Five AM ang call time ng show ni tita Marion. Past five ng umaga nang makarating ako sa sa set ng Marion Mornings. The usual set ng isang morning show ang naabutan ko, may mahabang sofa para sa mga guests at may magarang coffee table sa harap na may nakalagay na magazines at ornaments. Nasa harapan ang benches para sa live audience at nakakalat ang sa iba't ibang bahagi ang mga camera at stage lighting rigs. Nakahanda na ang lahat.
Isa-isa na ring nagsidatingan ang ilan sa mga ten roses na may kanya-kanyang assigned dressing rooms. Sylvia was with me at hindi parin matigil ang pangungulit nito sa nangyari kagabi. Tumigil lang ito sa pagtatanong nang tawagin na ito ng staff ng morning show para sa orientation ng magiging takbo ng programa.
Lumabas ako ng dressing room nang matapos akong bihisan. I was wearing a black tuxedo with a red tie that made me look so corporate. I hate wearing these stuffs to be honest, but for the sake of my duty as a son, a shrug with my shoulders was not that painful. Nakasalubong ko ang ilan sa mga ten roses na sina Almira, Isabel, Daffy, Glory, Mitchy, Cess and some names I cannot easily recall. Pawang mga naka dress ang mga ito na tila excited na sa una nilang TV appearance.
Hindi ko pa nahahagilap si Sidney na dapat ay nasa set na. Naririnig ko na rin ang reklamo ng ilan sa mga staff dahil wala pa ang babae. Ilang minuto na lang ay eere na ng live ang Marion Mornings. Napatingin ako sa orasan habang kinakapa ang cellphone sa aking bulsa. Tatawagan ko siya!
"Hey!" isang malambing na boses babae ang narinig ko sa aking harapan. Panigurado akong kilala ko kung sino ang nagmamay-ari no'n pero hindi ito magsasalita o babati sa ganoong tono. She won't. Sidney won't. Wala sa bukabularyo niya ang maging sweet.
Napatingin ako sa direksyon ng pinagmulan ng boses nito. Bumungad saakin ang nagbagong anyong si Sidney. She was wearing a body hugging red dress that revealed her curves and perfect shape. She looked stunningly oozing as her light bronze tanned skin claimed its right to exposure. I was a bit hesitant to stare but the more I try looking away, the stronger the pull it brings. Anong nakain nito at nagsuot siya ng ganong kasopistikadang damit? Her hair is pulled upward and it revealed her elongated neck that made her look like one of those models I've dated. She looked taller with her black pumps. Napailing-iling ako sa harapan nito lalo na nang tinaasan ako nito ng kilay bago pumasok sa assigned dressing room kasama ang tatlo pang contestants.
She's up to something! I knew it. Alam kong may gagawin siyang hindi mabuti kaya ganoon na lamang kadali ang pagpayag nitong maging bahagi ng show. Napasandal ako at muling napaisip. Naalala kong sinabi nitong dapat ay maging fair ako sa bawat elimination. It made me think twice. But I have to protect the show. Kung may may gagawing hindi maganda si Sidney, siya ang uunahin kong tanggalin.
It would be better for the both of us. For the show. For my family.
Dumaan ang mga oras na halos okupado ng utak ko ang amasonang naging instant prinsesa sa loob lang ng isang gabi. The girl is up to something. I have to watch her every move from now on.
Pangatlong grupo ko nakasabay sa interview sina Sylvia, Sidney at isa pang contestant na nagpakilalang Michelle. Nakaupo ako sa single sofa habang nakaupo naman malapit saakin si Sylvia. Nasa gitna si Michelle at katabi nito si Sidney na malapit kay Marion.
Pumukaw ang malakas na palakpakan nang bumalik on air ang Marion Mornings. Pansin ko ang pagngiti ni Sidney sa camera pati na sa live audience habang binabasa ni Marion ang nasa teleprompter.
Naopen ang pagwowalk-out ni Sidney sa pilot episode sa discussion. Doon muling kinuha ni Marion ang follow up question, "So Sylvia tell me one reason kung bakit you should not walk away from Rayden?" tanong naman ng host kay Sylvia.
Napakapit sa kaliwa kong bisig si Sylvia, saka ito sumagot. "He's worth it! I mean, walang rason para iwan mo ang isang Rayden Henares sa ball when you got the chance to have him forever."
BINABASA MO ANG
The Last Rose
Romance60 stunning girls, One handsome bachelor, One reality dating show, A battle of fancy dresses and stilettos begins. In a journey of dreams, hope, love and betrayal, One girl shall be named... THE LAST ROSE Genre: Teen Fiction/Romance Language: Fil...
