvenilIt would've been better if we could freeze the time and stay right where we are, then nothing would be broken. It would've been better if those moments didn't pass by and became a memory, then there will be no more sad eyes, shedding tears. It would...