sixteen | LEE DAEHWI'S

545 35 19
                                    


Matapos kong mag-out sa messenger, nabuntong-hininga ako at napakamot sa batok ko.

Dahil sa request ng babaitang si Yoon Soorim, babalik na naman ako sa malaking mansion ni Samuel para lang turuan sya ng Math. Malay ko ba bobo pala sa Math yung babaeng yun? Di bale na, makikita ko naman si Samuel ko. Hihi.

Napanganga naman ako ng silipin ko ang labas mula sa bintana. Madilim na ang langit at bukas na ang mga streetlights. Napatingin ako sa wristwatch ko at napamura ng makita ko ang oras.
8:11 PM. Tuesday.

Bwiset. Bakit ba hindi ko mahindian yung Yoon Soorim na 'yon?. Pwede naman kasing inisnob ko nalang sya at pabayaang magdusa sa assignment at test nya bukas. Bakit nya ba ako napa-oo?. Punyemas naman oh. Natatakot akong lumabas ng apartment ko mga bes. Paano nalang kung may biglang aatake sakin tapos rape-in ako? Jusko Lord. Wag naman sana.

Matapos malock ang apartment ko, nagpalinga-linga pa ako para makita kung may ibang taong nakasunod saken. Nang makita kong walang ni isang tao man lang sa daan, napahinga ako ng maluwag at napangiti.

Dala-dala ko ang textbooks ko sa Math habang nilalakad ko ang daan papunta sa bahay nina Samuel. Pinagsisihan ko na hindi ako nagdala ng jacket dahil ang lamig pala ngayon sa labas. Kasalanan to ng babaeng yon eh. Nako. Gigil na gigil na ako ah. Sasampalin ko talaga sya kapag nakita ko sya.

I felt a sense of relief hit me when I finally saw the familiar enourmous gate in front of me. Sa wakas, nandito na ako.

Gaya ng dati, agad na binuksan ng guard ang gate ng wala man lang tanong. Nagpasalamat nalang ako sa kanya at isang ngiti lang ang iginanti nya sa akin. Pagpasok ko sa bahay, naabutan ko si Samuel sa sala na nanonood ng TV.

Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti at atakihin sya sa kabila ng pagiging yummy nya suot ang pambahay niyang damit. My gash. Bakit mo to ginagawa saken Samuel?.

"Oh? Daehwi?"
Halatang gulat na gulat si Samuel ng makita ako. Grabe. Hindi man lang ba sinabihan ni Soorim si Samuel na pupunta ako ngayon dito?

"Good Evening Samuel."
I flashed him sweet smile and he smiled back before his lips turned into a thin line. Sa kaloob-looban ko, nagbubunyi na ako. Shet lang. Wag kang ganyan. Baka hindi ako makapagpigil. Ang gwapo mo talaga Samuel.

"Nandyan ba si Soorim? Pinapunta kasi nya ako dito para turuan sya sa Math." I tried hard para hindi mahalata ni Samuel na sesegwey-segwey ako. Hindi nya pwedeng malaman no. Baka layuan niya ako. My gosh.

"Ah. Si Soorim? Nasa kwarto niya. Alam mo naman kung nasan yung kwarto ko diba? Yung katabing kwarto nun, yun kay Soorim."
Agad namang nagflash sa utak ko yung hindi kaaya-ayang scene na nadatnan ko pagbukas ko ng kwarto ni Samuel. Pano nga ba sila nahantong sa sitwasyong iyon?
Ang dahilan ng baklitang si Soorim ay nadulas daw sya. Nako.
Klutz din pala sya.

"Wala na naman ba yung parents mo Samuel?"
Iginala ko ang mga mata ko sa bahay ngunit wala akong nakitang ibang tao na masasabi kong parents ni Samuel maliban nalang sa mga maids at guards. Nung huli kong punta dito, hindi ko rin nakita ang mga magulang ni Samuel. Ano ba yan. Jusko. Palagi ba silang busy?

"Ah. May business trip kasi si Mom sa Singapore. Sa thursday pa sya uuwi kaya for the mean time kami lang ni Soorim ang nandito."

Ang swerte naman ng babaeng yun. Solong-solo niya si Samuel. Nakakainggit ha. G r r r.

Inakyat ko ang second floor at agad na nagtungo sa katabing kwarto ni Samuel. Kumatok ako ng ilang beses bago ako pagbuksan ng beks na si Soorim. Pagkakita niya sakin, agad namang nagningning yung mata niya. Ano ba talaga problema niya? Nakakatakot naman tong babaeng to.

"Kuya Daehwi!!!!" Nabigla naman ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Aba. Ang galeng nyang chumansing  ah. I pushed her away gently and raised a brow. "Oh? Nasan na yung assignment mo?"

Pinapasok nya ako sa kwarto niya at inilapag ko ang mga textbooks kong dala sa mesa. Malinis yung kwarto nya. Kulay blue halos lahat ng gamit nya samantalang saken, pink. Ay. Hindi nga kami magkasundo.

Habang binubuklat ko yung mga pages ng mga libro, nahuli kong nakatingin si Soorim saken at may suot syang ngiti na halos ikapunit ng bibig nya.

"Ano bang tinitingin-tingin mo saken? Yung libro at assignments mo yung nangangailangan ng atensyon mo. Ano ba." Napanguso naman sya at bumalik sa pagbabasa. "Jusko. Ikaw. Itigil mo yan please lang. Di bagay sayo magpout teh."

At dahil ayoko ng patumpik-tumpik, agad kaming sumabak sa gyera ng numbers at mga ek ek ng Math. Surprisingly, madali naman pala turuan si megz kaya hindi ko na kailangan pang ulit-ulitin sa kanya lahat ng itinuro ko na parang ang tinuturuan ko ay isang Grade 1 student.

"Hehe. Kuya Daehwi. Dito ka nalang matulog."

Imbes na pauwi na ako ng apartment ko, pinigilan ako ni Soorim sabay taas baba ng kilay niya na sinundan nya pa ng isang malapad na ngiti.

Napalunok ako ng makita ko kung anong oras na. 11:49 PM.
Talagang naabutan kami ng hatinggabi dahil sa bwiset na Math na yan. Punyeta. Ang dilim sa labas. Delikado ang beauty ko sa labas pero mukhang delikado rin ako dito sa bahay na 'to. "Hindi na beks. Uuwi nalang ako."

"Kuya Daehwi. Delikado. Hatinggabi na. Madilim sa labas baka kung sino umatake sayo." A worried expression adorned her face when Soorim said those words. Putangina. Delikado si Samuel kapag nagstay ako dito. Hindi nyo ba alam yun?

"Wag ka nang pabebe kuya Daehwi. Dito ka na kasi matulog. Marami kaming guest rooms. Wag kang mag-alala."

"Pero beks kung dito ako matutulog, gusto ko matulog sa kwarto ni Samuel." Soorim snapped her head towards me and I felt a chill run down my spine when she glared at me.

"Leave.Samuel.Alone. Understand?"
She pointed a finger at me kaya naman itinaas ko ang dalawa kong kamay instinctively as if I surrendered or gave up.
Hori shet. Napapikit nalang ako.
I have never felt so scared in my entire life like I am right now. Yung mata nya grabe halos patayin na nya ako sa talim ng mga tingin niyang ibinigay saken. Bes. Kalma lang please.

"Okay bes. Joke lang naman yun eh. Oo na. Sa guest room nga ako matutulog. Hehe." I laughed nervously. I meant what I said na gusto kong matulog sa kwarto ni Samuel kasama sya pero baka patayin ako ni Soorim. My gosh.
I don't wanna die young.

Mukhang hindi naman binili ni Soorim yung mga linya ko dahil bigla syang lumapit saken kaya napaatras ako hanggang sa natrap na ako sa dingding. Pukengina. Sinabi ko na ngang sa guest room ako matutulog diba? Ano pa bang gusto niya?.

A playful smile was on her lips kaya hindi ko napigilang kabahan. That smile clearly meant something sinister and I don't even want to know what it is. Jusko. Feeling ko may masamang mangyayari.

Inilapit nya ang mukha niya saken. I felt my heart beating loudly as if it was about to jump out of my chest. Napalunok nalang ako while I continued to stare at her brown orbs. Anong gagawin niya saken?

I felt her hot breath tickled my neck. An unfamiliar feeling settled inside my chest. Something stirred inside me.

Jusko. Ano 'to? Ano 'tong nararamdaman ko ngayon?.

"Akin ka lang Daehwi."
She whispered softly na halos ikawala ng hininga ko. I felt my whole being was shaken when I heard those words. I can't feel my legs. Parang matutumba na ako any second by now.

When she pulled away, I saw a different look in her eyes pero agad ding nawala iyon.

"Gusto mong ihatid kita sa kwarto mo?" She smiled sweetly. Wala na akong nagawa kundi tumango at sumunod sa kanya as she guided me to one of the guest rooms.

Nang gabing iyon, matagal akong nakatulog dahil sa nangyari. Aish. Kasalanan mo 'to Yoon Soorim!!!!

- - -

okay. mygash.
alam kong lame.
babawi nalang ako
next time.

✉ Hoy Kuya! ≫ l.dhWhere stories live. Discover now