#HSFChapter6
STRANGE STRANGER?
~~
Napagisipan namin ni Twain na magumpisa sa quadrangle sa harap ng school. Malawak iyon at madamo. Humarap kami ni Twain sa apat na building.
"Ready?" Tanong ko kay Twain.
"Ready." Sagot naman niya. Nginitian ko siya at saka kami nagsimulang maglibot.
May anim na building na bubungad pag pasok mo ng school. Yung dalawang puti sa parehong dulo ay mga dorms. Kaliwa sa babae at naman sa lalake. Yung apat naman ay may iba't-ibang kulay. Yung cream ay Academic Building, para yun sa academic studies na kailangan namin. Yung blue ay para sa singing department, yung mint green para sa dancing department at yung light pink ay para sa acting department.
Yung kulay ng uniform namin ay base sa department namin, dahil sa singing at dancing ako, light blue at mint green. Si Twain ay light blue lang.
Magaganda rin ang classrooms nila. Fully airconditioned, may whiteboards, at projector. Sabi nila, thirty lang daw kami sa klase, masyadong malaki ang classroom para dun.
Lumibot naman kami ni Twain sa likod na parte ng school. Yung building na gray sa kaliwa ay offices ng faculty at dorms rin nila. Sa kanan naman ay yung dorms ng Star Students na tinatawag, ito yung mga students na talented talaga. Kung maganda raw ang rooms namin, mas maganda raw yung sakanila ng sampung beses. Kumbaga kasi, sila yung elite students. Sa kasalukuyan may 20 Star Students ang nandito, kasama na rin yung ZONE. Graduate na kasi yung iba. Madalas yung elite students ay yung nageexcel sa mga departments at nakitaan mismo ni Ms. Jackie ng katangi-tanging talent.
Ang mga students dito ay walang binabayaran, may monthly allowance rin na 3500 for regulars and for elites, it could be up to 10000. There's a card na binibigay and yun ang gagamitin namin, so hanggang dito lang talaga yun.
Saka tuwing end lang ng semester kami pwedeng lumabas. We could survive naman dito dahil may malls, botiques and resto sa labas ng school. They call that Star City, yun yung bungad pagpasok mo sa mismong lugar dito. At hanggang doon lang kami.
Using our phones is also limited. Kaya walang loading station dito, may sim na nabibili if you really need to call someone inside the campus, at yun lang ang may loading station dito. If you really have to talk sa mga naiwan mo outside, you can go sa faculty offices, at dapat may valid reason ka, yung legit.
Trimester din sila dito pero hanggang two weeks lang ang vacation. Sa Monday ang start ng first semester for the school year.
Tapos just like in a normal school may test rin kami every end of the semester, pero sa Acad written lang. Sa Talents, may written tapos may acts. Yung acts we need to perform, applying lahat yung natutunan namin for the semester.
Tapos para maging elite students, kapag sa end of the semester acts, nakitaan ka ng star potential, next semester, ililipat ka na sa Star Students. Madalang lang raw may makitaan ng such talent, yung huli raw ay a girl from singing-acting department, Blair ata yung name. And that was 5 semesters ago, so almost two years. Nothing change naman daw when you're a star student, same schedule, same classes. Hindi kayo ibubukod kahit elites kayo. Ililipat lang talaga kayo ng dorm. Tapos iba ang uniform, same design but kulay gray and black yung patterns at instead of ribbon, nectie siya tapos may gold star sa dulo. All you have to do as a star student is to maintain your grades and skills.
Parehas naman sila ng grading system, pagdating sa Acad. Tapos sa Talent developing naman 55% ng grade ang manggagaling sa end of the sem act. So kailangan pagbutihan yun. Usually daw nagbibigay na sila ng exams, week bago ang presentation para daw we are free to take a week off. So kahit hindi na kami pumasok ng isang linggo basta magpakita at mag perform kami.
Sa Acad, may mag-iibang subject kami, every year. Kasi kailangan naming macover. This year, may maths, science, english, home economics, at P.E class ako. Yung ibang subject may history, psychology, philosophy, tapos your own choice ng language na gusto pang matutunan, Korean, Spanish, Japanese, Chinese, Thai at Dutch. Choice mo kung kukuha ka or not naman. Hindi na ako kumuha since okay naman ako sa Korean, si Twain kumuha siya ng Korean. Para madalian siya.
Kung may bagsak kami, kailangan namin ng make up work o kaya make up act, depende sa teacher kasi yun. Depende na rin kung saan ka bumagsak.
And they're not very particular sa age, in fact mas gusto nila yung habang bata pa nahahasa na. Our youngest sa freshmen ay 15 years old at 25 na yung pinaka matanda namin. Kaya nga as much as possible nagiging flexible yung faculty lalo na may mga bata pa. Minsan, pag graduate ka na sa school wala ka ng Acad, for five days puro talent developing.
Halos malibot namin ni Twain ang buong campus. Hindi na lang siguro namin na napupuntahan yung mga sulok-sulok dito. At saka yung rooftop. Hindi na rin kami lumabas ng campus. Bukas na lang raw namin libutin yun Star City. Haggard na haggard na siguro ako dahil ilang beses oa kami muntik mawala ni Twain. Kung wala pa kaming nakakasabay baka magdamag kami sa building.
"Sophiebells. Tara na sa cafeteria mamamatay na ako sa uhaw." Sabi ni Twain. Um-oo naman ako dahil pagod na rin ako. May cafeteria ang bawat building at pinaka malapit kami sa Sing kaya doon na namin napagdesisyonang kumain sandali.
"Grabe ang lawak ng school. Mukhang mahahaggard muna ako bagay nakarating sa next class ko." Sabi ni Twain pagkaupo namin.
"Oo nga. Buti na lang hindi naghati sa isang araw yung Dance at Sing ko. Ang sarap i-tricycle kung sakali eh." Biro ka naman. Nagsimula kaming kumain ang bigla kong maalala na hindi pa ako makakapunta sa Dance Building.
"Twain, iwan na muna kita. Dumiretso ka na lang sa dorm." Paalam ko sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Sa dance building. Magpahinga ka na lang muna. Didiretso naman ako sa dorm pagkatapos." Kinuha ko ang bag ko saka kumaway at nagpaalam ng aalis.
Napabuntong hininga ako pagkalabas ko ng Sing Building. May isang building pa kasi sa pagitan ng Sing at Dance kaya magmumukha akong nagmarathon ne'to. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at medyo binilisan ko narin para hindi na maghintay ng matagal si Twain.
Nang makarating ako sa Dance Building ay agad kong tinungo yung magiging rooms ko at kamalas-malasan namang sa fourth floor ang first subject ko tapos sa ground floor ang next tapos third floor saka first floor ulit. Hinilo ba naman ako. Una kong pinuntahan yung dalawang classroom ko sa first floor. Maganda yung dalawang rooms pareho sila ng interior. Yung mga upuan ay nasa gilid tapos may parang stage sa gitna.
Buti na lang at may elevator. Umakyat akong third floor at tinungo ang room ko. Hindi tulad nung kanina, mas classroom-like 'to. Nakaharap lahat ng upuan sa harapan at may whiteboard. Agad akong umalis dun at naghagdan papuntang fourth floor dahil mukhang nasa dulo ang room ko at kakaunti lang ang tao, tinakbo ko na yun. Pero kung mamalasin nga naman ako, talagang sagad. Nakabangga ako ng isang tao. Agad akong yumuko para tulungun siya sa mga paper na nalaglag niya.
"Sorry po. Nagmamadali po talaga ako." Paghingi ko ng paumanhin.
"Okay lang. Sige na, mukhang nagmamadali ka." Sandaling natigilan ako sa baritonong boses na narinig ko. Malamig ito ngunit may halong sinseridad sa sinabi niya.
"A-ano. Tulungan na talaga kita. Pasensya na." Minadali kong pulutin ang ibang mga papel at natapos naman kami agad. Inalalayan niya akong tumayo pero nanatili akong nakayuko. Feel ko kasi narinig ko na ang boses niya.
"Ouch!" Napasigaw siya kaya naman agad ko siyang tiningnan.
"O-okay ka lang?" Tanong ko habang tinitingnan kung saan ang masakit sa kanya.
"Wala gusto ko lang makita yung mukha mo. Nakayuko ka kasi the whole time." Napataas ang kilay ko. At tiningnan siya, mata sa mata. Ngunit dahil dun pareho yata kaming may narealize at pareho kaming nanlaki ang mata.
"A-ah u-una na ako." Nauutal kong pagpapaalam saka tumalikod. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay bigla akong natigil dahil sa pangalang lumabas sa bibig niya.
"Ysabelle."
∆∆∆
BINABASA MO ANG
His Falling Star
Teen FictionIt would've been better if we could freeze the time and stay right where we are, then nothing would be broken. It would've been better if those moments didn't pass by and became a memory, then there will be no more sad eyes, shedding tears. It would...
