Chapter 6 -The Moves

5.6K 241 13
                                    

Nagtinginan kami ni Carson dahil sa biglaang pagsulpot ni Rayden sa harapan namin. Napansin kong iniwan nito si Sylvia kasama ang ilan pa sa mga maangas nitong kaibigan. Lahat nakatingin saamin.

Carson smirked, halatang handa akong ipagtanggol ng binata sa oras na ayokong sumama sa lalaking ito. "Will you be okay?"

"Walang problema dito dude , kakausapin ko lang tong amazonang mong kaibigan at sayo na uli siya." Halatang medyo napipikon ang tono ni Rayden. Naniningkit na ang mga mata nito. Antipatiko! Akala ko ba gusto niya ng fifty-meter distance? Bakit ngayon siya ang lumalapit? Ano bang kailangan niya?

"We're fine Carson. Uh, I'll see you in Trigonometry okay? One o'clock!" Kunwari'y cheerful kong sabi para ma-assure kay Carson na okay lang ako. Ayoko namang madamay pa ang lalaki sa kung ano mang kademonyohang binabalak ng anak ni satanas na si Rayden.

"Sumunod ka sa'kin." Authoritative paring sabi ni Rayden. Nagpatiuna na ito sa paglalakad habang ako'y nagpaalam pa sa bago kong kaibigan na si Carson.

Sa likod ng Administration Building sa ilalim ng punong acacia kami nag-usap ng lalaki. Stable parin ang masungit aura nito nang harapin ako gaya ng dati. Consistent at hindi nalalagas ang sungay. Naupo ito sa bench na nakapalibot sa malaking puno ng acacia, saka sinimulan niya ang tila mahalagang sasabihin.

"The producers called. They need your answer by tomorrow," he said nonchalant. His face was a total blank canvass -a complete poker face. The most gorgeous poker face I have ever seen. I wonder how can he be so handsome even with a blank reaction.

But his looks didn't tickle my heart at all. Looks never gave me hyperactive butterflies in the pit of my stomach. With a brow raised instantly, I answered, "What if I said NO?"

His eyes widened. His jaw dropped. "You can't say NO. My family would run after you. Just do it. Just fuckin' do it!" Sunod-sunod na giit nito na tila isang diktador na sinasabihan ako sa kung ano ang nararapat para saakin. Napansin kong bahagya itong napapakuyom ng palad. He clenched his perfectly curved jaw to control himself. Now I can see a reaction on his face, that blank canvass which I saw earlier became a total abstract splattered with red paint. He's angry.

Bakit ganoon na lang siya kapursigidong um-oo ako sa deal? May magbabago ba sa buhay niya o ikakayaman ba niya 'yon kapag sumali ako sa dating show na 'yon? At bakit siya ang kumakausap saakin ngayon? Siguro ay tinawagan siya ng mga producers para kumbinsihin akong sumali. Napaisip ako at bahagyang tumaas ang isa kong kilay.

My reaction might have triggered his curiosity kaya napatitig ito saakin at tila hinihintay ang sasabihin ko. It should have been so easy for him to get my yes if he was a bit nicer. But since he's a total jerk and a spoiled son of a demon, hindi ko ibibigay ang gusto niya para maramdaman naman niya kung ano ang pakiramdam ng mga nirereject at pinagkakaitan!

He waited. He kept his cool and tried to appear pleasing so that he can take a 'yes' from me. But a girl like me can't be easily fooled by an evil hiding behind a gorgeous face. Marami na akong plastik na naging kaibigan and I can easily tell their kind. This guy. He is one of them.

Ngumiti ako ng tipid saka siya tinitigan. Bahagyang nagliwanag ang mukha nito na parang nakakita siya ng pag-asa. That was the trick. Make him expect and drop him like a hot potato. So I said, "NO!" saka mabilis na umalis sa harapan nito.

I wonder kung ano ang reaksyon nito sa pagtalikod ko. Ayaw na ayaw pa naman niyang may nagwo-walk out sa harap niya. Nagdiwang ang kaluluwa ko!

"You can't just walk away from me again... ever!" 'yon ang narinig ko mula sa lalaki na nagawang hablutin ang aking bisig. Mahigpit ang pagkakahawak nito saakin at tila nanginginig pa.

"And why?" I said like I was to burn him. Pinag-iinit ng lalaking 'to ang ulo ko!

Bumitiw siya pagkakahawak saakin saka sinubukang pakalmahin ang sarili. "Look, I know you hate the show as much as you hate me."

"So what's the point of this chasing game? Alam mo palang ayaw ko sa'yo at ayaw mo saakin at ayaw natin sa isa't isa. Hindi pa ba sapat 'yon para tumanggi ako?"

He sighed deeply. Hindi ko maitangging mas gumugwapo ito kapag kumakalma. O kahit ano yatang gawin nito'y gwapo parin siya. Nevertheless, he is still a bad egg -an abbreviated piece of nothing. Tumingin ito ng diretso saakin, saka nagsalita. "Okay, let's make a deal. Say yes, you have the money stated on your contract. Attend the sessions for the show, pictorial, outdoor activities then guesting, then ikaw ang una kong tatanggalin sa first elimination."

What he mentioned was quite tempting. Hindi na ako kakasuhan ng pamilya niya, may allowance pa ako. I will have my freedom in just a week since isang linggo lang naman ang hihintayin for the elimination. I was staring blankly when I heard him speak again.

"I need your answer. Right now," he uttered domineeringly as he handed a brown envelope which I assumed contains the contract. Sa itsura nito'y malapit na namang maubos ang pasensya niya. Uso sa mga gwapo at mayamang tulad niya ang maiksi ang pasensya since sanay siyang makuha ang mga bagay ng mabilisan.

Muli akong ngumisi. At the back of my mind, I was saying 'yes' pero hindi ko 'yon sasabihin. Hindi ganoon kadaling makuha ang 'yes' ng isang Sidney Pencer. Papahirapan ko muna siya at bukas ko na ibibigay sa kanya ang pirmadong kontrata. "I'll let you know tomorrow," tipid kong usal saka humakbang palayo sa kinatatayuan niya.

Hindi na ako hinabol ng lalaki. Sapat na siguro sa kanya ang tanggihan ng dalawang beses. Masyado nang nakakaapak sa ego nito pag umabot pa ng pangatlo. I wonder how this degree of intensity are limited into three mostly. Maybe because the first is a miss, the second is badluck and third is stupidity.

Laman ng isip ko ang offer ni Rayden hanggang sa makarating ako sa restaurant kong saan ako nagtatrabaho bilang part-timer. Naputol lang ang pag-iisip ko ng malalim nang tumunog ng malakas ang cellphone ko. It was a text message from a new number.

04:15 PM
Sid. Carson here. You okay?

Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman nang mabasa ko ang text message. Nagwala ang mga kabayo sa dibdib ko hanggang sa maramdaman ko ang paglipad ng mga paru-paro sa sikmura ko. Kaagad akong nagtext.

04:17 PM
Hey Carson. I'm ok. :)

Nasapo ko ang bibig ko at halos tumalon sa kinatatayuan ko sa sobrang kilig. Parang nalaglag lahat ng pangamba ko dahil sa isang text lang na galing sa crush ko. Nagpigil ako ng tili habang nasa harap ako ng kaha. Walang masyadong customer kaya may panahon akong maghintay ng reply ng lalaki.

Muling tumunog ang cellphone ko. Halos lumundag ang puso ko sa sobrang excitement dahil muling nagreply ang numero ni Carson. Nanlaki ang mga mata ko at muntik na akong mapatili sa tinext ng lalaki.

###

The Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon