"Sidney!" sobrang lakas ang pagkakasigaw ni tita Iya sa pangalan ko dahilan para mapabalikwas ako sa aking tinutulugan -sa storage room. Nasapo ko ang aking ulo sa pagbangon, medyo masakit pa ito. Pagod sa mga pangyayari kagabi.
Naalala ko ang mga kaganapan kagabi. Halos hindi ko alam ang bawat detalye kung paano ako nakauwi pagkatapos kong mag-eskandalo. Tahimik akong napamura. I never thought I could do something so violent.
'Oh my, ganon nga bang nangyari kagabi?' tanong ko sa aking sarili habang sinasariwa ang Lovestruck taping kung saan gumawa ako ng eskandalo.
Bigla kong natakpan ang bibig ko ng aking kanang palad nang maalala ko ang ginawa ko. Nasampal ko si Rayden Henares on a national television? Pagkasampal na pagkasampal ko sa gwapong mukha ng lalaki, oh my goodness! Tinadyakan ko pa siya sa kanyang balls... hanggang sa napaluhod ito sa sobrang sakit. Rumehistro pa sa isip ko ang mukha ng lalaki habang namimilipit sa sakit at nakatitig saakin na parang gusto akong gantihan. Kulang na lang ay sakalin ako nito para makapaghiganti.
Nag-walk out ako at tila walang pakialam sa paligid habang sinusunod ako ng mga kamerang hindi nagsisinungaling. Hindi ko na inisip pa ang consolation prize dahil mas minabuti kong makaalis kaagad sa mansion ng mga Henares.
"Sidney! Hindi ka donya sa bahay na 'to. Gigising ka ba diyan o hihintayin mong hilain kita palabas ng kwarto" Three million decibles na ang volume ng sigaw ng nag-aalburuto king tiyahin. Nahimasmadan ako bigla. Paniguradong inuugat na naman ang litid nito sa leeg sa kakasigaw.
Awtomatikong napabalikwas ako ng bangon. Tiyak na mamumula na naman ang tainga ko sa pagpingot niya kapag hindi pa ako tumugon.
"Sidney!" nagbabantang sigaw ng matanda.
Hindi na ako nag-atubili pa, alam ko kung pano magalit si tita Iya. Parang siya yung dragon sa The Hobbit. Nakakatakot, parang umaapoy ang mukha, usok butas ng ilong, tenga, pati pwet at ang mga matang tila nangangain ng buhay.
"Tita! Palabas na po!" Mahinahon kong sabi. Huminga pa ako ng malalim bago tuluyang nilisan ang kwarto kong hindi mukhang kwarto.
"Ba't ba antagal mo..." salubong saakin ni Margo, my evil cousin na lalong humahaba ang baba sa paglipas ng araw. Talented!
"Anong meron?" naguguluhan kong sabi. Napansin kong madaming tao sa labas ng bahay ng pamilya Posit. Nakakapanibago.
"Tanga ka ba? Anong tawag mo sa mga nasa labas? Marching band? Media yan boba!" bulyaw saakin ng second pinsan kong si Cynthia. "Halah, pumunta ka na sa sala," untag nito sabay irap saakin na parang ako ang sumira sa umaga niya.
"Lagot..." bulong ko sa aking sarili nang napagtanto ko ang presensya ng mga kamera.
Paatras na sana ako pero hinawakan ako sa magkabilang braso ng magkapatid na pinaglihi sa manga at sitaw. Wala akong nagawa, nagpahila naman ako at inimagine ko na lang na nasintensyahan na ako ng korte at hinihila na ako ngayon ng dalawang chakang jail guards patungo sa kulungan.
Pagdating ko sa sala, hindi lang si Aunt Iya ang nandoon. Bumungad sa mukha ko ang mga taga CLOUD T.V, ang director ng LOVESTRUCK pati na ang apat nitong kasama na malamang ay bahagi ng show.
Nakita kong nagbago ng anyo ang mukha ng tiyahin ko na ngayo'y bihis na bihis at parang ililibing na bukas. Nasa mga mata nito ang kumikinang na peso sign. Kabisaso ko na si tiya, ganyan ang mukha niya pag pera ang usapan -makinang pa sa diyamante ang eyeballs.
Naupo ako sa tabi ng tiyahin ko na noo'y first time kong makitang proud saakin. Sus!
"Sidney," panimula ng director ng show, "we are here to settle things." Mahinahon nitong sabi sabay labas ng folders na naglalaman ng mga dokumento.
![](https://img.wattpad.com/cover/12652599-288-k484211.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Rose
Romansa60 stunning girls, One handsome bachelor, One reality dating show, A battle of fancy dresses and stilettos begins. In a journey of dreams, hope, love and betrayal, One girl shall be named... THE LAST ROSE Genre: Teen Fiction/Romance Language: Fil...