Prelude to Forever

15.7K 526 25
                                    

"Every once in a while, in the middle of an ordinary life, LOVE gives us a Fairytale..."

-Anonymous

"Ano ulit 'yon?"

Hindi kami magkarinigan ni Meg sa loob ng kantina ng university sa sobrang ingay ng paligid. Pasado alas dose na kasi ng tanghali at nagsimula nang mapuno ang lugar ng mga estudyanteng manananghalian.

"Sid, you have to go! Malaki 'din ang consolation prize kahit na matalo ka," pangungumbinsi saakin ng babae habang hawak ang isang red envelope na may tatak ng dating show na LOVESTRUCK. Kanina pa nito winawagayway sa mukha ko ang invitation na napanalunan niya sa isang LOVESTRUCK raffle promo kung saan ang mananalo ay automatically magiging kasali sa reality dating show. Lahat ng kaswertehan sinalo niya nang magsabog ang Diyos nito. Kaya pati itong raffle promo ng reality show ay napanalunan niya nang bumili siya ng isang magazine sa 7-Eleven.

Napaatras ako at sumandal sa silyang kinauupuan. Hindi ako fan ng show. I certainly hate the show to death -the exploitation, the manipulation, the humiliation. The truth is, LOVESTRUCK ruins all your rights just for the ratings and even the most elementary of rights can be taken away from you. Like most people say, the right to pee when you need to. It's a chess match where the contestants never win, it's the producer's game.

"I can't Meg. I hate the show!" Untag ko sabay napailing. Hindi ko talaga pinangarap ang makita sa national TV lalo na sa reality dating show na iyon.

"I love it! The drama, the twists, the thrill, the places and the kissing scenes! Sayang naman. I would love to go for the experience you know pero Migs won't let me. Masyadong possessive ang mokong na 'yon kaya hindi niya ako papayagan," muling paliwanag ng babae. Ilang taon na 'rin niyang boyfriend si Migs. I cannot blame Meg for not taking the chance to join LOVESTRUCK. Masyado itong inlove sa nobyo at ayaw nitong maging dahilan pa ang pagsali niya sa hindi nila pagkakaunawaan.

Nakatitig ako sa kaibigan habang bahagyang umiling-iling. I just wished she won't convince me further because I might fall into her bait because I badly need money. But knowing Meg, she has the power to persuade even the most impossible person on earth. Isang talentong nahasa na niya sa kanyang pagtanda.

"Ten thousand pesos. That's the consolation prize Sid! It can help you for the next semester! Magsusuot ka lang ng gown, ngingiting parang uhaw na aso sa camera then boom! Ten thousand!" pinanlakihan na ako ng mata ng babae. Alam kong wala itong intensyon na masama. She knew I needed money for the next semester lalo na't mas malaki ang bayarin kapag graduating student. "Ako na ang bahala sa isusuot mong gown, pati sa jewelry at ako na ang mag-aayos sa'yo. Deal?"

"You're impossible!" asik ko sabay lagok sa natitirang laman ng baso ng juice na hawak ko. Sa itsura ng mukha ko'y alam na ni Meg na medyo napapayag na niya ako sa kanyang offer.

"No! You are! This is just for a night! Isang gabi lang tapos may ten thousand pesos ka na. Para ka nang sumahod ng dalawang beses kapag nagtrabaho ka bilang part-timer sa isang fast food! Sid. So?" Sa itsura ng mukha ng babae ay alam kong sigurado na itong nagtagumpay siyang kumbinsihin ako. Kaya nitong basahin ang ekspresyon ng mukha ko, it's one of her many talents. Muli niyang iwinagayway ang pulang envelope sa harapan ko at hinintay ang sasabihin ko.

"Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera hindi pa-"

"YES! Oh yes!" hindi na ako pinatapos ng babae. Sa sobrang saya niya ay mabilis niyang nahawakan ang mga kamay ko at itinaas 'yon na parang ako na ang nanalo sa sasalihan kong reality dating show.

Just for a night. Just for the money. Napasinghap ako ng hangin dahil nagsimula nang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari. Sana wala.

###

The Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon