nine | LEE DAEHWI'S

551 36 14
                                    

Limang minuto ko nang tinititigan ang screen ng cellphone ko matapos isend ng stalker kong si Yoon Soorim ang address ng bahay nya.

Oh diba mga bes? Ako pa ang pupunta sa bahay ng stalker ko para lang ihatid ang lipstick na napagkasunduan namin. Swerte nya no?. Kung wala lang sana syang ebidensyang ikakasira ng image ko, hindi ako mage-effort no.

Bwiset. Akin sana to eh kaso binlackmail ako ng gagang yun kaya naman para mapatahimik sya, kailangan ko syang bigyan ng kapalit.
Mas okay na rin naman na yung lipstick yung kapalit kesa naman maging boyfriend nya ako noh. Like eww. No. Hindi ako lalake. Girl ako. Walang makakapigil saken.

Wait nga. I'm confused.
Kahit ilang beses ko pa tignan tong address na sinend nya sakin, bakit parehas na parehas sa address ng bahay ni Samuel ko?. Memorized ko na every letter and every number sa address ni Samuel kaya imposible na magkamali ako. Baka mali ang address na nasend ng lokang yun?

"Anong oras na ba?"

Napatingin ako sa orasan na nakapatong sa bedside table ko. 1:30 PM na pala. Hala, malapit na magalas-dos. Kailangan kong magmadali at magpabyuti.

Naligo ako ulit at nagbihis.
Syempre dahil may lakad ako kaylangan fresh ako no. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti. Ang ganda mo talaga Daehwi. Dyosa ka talaga. Walang kayang kumabog sayo!

I pouted in the mirror and applied lipgloss pero hindi naman masyadong halata. Kailangan ready ako. Baka makita ako ni Samuel. Kailangan mafall sya sakin. Hihi.

Pumatak ang alas-dos. Tiningnan ko ulit yung address na sinend nung babaita. Parehong-pareho talaga sa address ni Samuel. Bigla akong kinabahan. Luhh. Ano to?.
Daehwi, wag ka masyadong mag-isip. Kalma lang at hinga ng malalim.

Okay, It's Showtime.

Dahil sa ilang minuto lang ang layo ng bahay ni Samuel sa bahay namin, agad akong nakarating sa bahay nila. Nang makita ko ang laki ng bahay nila, napalunok ako. Grabe, ang yaman talaga ng baby ko. Kahit na ilang beses ko nang nakita ang bahay nila, hindi ko parin maiwasang mapanganga. Hindi pa ako nakapasok sa loob ng bahay ni Samuel kahit na ilang beses na niya akong inalok. Palagi kong hinihindian dahil nahihiya ako.

Nagulat naman ako ng agad akong pinapasok sa loob ng bahay nung guard sa gate. Tatanungin ko pa sana ito kung may kilala ba syang babaeng Yoon Soorim na nakatira dito but I missed my chance dahil agad na niyang binuksan ang gate at hindi na nagtanong pa. Sa loob, sinalubong ako ng mga maids at sinabi na nasa kwarto raw ang kanilang master.

My mouth dropped open at the sight of the inside of the house. Lahat ng furnitures ay mamahalin at kumikinang-kinang ang malaking chandelier na nasa taas.
Ang yaman naman ni Samuel ko?
Master pa talaga tawag sa kanya ng mga tao dito.

Teka? Dito ba talaga nakatira yung Yoon Soorim na yun? Baka nagkamali lang talaga yung gaga.
Bahay to ni Samuel eh.

Grabe, ang ganda dito.
Dito na rin ba ako titira kapag kinasal na kami ni Samuel ko? Hihihi.

Dahil sa aliw na aliw ako sa kakatingin, hindi ko namalayan na umakyat na pala ako ng second floor. Sinalubong ako ng nakahilerang malalaking pinto. Sa pinakadulong pinto ng gawing kanan, may nakasabit na papel. Naintriga naman ang beauty ko kaya nilapitan ko at nakita na may nakasulat doon na Samuel in bold letters.

OMG. Kwarto to ni Samuel? Di nga?

Tinignan ko ulit yung papel at nakumpirma kong Samuel nga yung nakasulat. Kwarto nga to ni Samuel ko. Yieeeeeee. Kinikilig ako pero kinakabahan na naiihi.

Ano na? Ano na Daehwi?
My God. Ano bang dapat kong gawin?
Di ako mapakali mga bes. Gusto ko nang atakihin si Samuel sa loob pero kinakabahan ako.

I took a deep breath and tightened my grip on the paperbag I brought. Eto na. Kakatok na ako!.

Kumatok ako ng tatlong beses at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Naghintay ako ng ilang segundo pero walang Samuel na bumukas ng pinto.

Baka hindi kay Samuel ang kwartong to? Baka nagkamali ako?
Pero may pangalan niya eh. Baka natutulog?

Hinay-hinay kong pinihit ang door knob upang hindi makagawa ng ingay. Plano kong kumuha ng pic ni Samuel na tulog ng pasikreto at gagawin ko yung wallpaper ng phone ko. Imbes na matuwa ay agad kong pinagsisihan na binuksan ko yung pinto.

Agad na sumalubong sa mga mata ko ang Samuel na nakahiga sa sahig ng kwarto at ang isang babaeng nakapatong sa kanya.

Nabitawan ko ang hawak kong paperbag at agad na napasigaw. "What's the meaning of this?!"

Gulat na napatingin ang dalawa sa akin.

"Daehwi? Anong ginagawa mo dito?"

- - -

I tried my best guys. ㅠ ㅠ
Sorry kung may errors.
Minadali ko to.

✉ Hoy Kuya! ≫ l.dhWhere stories live. Discover now