Sumunod ang umaatikabong palakpakan ng madla at ang pangangatog ng mga tuhod ko na animoy bibigay na sa four inches pumps ni Meg. Nasilaw ako sa spotlight. Wala na akong naaninag na anumang imahe sa harapan ko. Hinarang ko ng bahagya ng kaliwa kong palad ang liwanag para may maaninag ngunit nabigo akong makakita kahit na ano. The light was blinding. The noise was deafening. My heart was beating so fast.
Napaatras ako. Naapakan ko ang laylayan ng black slash gray kong gown dahilan para mawalan ako ng balance. Bumagsak ang likuran ko sa sahig. Masakit. Nakakahiya. Narinig ko pang tila nagitla ang mga tao sa pagkakatumba ko at napa "Ahy" ang karamihan. Pakiwari ko'y namula ako sa sobrang pagkapahiya.
Hiniling kong panaginip lang ang lahat ngunit parang totoo ang mga nangyayari. Isa ito sa mga realidad na gusto kong takasan. Hindi ito ang inaasahan kong mangyari. Muli, kinurot ko ang sarili ko. Nasaktan naman ako kaya hindi nga panaginip and kaganapang pilit tinatanggi ng utak ko. It's a total shame and I never expected these things to happen. Ang gusto ko lang ay ang consolation prize at hindi ang atensyong ganito! Parang kinarma ako. Agad-agad.
Hindi ko alam ang una kong gagawin hanggang sa bigla na lang sumulpot mula sa liwanag ang isang matangkad na anino. Natakpan na nito ng tuluyan ang nakakasilaw na spotlight. Isa iyong bulto ng lalaki. Napasinghap pa ako nang abutin nito ang kanan kong palad. May bahagyang pagpisil itong ginawa bago ako tinulungang makatayo. Amoy na amoy ko ang mamahaling cologne niya pero hindi ko sigurado kung si Rayden 'yon dahil wala pang maaninag ang mga mata ko dala ng pagkakasilaw sa nanggagalaiting liwanag. Ayoko namang mag-assume at magmaganda na nirescue ako ng isang knight-in-shining armor sa katauhan ni Rayden- ang lalaking kanina'y kulang na lang ay isumpa ko.
"You okay?" nag-aalala pang tanong ng aninong tagapagligtas. Hindi ko parin siya makilala.
Pumikit ako para manumbalik sa dati ang aking paningin. Nawala na sa palad ko ang malambot na kamay ng nagligtas saakin sa kahihiyan.
Pagmulat ng mga mata kong maluha-luha, gwapong mukha ni Rayden Henares ang nakita ko- and mapupungay nitong ata na pinaliligiran ng makapal at mahabang pilik, ang makapal nitong kilay at ang mga labing tila hinahamon ang pagkatao ko. Nakangiti ito, titig sa mukha ko. Hinawi niya ang nalaglag kong hibla ng buhok sa mukha. Sinakop ng malaking palad nito ang kaliwa kong palad at iginiya ako paakyat sa production stage kung saan naghihintay ang siyam na dalagang halatang nagngingitngit na sa galit at inggit.
Wala kaming imikan ni Rayden pabalik sa harap ng mga camera. Alam kong bahagi ng script ang ginawa ni Rayden, one of the many reasons why I hate this show -nothing seems real. Nakayuko parin ako dahil sa sobrang kahihiyan.
"You'll gonna be fine. Okay?" Mahinang sabi ni Rayden na tila nanghihipnotismo sa bawat titig nito.
Nang marinig ko ang sinabi ng binata, napaangat ako ng tingin sa kanya na hawak parin ang aking palad habang umaakyat ng production stage. "T-thank you..." mahina at nabulol ko naman sagot. It felt awkward.
Ngumiti lang ng pagkasimpatiko ang lalaki, nawawala ang mga mata nito pag nakatawa. Pilit kong ikinubli ang pamumula ng aking mga pisngi pero parang hindi ako nagtagumpay. Simula kanina'y parang binuhusan na ako ng isang balde ng hiya at nawala ang palabang Sidney na nananalaytay sa aking mga ugat.
Kasunod ng mahabang patalastas, inihanda na ng production team ang malafairytale na setting kung saan kukunan ang ten sets ng sayaw ng mga napiling prospects with Rayden.
Sa napakalaking garden ng mga Henares ginanap ang portion na kung tawagin ay MAGIC DANCE with THE ONE. May malaking fountain ang garden kung saan nakatayo sa gitna ang imahe ni Adonis na halatang bagong lagay lang para umayon sa tema ng show. Nagmukhang modern garden of Eden ang setting ng locaton. Muli akong nailang sa ideyang makakasayaw ko si Rayden kahit na rebound lang talaga ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/12652599-288-k484211.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Rose
Romance60 stunning girls, One handsome bachelor, One reality dating show, A battle of fancy dresses and stilettos begins. In a journey of dreams, hope, love and betrayal, One girl shall be named... THE LAST ROSE Genre: Teen Fiction/Romance Language: Fil...