RAYDEN
I just don't want to be another dad's disappointment. Kaya gustong-gusto kong maging successfull ang Season na ito ng Lovestruck. It would bring back my our company's stable, it is a powerful tool for publicity too. I had to do it. Ako na lang ang pwedeng gumawa nito. Nasa Madrid ang kuya ko at abala sa culinary carreer nito. He's too old for stuffs like this. Hindi naman pwede ang bunso kong kapatid na si Nathan. Mom won't approve that at baka atakihin pa 'yon sa puso. He's just sixteen at baka akusahan pa kami ng child exploitation. I won't let him getting involve into things like this either. I have to do it.
Nasa harapan ako ng Cafe Cassandra ngayon. Nakasandal sa kotse habang nag-iipon ng timing para puntahan ang babaeng nagpapasakit sa ulo ko simula noong pilot episode ng Lovestruck. Kailangan ko nang mahingi ang sagot niya at hindi ko na kayang maghintay hanggang bukas. Hindi na pwede hanggang bukas dahil bukas na ang simula ng TV guesting ng sampong napili sa morning TV Show ni tita Marion.
I admit, isa siya sa mga dahilan kung bakit napakataas ang ratings ng pilot episode. Siya, ako at ang wrecking balls na ngayon ay pinagpipiyestahan ng buong mundo. Damn. This girl really tried to break the future generation of the Henares. Siya lang ang babaeng nagtangkang sirain ako sa harap ng maraming tao. She will pay for what she did. Pero ang mahalaga sa ngayon ay mapapayag ko siya at makumpleto ang Ten Roses bago magmadaling araw.
I don't want to fail this time. Nangako akong madadala ko siya sa morning show ni tita Marion bukas.
Mag-aalas siyete na ng gabi nang magdesisyon akong pumasok sa cafeteria na pinagtatrabahuan niya. I had to hire someone capable to know her whereabouts and this is one of those places bukod sa bahay, eskwelahan, palengke, at mall. I wonder how boring her life is having these places to roam around. Kaya siguro niya napagdiskitahan ang pantog ko dahil nababagot na siya sa buhay.
Isang malakas na halakhakan ng mga kababaihan ang bumungad saakin pagpasok ko ng Cafe Cassandra. Hindi ako napansin ng mga ito nang umupo ako sa isang sulok at nag-ipon ng lakas para lapitan ang amazonang si Sidney. Nakailang ipon na ako ng hangin sa baga pero parang pakiramdam ko'y mauutal ako kapag nakausap ko na siya. Damn! I was never like this! Hindi ako sanay sa pakiramdam na 'to!
Tinawag siya ng isang nakatalikod na babae habang ang iba'y abala sa pagnguya ng inorder na cakes. Halatang mga grupo ng modelo ang mga iyon dahil sa kanilang pangangatawan at kasuotan. Kaagad namang lumapit si Sidney sa mga kababaihan na nakangiti pa habang naglalakad. Napansin ko ang unti-unting pagkurba ng mga labi nito habang papalapit sa mga customer. Marahil ay napagsino niya ang mga iyon at hindi siya natuwa sa nakita. Napakuyom siya ng palad at halatang hindi niya nagustuhan ang isang babaeng nakatalikod saakin.
Patayo na ako para lumapit nang makita ko kung paano sinadyang itapon ng isang babae ang baso ng juice kaya kumalat ito sa sahig. Nabigla naman si Sidney na kaagad ding kumuha ng pamunas mula sa likuran nito. Nagawa pa niyang magtawag ng kasama niyang crew bago napayuko at pinunasan ang nabasang bahagi ng lamesa. Tumayo ang isang babaeng kanina'y kausap siya na may hawak pang isang baso ng juice at walang alinlangang ibinuhos iyon sa abalang si Sidney. Nagtawanan ang mga kasama nito at napansin sila ng mga customer na naroon.
Mabilis akong naglakad papalapit nang makilala ko kung sino ang babaeng nambuhos ng juice kay Sidney -si Sylvia. Nilakihan ko pa ang hakbang ko nang humarap sa kanila ang galit na mukha ng babae. Sa paglipad ng palad nito padapo kay Sylvia ay inilang hakbang ko ang pagitan namin at mabilis kong nahawakan ang braso nito. Nagulat siya nang makita ako pati na rin sina Sylvia.
Mabilis ang paghinga ni Sidney at pulang-pula ang mukha sa sobrang galit, "Bitiwan mo ako kung ayaw mong tuluyan ko nang basagin ang itlog mo!"
I have expected her saying that. Napahigpit ang hawak ko sa braso nito. Kailangan ko siyang mailayo sa lugar na 'to bago niya mabasagan ng mukha si Sylvia. "Come with me!"
BINABASA MO ANG
The Last Rose
Romance60 stunning girls, One handsome bachelor, One reality dating show, A battle of fancy dresses and stilettos begins. In a journey of dreams, hope, love and betrayal, One girl shall be named... THE LAST ROSE Genre: Teen Fiction/Romance Language: Fil...