Chapter 1 - Lady in Gray

10.5K 417 28
                                    

"There he is! Oh my gosh ang gwapo niya!" Maarte at malakas na sigaw ng katabi kong babae na halos lumuwa ang dibdib sa revealing nitong gown. Nasa set na ako ng LOVESTRUCK. I really hate this show. Kung hindi lang talaga sa pamimilit ni Meg at sa matinding pangangailangan ko sa consolation prize, hindi ko papatusin 'tong pagpoproxy ko sa show na 'to. Nakailang buntong hininga na ako habang binibilang ang oras bago ang selection.

Natigilan ako nang lumabas ang isang makisig na lalaking kahawig ni Daniel Matsunaga mula sa ikalawang palapag ng mansion ng mga Henares. His perfect jawline, his deep set eyes, pointed nose and well defined red lips na parang ang sarap sa mata kapag nakaawang. Hindi nagtagal ang pagpapantasya kong 'yon. Umiling-iling ako ng paulit-ulit upang matanggal sa sistema kong nagwagwapuhan ako sa bachelor na pangunahing karakter ng show. Isang gwapong lalaking ginagawang puppet ng mga producers para kumita ng pera, bulong ng utak ko.

Those kind of looks are only fitting to girls who are after the superficial. Siyempre ang mga ganyang itsura bagay sa mga mestisahin, modelo o sexy, naisip ko.

One thing why I really don't like reality dating shows is the stereotyping. Ginawa pa nilang mala-fairytale ang setting na parang pinapalabas nilang para mga magaganda, sexy at matatangkad lang ang happy ever after. Lihim akong napamura.

Tumingala ang mga kababaihan at nagsipalakpakan ang mga bisita. The guy who's undeniably handsome flashed a dashing smile causing the girls around me to fidget like dying bitches. Nagsimulang tumugtog ng klasikong awitin ang bandang galing pang Europa. Hudyat na iyon na nagsimula na ang palabas at maya-maya'y kailangan nang mamili ng lalaki mula sa mga bisitang babae na bibigyan ng chance na makadate at makilala ang hearthrob sa loob ng anim na buwan. Makakauwi na ako in just a while with a check on my hand. Tapos magmomove on na ako na parang walang nangyari.

Gaya ng nakagawiang mechanics ng reality-dating show na laging trending sa twitter, ang LOVE STRUCK. May isang gwapong lalaki na ang tanging talent ay ngumiti na tatawaging THE ONE, si Rayden Henares.

Ang nag-iisang tagapagmana ng Henares Group of companies. Gwapo. Matikas. Nag-aral sa isang prestihiyosong unibersidad sa Paris. Pinagkakaguluhan at pag-aagawan ng limampu't siyam na babae para makadate, na para saakin ay isa lamang modelong dinamitan para pagkakitaan ng isang T.V network na pagmamay-ari din ng pamilya nito. 

Isang laruang sinusulit ang gamit habang bago pa. 

Kung susumahin, nasa kanya naman talaga ang mga katangiang hinahanap ng mga ilusyonada at desperadang babae: the standard tall, dark and handsome, mayaman -the superficial. Mysteriously handsome, ang unang salitang magdedefine sa kanya pero wala akong balak diskubrehin ang misteryo sa likod ng gwapo niyang itsura dahil masasayang lang ang oras ko.

Muling umikot ang tingin ko sa paligid. Naglipana ang mga mamahaling gown na gawa ng mga kilalang designers hindi lang sa bansa pati na rin abroad. May nakita akong parang likha lang ni Marchesa at ang paborito kong designer na si Angel Sanchez.

Halatang pinag-effortan naman ng mga dumalong babae ang kanilang kasuotan. Mula head dresses, accessories, bags, gowns, down to stilettos. Pabonggahan, patalbugan para lang mapansin ng inaasam na THE ONE.

Hindi ako umasa na mapansin ng THE ONE. It was the most pathetic and desperate moment. Alam kong sa animnapung bisitang babae mula sa iba't-ibang bahagi ng bansa, ako ang pinakadehado.

Mukha akong basahan sa tabi ng mga babaeng nakasuot na gown na gawa ng mga sikat na designer sa bansa. Pang-consolation prize lang talaga 'tong itsura ko kaya hindi na ako umaasa. Pagkatapos na pagkatapos ng announcement, uuwi na ako, naisaloob ko.

Nagkaroon ako ng pagkakataong pasadahan ang THE ONE. Hindi rin naman masamang tignang ang dahilan ng gabing ito kahit na ayoko sa buong show. Si Rayden Henares na ngayo'y nasa terasa ng mansion at Greek god. A chick magnet. Sa facial expression nito, mukha siyang suplado at hobby nya ang pagsimangot. Halos matupi nga ang noo niya sa sobrang pagkakakunot nito nang mapasin niya ako from the group of screaming girls na nasa harapan niya. 'Wall flower... garbage crap' yan siguro ang naisip niya.

The Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon