Chapter 4 -LoveTrend

7.7K 327 35
                                    

Pupunta dito ang lalaking 'yon? Anong mukha ang ihaharap ko matapos kong basagin ang itlog nito? Paano ko siya pakikitunguhan? Eh kagabi nga isang milyong effort ang nagamit ko para magmukhang masungit at hindi interesado sa kanya. What the-'

Biglang nagsalita ni auntie, ngumunguya pa ito ng puto ngunit pinilit paring magsalita. "Malapit na daw si Rayden, huwag ka ngang madrama diyan. Hindi mo kinaganda 'yan. Basta ikaw na ang bahala sa bill ng tubig at kuryente pag nakuha mo na allowance mo ah." Siniko pa ako nito saka pinanlakihan ng mata na parang nanabik sa perang makukuha ko kahit hindi ko pa pinipirmahan ang kontrata.

"Tiyang naman! Agad-agad? Hindi pa nga ako umu-oo eh!" sagot ko habang halos hindi alam kung alin ang uunahin- ang magmadaling maligo o isipin ang dapat kong gawin kapag kaharap na ang damuhong 'yon. O pwede ring tumakas at umiwas sa lalaking 'yon! May alam akong shortcut sa likod ng bahay papuntang sakayan ng jeep! Tama! Yon na lang ang gagawin ko.

"Nag-iinarte ka pa Sidney, hindi ka maganda para umasta ng ganyan sa Rayden namin." Dinig kong sabi ni Margo na nakakapameywang at nakabusangot nang lingunin ko. Matagal nang mga die hard fans ni Rayden ang dalawang anak ni tiyang bago pa man mapabalitang siya ang magiging The One sa Lovestruck.

"Palibhasa husay mo pasimpleng lumandi!" Paarteng usal ni Cynthia na lalo pang humaba ang baba. Nakakairita talaga ang baba nitong humahaba sa paglipas ng panahon.

"Girls, that's enough. Magbihis na kayo kasi parating na si Rayden. At ikaw Sidney, huwag mo nang tangkaing tumakas sa likuran ng bahay dahil nakalock na ang pintuan sa may kusina." Gumuho ang mundo ko nang marinig ko si tita. Pakiramdam ko'y kaya nitong basahin ang laman ng utak ko kaya hindi ko pa man nagagawa ay nabuko na ako nito.

Minabuti kong maligo na lang ng madaliin at magbihis. Kaagad kong hinablot sa inaanay na aparador ang tatted jeans at loose white t-shirt. Mga gano'n ang karaniwan kong suot kapag pumapasok dahil walang uniporme ang university na pinapasukan ko. Paglabas ko ng kwarto ay narinig kong nakikipagtalo si tiya sa mga producers.

"So hindi pwedeng makisakay sa kotse ang mga girls ko?" masungit na bulalas ng tiya. Sa itsura nito'y tila susugurin ang staff ng show at ipagpipilitang sasakay sa magarang sasakyan ang dalawa nitong anak.

"Sorry Misis Posit pero hindi pwede eh. If you want sa convoy na lang sila sumakay," masuyong sabi ng patpating babaeng staff na animo'y binibigyan ng pakonsuelo ang ambisyosa kong tiyahin.

Pumalakpak ang dalawang tainga ni tiya Iya sa narinig. "Alright then, girls magmadali! Oh ikaw Sidney tutunga-tungaga ka pa diyan! Shoooh! Mag-ayos ka na diyan! Haharap ka sa napakaraming camera na ganyan ang mukha mo?!" Makapangyarihang utos uli ng mala-ursula kong tiyahin. Nanlilisik pa ang mga mata nitong halos lumuwa na sa sobrang laki.

"Josh!" Malakas na sigaw ng assistant director na si Susana sa make-up artist nito na siya ring namamahala sa wardrobe ng buong show. Nakatingin ito saakin habang nagsasalubong ang maninipis nitong kilay na animo'y iginuhit lang.

"Yes mother!?" anang baklang parang rainbow ang kulay ng damit at pagmumukha. Kumekendeng itong lumapit sa assistant director.

"Bihisan mo 'tong girl na 'to!" anito na parang nairita sa itsura at bihis ko sabay mabilis na binukadkad ang kulay ubeng pamaypay na tila nainitan bigla dahil sa sobrang iritasyon.

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Hindi pa ako pumapayag sa deal at wala pa akong pinipirmahang kontrata kaya hindi nila dapat pakialaman ang susuotin ko. Tumikhim ako at nagsalita. "Excuse me, don't tell me magbo-ball gown ako papasok ng school?"

The Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon