Kulang na lang ay tubuan ng sungay at lumabas ang mga itim na usok sa lahat ng butas ng mukha nito. Nakalukot na naman ang mukha niya at tila wala nang paglagyan ang iba pang emosyon sa niya kundi ang nagpupuyong galit nito. Hawak nito ang bag ko habang nakatingin saakin ng diretso.
Humakbang ako palapit dito habang sinasalubong ng tingin ang galit niyang mukha. Hindi pwedeng siya lang ang nagtataray. Kailangang bumawi kundi lalamunin ako nito ng buo. "My bag!" untag ko sabay abot sa bag kong hawak-hawak nito.
"What?" iritableng sagot nito.
"Bingi ka ba! Akin na yang bag ko!" I roared.
Umiwas ito nang abutin ko ang bag. Mabilis niyang naitaas ang hawak dahilan para mahirapan akong kunin ito. Rayden is six feet tall kaya kakailanganing talunin ko ang bitbit nitong bag para maabot ko.
The guy had no idea what I am capable of. Ngumisi ako at muli siyang tinignan ng masama, that was my warning look. It took him seconds to realized what I was thinking. Nanlaki ang mga mata nito. Napaatras ito saka iniharang ang bag ko sa kanyang harapan at tila takot nang matadyakan sa bahaging iyon.
"You are such-"
"Such what?" putol ko sa sasabihin niya saka patay malisyang hinila ang bag ko. Hindi naman ako nahirapang kunin iyon.
He ignored my rowdy demeanor and proceeded to what he had to say, "I don't want you lurking around or anywhere near me. Keep away from me atleast fifty meters."
Antipatiko. As if nagkukumahog akong makalapit sa kanya. Napabuntong hininga ako. Ayoko nang patulan ang kahibangan ng lalaki kaya naisip kong palagpasin na lang iyon. Magulo na ang buhay ko kaya ayoko nang may karagdagang gulo pa. Marami na akong iniisip at baka hindi ko na siya magawang maisiksik pa sa utak ko. Nginitian ko siya. Ngiting halatang punong-puno ng kaplastikan saka ako sumagot ng tipid. "Okay."
Tinignan niya ako ng masama bago tumalikod at nagtungo sa kung saang lupalop ng campus. Wala na akong interes na alamin kung saan ito pumunta. Basta ang alam ko'y kailangang lumayo ako sa kanya ng atleast fifty meters. Diyos mio! Daig ko pa ang may nakakahawang sakit!
Pagpasok ko sa classroom, nakita ko si Meg at ang boyfriend nitong si Migs. Magkatabi ang mga ito, nasa 4th row si Migs at nasa 5th row naman si Meg. Doon ako sa 5th row umupo, sa likuran ni Meg.
"Sidney," bungad ng kaibigan ko, "you're a star! Anlupit ng eksena mo sa T.V!" tapos humagalpak ito sa tawa.
Namula ako sa sobrang hiya lalo na nang mamataan kong saakin nakatingin ang mga nasa loob ng classroom. "Nakakapanibago nga Meg, hindi ko tuloy alam kung saan ako matatago sa campus na 'to tuwing vacant period. Alam mo namang may fear ako sa crowd. Ikaw kasi eh..." pagmamaktol ko. My palm reached my face.
"Nu ka ba?" humagikgik uli ito, "may purpose kung bakit nangyari yun. Look at you now, isa ka nang sensation. The next day, isa ka nang temptation!"
Tawanan. Nakakabingi. Halos lahat ng mga usisero't usisera'y saakin nakatuon ang atensyon. Mga tsismoso't tsismosa nga naman, ginagawang panghimagas ang chismis.
"Magkakaboyfriend ka na niyan for sure Sid." Singit naman ni Migs na noo'y minamasahe ang kamay ni Meg.
"Tseh! Tumigil nga kayong dalawa, hindi ko nga alam kung pano ko pakikitunguhan 'yong Rayden na 'yon. Napakaantipatiko no'n! Nakakalagas ng bangs!" Gigil kong sabi saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
"Pero aminin mo, pogi diba?" sabi ni Meg na parang kinilig pero agad nilambing si Migs para hindi magselos, "siyempre mas pogi 'tong si Miggy ko ng isang paligo."
"Oo na. Oo na. As if may magagawa pa ako para pabulaanan yan. Pero siyempre nasa ugali parin 'yan. Pogi nga, spoiled naman. Hindi marunong ,magtake ng joke. Nakakai-" biglang naputol ang aking sasabihin dahil sa lalaking matangkad na biglang pumasok sa classroom.
BINABASA MO ANG
The Last Rose
Romance60 stunning girls, One handsome bachelor, One reality dating show, A battle of fancy dresses and stilettos begins. In a journey of dreams, hope, love and betrayal, One girl shall be named... THE LAST ROSE Genre: Teen Fiction/Romance Language: Fil...
