#HSFChapter8
WITH WEIRD TWINS AND REFLECTION
~~
"Ang friendly ni Blair 'no? Akala ko mataray siya." Sabi ni Twain. Tumango naman ako kasi totoo talaga."So far so good ang first day natin." Sabi ko sakanya. Pero sa totoo lang kinakabahan ako kasi hindi imposibleng maging kaklase ko yung superstar na yun kasi kumakanta siya. Tapos sumasayaw rin nakooo patay talaga ako. Mukhang ka-age kasi namin sila.
Pumasok kami sa classroom namin at halos lahat nandun na. May dalawa pang bakanteng chair sa harap namin ni Twain. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nun ang dalawang lalakeng naka gray uniform. Halos lumabas ang puso ko dahil dun ngunit nakahinga ako ng maluwag ng hindi siya isa sa mga yun.
Magkamukhang-magkamukha ang dalawang 'to sa tingin ko ay kambal sila. Kung hindi lang dahil sa magkaibang awra nila ay aakalain mong clone talaga sila. Yung isa ay bumabati sa lahat ng nakakasalamuha niya ngunit yung isa ay tahimik lang at halos hindi ngumingiti. Pero kilala ko ang mukha nila dahil parte sila ng ZONE.
"Hi Miss. May nakaupo ba dito?" Pangalawang beses ng may nagtanong na elite sa amin niyan.
"Wala naman." Sagot ni Twain. Ngumiti yung isa sa kambal at saka umupo. Mahahalata mo talaga ang pagkakaiba ng ugali nila. Dumating agad yung teacher tapos as usual, pakilala na naman. Nauna kami ni Twain dahil nasa pinakadulo talaga kami.
"Hii. I'm Sophia Bellareine Yoon--"
"Ikaw yun?" Natigil ako sa pagsasalita dahil sa biglang pagsabat ng maingay dun sa kambal. Napakunot noo ako pero nagkamot lang siya ng batok saka nagpeace sign.
"I hope we can be friends." Nagbow ako sa kanila saka bumalik sa upuan ko.
"Hi I'm Louis Michael Cruz, and this is my twin, Lloyd Miguel Cruz. Nice to meet you." Nahihiyang tinanggap ko ang kamay niya. At nagbigay ng simpleng ngiti.
"And you too." Kinamayan niya rin si Twain. Eto namang si Twain abot sa tenga ang ngiti. Nag-umpisa magturo si Ms. Daina na teacher namin pero pahapyaw lang yun dahil time na. Lumabas naman kami sa classroom at hindi na ulit kami kinausap nung kambal.
Pumunta kami ni Twain sa next subject namin. Gumaan ang loob ko nang mapagtanto kong kaklase namin si Blair ngayon. Pagpasok namin ng classroom ay nandun na siya.
"Twain! Sophie! Here!" Tinuro niya ang dalawang bakanteng upuan sa magkabilang gilid niya. Nagkwentuhan kami para mas magkakilala pa habang naghihintay ng guro at iba pang kaklase.
"Uy! Lloyd! Louis!" Napalingon rin ako sa pinto nung may tawagin si Blair. Yung kambal. Ngumiti si Louis at saka lumapit sa amin. Ang bakanteng pwesto na lang ay ang isa sa gilid ni Twain at isa sa akin. Tumabi sa akin si Lloyd. Nagulat ako dun dahil hindi naman kami close at wala kaming proper conversation.
"U-uhm H-hi." Nahihiyang bati ko sa kanya, tumango lang ito saka ibinaling ang atensyon niya sa harap, kahit wala namang teacher dun. Nagdaldalan pa sandali yung tatlo ngunit natigil din dahil dumating na yung teacher.
"Good Morning class! I'm Ms. Gianne Silva. You can call me Ms. Gie. And welcome to your first voice class." Masiglang bati nito sa amin. Halatang nasa 20s palang ito dahil mukhang bata at model material, maputi, matangkad at maganda.
"So as a tradition, freshies must introduce yourselves, but in a much different way compared to your other classes. I'll give you three minutes to think of a song that would best describe the situation you are in right now, and sing it in front." Napanganga ako dahil dun. Hindi pa ako ready na kumanta sa harap nila. To think na may elite students dito at hindi lang isa, tatlo sila. Tho hindi naman sila mukhang judgmental, maliban kay Lloyd pero nakakatakot talaga.
"Twain, ano sayo?" Tanong ko kay Twain.
"Fireworks. Hihi." Sagot niya at mukhang sigurado na siya.
"Ay wow. Palaban." Komento ni Louis. Natawa naman si Blair dun.
"How about you?" Tanong sa akin ni Blair. I shrugged.
"I still don't know." She smiled yung ngiti na nagsasabing kaya mo yan. Tumingin ako sa harapan at nagisip. Naglabas ng salamin yung isa kong kaklase sa harap ko at nakita ko pati ang sarili kong repleksyon. Alam ko na.
Isa-isa kaming tinawag mg aming guro. May 11 kaming freshies dito. At pang huli kami ni Twain dahil nasa likod ang upuan namin. Pang sampu siya at ako ang susunod. Medyo matagal-tagal rin dahil may kumanta ng buong kanta pero meron yung hanggang unang koro lang. Tumayo si Twain at nagthumbs up kami ni Blair to cheer her up.
Patango-tango si Ms. Gie at mukhang finifeel yung pagkanta ni Twain. Pareho namang nakangiti at mukhang nageenjoy si Louis at Blair. Blangko naman ang ekspresyon ni Lloyd na nasa tabi ko. Tapos ng kumanta si Twain at nakakuha siya ng palakpak ng mga kaklase namin. Nakipag-apir pa siya sa amin ni Blair pagkabalik niya.
Tumayo ako sa upuan ko, nagthumbs up sila Twain sa akin pati si Louis nakisali, samantalang si Lloyd ay tila walang pake lang. Nagbow muna ako at bumati sa kanila bago nag-umpisa. Medyo kinakabahan pa ako kasi iba ang magperform sa harap ng mga tulad mong mataas ang pangarap sa music industry. I cleared my throat and then started to sing.
"Look at me. I will never pass for a perfect bride nor a perfect daughter
Could it be I'm not meant to play this part?"Bakit ba ito ang napili ko? Siguro dahil naalala ko si abeoji. I wasn't supposed to be here. I shouldn't be here, because of my abeoji. But at the same time I should be here because of mom: to know her, to be closer to her. Maybe kahit anong desisyon ko, I will never be a perfect daughter.
"Who is that girl I see staring straight back at me?
Why is my reflection someone I don't know?"Maybe just like Mulan, I'm lost. Hindi ko Makita kung sino talaga ako kahit kaharap ko na ang sarili kong repleksyon. Nagpakita ako ng emosyon sa pag kanta ko. Niramdam kong mabuti ang bawat salitang inaawit ko at tahimik na humihiling. Sana sa pagpasok ko dito makita ko ang sarili ko.
"Somehow I cannot hide.
Who I am, though I've tried.
When will my reflection show who I am inside?"Natapos akong kumanta at pagkadilat ko ay manghang tingin ng mga kaklase ko ang sumalubong sa akin. Nakangiti sila Blair, Twain at Louis, samantalang nakapikit at walang emosyon parin si Lloyd. Pumalakpak sila saka ako nagbow at tumungi sa upuan ko.
"Nice one Mulan!" At nakipag-apir pa sa akin si Louis.
"Idol talaga kita Sophiebells!" Sabi naman ni Twain. At nagthumbs up.
"Both of you can be elites, you know?" Tinapik kami ni Blair at napatawa sa komento niya. Masyado naman kasi atang mataas yon. Eksaktong magring ang bell noong makaupo ako, kaya naman nagpaalam na si Ms. Gie.
"Tara lunch!" Sabi ni Twain. Sumangayon naman kami ni Blair.
"Sama kami!" Sigaw ni Louis sa amin. Natuwa naman ako dun kasi hindi kami maleleft out ni Twain.
"Sure." Sabi ni Blair.
Nagsimulang maglakad yung tatlo na nauna pa sa amin ni Lloyd. Ngingiti-ngiti ako habang inoobserbahan sila. Kung hindi mo sila kilala, aakalain mong matagal ng makakasama ang mga 'to. Nakakatuwa kasi silang panoorin, maingay sila at nakakatawa. Masayang pinagmamasdan ko sila nang marinig ko ang tinig na hindi pamilyar, siguro ay dahil ngayon lamang ito magsasalita mula ng makasama ko siya. Sandaling natigilan ako.
"You're good, Mulan."
∆∆∆

BINABASA MO ANG
His Falling Star
Teen FictionIt would've been better if we could freeze the time and stay right where we are, then nothing would be broken. It would've been better if those moments didn't pass by and became a memory, then there will be no more sad eyes, shedding tears. It would...