Kabanata 10

9 0 0
                                    


Halos di ako makatulog dahil sa mga sinabi sa akin ni Liam kanina. Kahit anong gawin ko, pumikit man ako, magbasa ng wattpad, ng libro, mag facebook, mag sulat, at mag aral. Wala! Halos na nanghina lahat ng sistema ko. Yung utak ko di na ata gumana eh! Bwesit na Liam! Ano na naman ba itong pinasok kong gulo?

Itinigil na nya ang kotse. Di ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin. Halos malunod na ako sa sarili kong mga pinag iisip. This is totally freaking me out.

"Salamat." He opened the door for me.

"Goodbye, Liam." Tumalikod na ako para buksan ang gate ng magsalita siya.

"Cassy, do me a favor. Please don't walk away when I'm near you. Wag mo akong talikuran. Please, di ko kaya."

Napangiwi ako sa sinabi nya. Jusme naman, Liam! Ano na naman ba tong mga pinagsasabi nya? He's Liam. I can't go near him. Pag-iinitan lang ako ng mga fangirls niya. Yung mga babae niya. Aawayin lang ako, baga masabunotan pa ako ng wala sa oras kingina yan! Ano ba 'to si Liam, wala na syang ginawa na hindi nag papakaba sa akin. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Liam--"

"Please, Cassy. Kahit iyan lang."

Hindi. Hindi 'to pwedi. Hindi pwedi!

"Liam, umuwi ka na."

Halos nabingi ako sa sinabi ko. Sinabi ko talaga yun? Bwesit kang bibig ka! Aish! Ayan, tatanga tanga na naman!

O.o

Ehhhhh! Bakit ba? Dapat naman talaga syang umuwi ah? Iniistorbo nya ako. Hehe yun nga, iniistorbo nya ako! Pero kasi, ayoko syang umuwi. Basta yun lang yung nararamdaman ko. Ayoko syang umuwi.

"Liam--"

Tumawa sya ng mapakla kaya napatigil ako sa pag sasalita.

"I get it. Ayaw mo talaga sa akin."

Tumalikod sya at sinimulan ng magpaandar ng kotse  nya. Na guilty ako.
Parang pinagtatabuyan ko sya. Pinag tatabuyan ko naman talaga sya diba? Pinag tatabuyan ko sya. Wala akong dapat ika-guilty dahil totoo naman  talaga. Hindi ko sya gusto. Hindi talaga. Hindi.

Chasing Cassy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon