thirty-eight | LEE DAEHWI'S

458 34 3
                                    

Ilang beses ko nang minessage si Soorim na lumbas sa kwarto niya pero hindi niya binasa. Active naman sya. Ano yun? Inboxzone? Ganern?
Aba. Masapak nga.

Hinubad ko ang apron na suot ko at naghugas ng kamay. Kakatapos ko lang magluto ng pagkain namin na fried rice at fried eggs. Oo. Marunong akong magluto. Dahil maganda ako, marunong akong magluto.

Ang swerte ng babaeng yun no?. Ako pa talaga nagluluto para sa kanya. Tss. Don't get me wrong. Di ko parin tanggap na share kami ng isang unit at kaagaw ko sya kay Samuel pero dahil mabait akong tao, di ko pa sya tinapon sa bermuda triangle kahit na gigil na gigil ako sa kanya.

Nagtungo ako sa kwarto niya at kumatok ng malakas sa kulay asul nyang pinto.

"Hoy Soorim! Kumain ka na."
A deafening silence was the only response I heard from the other side of the door.

Hindi niya narinig yung katok ko?
Bingi ba sya?

"Nakakairita ka ha! Oh eto. Tingnan ko lang kung di ka lumabas diyan!" Sinipa ko ang pinto ng pagkalakas-lakas. Seconds after that, nag-expect ako ng isang boses mula sa loob ng kwarto pero wala akong narinig.

Sumigaw na ako at lahat pero hindi parin bumukas ang pinto ng kwarto niya. Wag mong sabihing tulog pa sya? That's strange. Maaga naman syang nagising kahapon at nung isang araw. Nakakagigil sya. Baka gusto niya maubos yung buhok niya?

Dahil hindi ko na nakayanan, kinuha ko ang isang duplicate key ng kwarto niya at padabog na binuksan ang kanyang pinto.

"Hoy!"

Napataas ang kilay ko ng makita ko syang nakahiga sa kama niya at balot na balot sa kumot.

Kita mo 'tong babaeng 'to. Masyadong nagpapakasarap sa tulog. Pasenyorita. Tulog mantika pa. Jusko.

Nilapitan ko sya at yinugyog ng mahina para dumilat ang mata niya pero bigla akong naramdaman ng init mula sa balat niya ng sandaling hawakan ko sya.

Nanlaki ang mata ko at napanganga.
Hala.

Nang hawakan ko ang noo niya, napatakip ng bibig. Oh My God. Sobrang init niya. Jusko. Inaapoy sya ng lagnat!

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at kumuha ng gamot. Papanong nagkalagnat sya?

Dahil sa pagmamadali, nabangga ko pa yung tuhod ko sa pinto habang binubuksan ko ito kaya napaaray ako ng bongga.

Amp. Putangina. Putangina talaga.

Hindi ko nalang pinansin ang sakit at agad na kinuha ang gamot. Ang nasa isip ko lang sa mga sandaling ito ay si Soorim at wala ng iba.

- - -

may nagbabasa pa ba nito?
haha.

✉ Hoy Kuya! ≫ l.dhWhere stories live. Discover now