#HSFChapter7
NEW FOUND FRIEND
~~
"Hoy Sophia Bellareine!" Nalaglag ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama ng ko dahil sa pagsigaw ni Twain.
"Bakit ka ba nanggugulat?" Tanong ko sakanya.
"OA ka. Kanina pa kita tinatawag diyan, tulala ka. Ano bang nangyari kasi?" Napa buntong hininga ako dahil sa inaasal ko. Tiningnan ko si Twain.
"Twainyyy. Kasiii." Sinapak ni Twain ang braso ko ng paglakas-lakas.
"Ano? Kanina ka pa."
Dahil pinanlakihan ako ng mata ni Twain, natakot na ako at saka nagkwento tungkol sa banggaang nangyari kanina. At halos magviolet ang buong katawan ko dahil sa hampas niya. Miyembro lang naman ng ZONE yung nakabangga ko. Yung lalakeng malamig ang boses. Oo siya yun. Si Twain naman sparks na daw yun. Bugbugin ko kaya 'to? Unreachable yun, off limits dapat.
"Pero alam mo ba Twain, tinawag niya akong Ysabelle." Nanlaki ang mata ni Twain. Alam niya kasi ang tungkol kay mama. Dahil wala naman akong tinatago sa kanya.
"Kamukhang-kamukha mo naman kasi talaga si tita. Pero I wonder kung paano niya namukhaan, unless he's a big fan." Sabi niya.
"Kaya nga nababahala talaga ako."
"Matulog na lang tayo. Good night Sophiebells."
"Good night Twainy." Umalis siya sa kama ko at nagtungo sa sarili niyang higaan.
Nakailang beses akong nagpalit ng pwesto sa paghiga pero hindi talaga ako makatulog. Naalala ko talaga yung pangyayari kanina.
~Flashback
"Ysabelle."
Halos madapa ako nang marinig ko ang pangalang yun mula sa kanya. Natigil ako sa paglalakad, pero agad kong tinago ang pagkagulat at pagtataka. Hindi ko alam kung coincidence lang ba na nabanggit niya ang pangalan ng nanay ko. Hindi ko alam kung kilala ba niya ako, gaya ni Ms. Jackie.
Humakbang ako palayo para takasan siya, pero kung tutuusin nagpaalam naman ako. Kunwari ay hindi ko napansin ang sinabi niya. Kunwari ay hindi ako naapektuhan. Ngunit mukhang nilamon yata siya ng kuryosidad kaya naman hinabol niya ako at iniharap sa kanya. Tinitigan niya ako. Ngunit tinaasan ko lang ito ng kilay at kinunutan ng noo.
"I-i'm sorry. Nagmamadali ka pala. Sorry." Sincere niyang paghingi ng tawad.
BINABASA MO ANG
His Falling Star
Teen FictionIt would've been better if we could freeze the time and stay right where we are, then nothing would be broken. It would've been better if those moments didn't pass by and became a memory, then there will be no more sad eyes, shedding tears. It would...
