#HSFChapter4
NGA-NGA SERIES EP. 1
~~
Three weeks later...
Welcome to the end of era
Ice has melted back to life
Done my time and served my sentence
Dress me up and watch me die
Naalimpungatan ako sa tunog ng ringtone ko. Sinong magaling na anak ni Judas ang tatawag sa kalagitnaan ng gabi?! Kinapa ko ang nightstand ko habang hinahanap ang phone ko. Nang makapa ko ito ay tiningnan ko ang oras at halos maglabasan ang usok sa ilong ko ng makita kong 2:47am ang oras. Ang kapal talaga ng mukha netong tumatawag sa akin. Chineck ko ito at confirm, makapal nga talaga ang mukha. Si Twain.
"Hmm?"
"Sophiebells sorry sa pangistorbo pero I'm not really sorry kasi may good purpose 'to."
"Get straight to the point Twain. Inaantok ako."
"Check your email and thank me later. Sleep ka na ulit Sophiebells."
Pinatay ni Twain ang tawag pero naguguluhan parin ako. Pero dahil tiwala naman ako sa good purpose niya, chineck ko ang email ko. Antok na antok na ako at hindi ko alam kung bakit ganitong oras ay gising parin si Twain. Nagbabad na naman yun sa kdrama. Haaays
Halos lumuwa ang mata ko at parang bulang nawala lahat antok sa katawan ko ng makita kung sino ang nag-email sa akin. Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko para malaman kung tulog ba ako na naa-aning lang ako dito. Nang makasiguro ay binuksan ko ang laman ng email.
Admission Letter.
ADMISSION LETTEEEER! OMGGGG. ADMISSION LETTER SA STAR ENT ACADEMY. OMOOOOO.
Kung anu-anong pinalo ko sa sarili ko para malamang gising talaga ako. Pero gising na gising talaga ako at wala nang bawian na-admit na ako sa Star Ent Academy. Omooo~
Wait si Twain.
Dali-dali kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Twain. Wala pang tatlong ring ay sumagot na ito. Mukhang nag-aabang talaga 'to eh.
"Twain na admit akoooo! Twain! Twain! Twain! Papasok na ako sa music school Twaiiin! Twain Amethy-" natigil ako sa pagsasaya dahil tahimik ang kabilang linya.
"C-congrats Sophiebells. I always knew you can make it." Hindi masaya ang tono ni Twain. Parang may mali.
"Uy Twain, okay ka lang? Hindi ka ba na-admit? Kung hindi pwede namang huwag na rin akong tumuloy eh."
"No Sophiebells. You should go."
"Pero paano ka Twain?"
"Huwag kang mag-alala sasama ako."
"H-ha?"
"SOPHIEBELLS SYEMPRE KASAMA AKOO!"
"TOTOO?!"
"OO NGAAA! KAYA NGA KITA SINABIHAN EH!"
"ETO NA TWAIN ETO NAAA!"
"I KNOW RIIIGHT! Sige na Sophiebells. See yaa!"
"Good night my Twainy."
Binasa ko ulit ang admission letter pagkatapos patayin ang tawag. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. Omgggg. Umpisa na ng katuparan ng dreams ko. Sana masurvive ko 'to. Sana maging okay lahat. Thanks mom. Thank you Lord.
BINABASA MO ANG
His Falling Star
Teen FictionIt would've been better if we could freeze the time and stay right where we are, then nothing would be broken. It would've been better if those moments didn't pass by and became a memory, then there will be no more sad eyes, shedding tears. It would...
