twenty-six | LEE DAEHWI'S

545 29 21
                                    

1 week na rin ang lumipas simula ng iwasan ko si Samuel at Soorim. I blocked both of them on messenger at ginagawa ko ang lahat para iwasan silang dalawa.

Nang malaman kong hindi pala magpinsan ang dalawa at maaari palang maging sila, nasaktan ako. Pero thinking of it now, hindi naman pala masyadong masakit. I think I overestimated my feelings for Samuel. Akala ko iiyak ako but that never happened.

10:30 AM. Thursday.
Nakahiga parin ako sa kama ko ngayon kahit kanina pang 7:30 AM dilat na dilat ang mata ko. Ewan ko ba anong nangyari sakin at feeling ko pagod na pagod ako. Ni ayoko ngang tumayo kahit na uhaw na uhaw na ako at tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.

Nawalan na ako ng ganang pumasok sa school. Late na rin naman ako kaya mabuti pang hindi nalang ako pumasok. Alam ko namang pag pumasok ako ng ganitong mga oras, pauulanan ako ng mura at sermon ng teacher ko sa 4th period.

Ilang oras ko nang tinititigan ang puting pintura ng kisame ko. Patingin-tingin din ako sa mga sulok ng kwarto ko. Feeling ko kahit ito lang gawin ko buong araw ay okay lang saken. Ipinikit ko ang mata ko at babalik sana sa pagtulog pero biglang umepal ang tiyan ko.

"Putek naman oh."
Hindi pa nga pala ako nag-almusal.

Kahit na ayaw kong iwan ang kama ko, napilitan akong tumayo, pumunta sa kusina at magluto.

Paglabas ko ng kwarto, bumungad saken ang kulay blue na pinto ng bakanteng kwarto sa tapat lang ng kwarto ko. I yawned and stretched bago nagpatuloy sa kusina.

Matapos kong kumain at maghugas ng pinggan, bumalik ako kaagad sa kwarto at humiga ulit sa kama. Nang napalingon ako sa bedside table, nahagip ng mata ko ang isang makinang na bagay. Isang ngiti agad ang namutawi sa mga labi ko.

"Ba't 'to andito?" Kinuha ko ang pamilyar na singsing na nakapatong sa mesa at isinuot sa ring finger ko.

"Nasa'n na kaya yung babaeng yon ngayon?" I wondered as the thought of the person who gave me the ring came up in my mind.

I immediately remembered the days of my childhood. The ring was given to me when I was only a little boy. Ang nagbigay sakin nito ay ang babaeng naging kalaro ko nang magbakasyon ako sa bahay ng grandparents ko many years ago.

The short time I spent there was very memorable to me. I believe it was because my grandparents treated me well and I had playmates who kept me company. Walang araw na hindi ako naging masaya sa bahay na 'yon.

Concerning about that girl—my childhood friend— I never got the chance to ask for her name. Nakakatawa. We were with each other for a few months pero hindi ko nagawang itanong sa kanya kung anong pangalan niya. All that I know is that ang S na nakaukit sa singsing ay ang unang letra ng pangalan niya.

Ilang taon na nga ba ang lumipas simula nung huli ko siyang nakita? Pitong taon? Sampung taon? Ah. Hindi. Naalala ko na. 11 years pala.

Itinaas ko ang kanang kamay ko sa ere at tinitigan ang singsing na suot sa daliri ko. "Wah. Kasya na sa ring finger ko. Dati ang luwag pa nito." I was fascinated by the how the ring perfectly fits my ring finger. Pinatunayan nito na maraming taon na nga ang lumipas.

Maraming tanong ang agad na pumasok sa isip ko the second I thought about her. Nasaan na kaya siya?. Is she doing well?. May plano pa ba syang balikan ako?

Napabungtong-hininga nalang ako. Baka hindi na kami magkita pa ulit. Wala akong komunikasyon sa kanya at hindi naman sya nagpaparamdam saken.

Plano ko na sanang bumalik sa pagtulog ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Mula sa pagkakahiga ko sa kama ay napaupo ako dahil sa malakas na kalabog. Nanlaki ang mata ng makita ko kung ano— ay mali, more like sino— ang gumawa ng ingay na 'yon. What the hell?

"Y-Yah! Anong ginagawa mo dit—!"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla niya akong sinugod.

Instantly, at that moment my heartbeat raced. Parang may nagkakarera sa dibdib ko. Gusto na yatang kumawala ng puso ko sa katawan ko. Puta. Ano na naman 'tong nangyayari saken?

Napapikit nalang ako at hinayaan syang lapitan ako. Pagmulat ko ulit ng mga mata ko agad kong nakita ang mukha niya.

Nakahiga na ulit ako sa kama and she was on top of me. Umupo sya sa tyan ko while her hands pinned my wrists  down to the bed na ayaw ba akong paalisin. Nang makita ko ang posisyon namin, nagpumiglas ako but my efforts were in vain. Masyadong mahigpit ang kapit nya sa wrist ko at kahit ano pang gawin ko, hindi ako makawala.

Hala. Ang lakas niya. Babae ba talaga 'tong Yoon Soorim na 'to?

"Bakit ka nandito? Pano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
Her long hair touched my face. Ilang sentimetro lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko. Napalunok ako sa kaba. Please lang. Please wag mo kong tingnan ng ganyan. It makes my heart flutter. Wait?. My heart fluttered? No way. Hindi pwede.

She remained silent at tinitigan lang ako like I was a piece of art na nakadisplay sa isang art gallery. Unti-unting nawala ang lakas ko when I stared back at her brown orbs so I looked away. I felt my cheeks heat up.

Tititigan nya lang ba ako?
Nakakilang! Bwiset!.
Ayoko ng ganito! Ayoko sa nararamdaman ko ngayon!.

Just when I thought that she would keep staring at my face a little bit longer, she slowly leaned to me.

"Hoy!. Teka! Teka lang! Anong ginagawa mo?!" As she leaned closer, a smell hit my nose. Shit. Ang bango niya!. As I inhaled her scent parang nawala ako sarili. Anong nangyayari?
Pakiramdam ko biglang uminit sa loob ng kwarto ko. What the hell is happening?

Just when I thought she'll go for my lips, she went for my ears and whispered slowly and softly. "Gagahasain kita, Daehwi."

Napapikit ako when I heard my name came out from her lips. Pero nang iplay ko ulit ang sinabi niya sa utak ko naalarma na ako. A-Ano daw? G-Gagahasain niya ako? H-Hindi pwede!

Buong lakas ko syang tinulak at salamat naman sa Diyos ay nakawala ako sa kanya. Dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto at balak ko rin sanang lumabas ng unit ko para makalayo sa babaeng yon ngunit napahinto ako sa mismong pinto dahil sa isang dahilan.

My mouth dropped open. Di ako makapaniwala sa nakita ko.

Bakit may mga maleta dito?!

"Ano to?"

Soorim followed me and a mischievous smile was on her lips. Hindi maganda ang kutob ko.

"Maleta yan kuya Daehwi."

"Aba! Alam ko kung ano yan! Ang ibig kong sabihin bakit may maleta dito?"

"Saken yan. Hindi pala sinabi sayo? Ako ang kukuha ng bakanteng kwarto dito sa unit mo."

Napanganga ako sa narinig. What?. She's moving into the vacant room just across my room? Dito sya titira kasama ko sa unit na to? Lechugas. Bat to nangyari?!!!!

"Lahat ng units dito ay taken na. Yung unit mo nalang kasi yung may bakanteng kwarto kaya dito nalang daw ako." She said as if she read my mind.

Teka. Hindi pwede 'to!
Hindi!!

Ano bang nagawa ko sa past life ko para mangyari saken to? Tinraydor ko ba ang sarili kong bansa? Pinatay ko ba ang dating presidente? Naging masamang tao ba ako? Siguro nga.  Kasi kung hindi naman, ba't ako ginaganito ng mundo?

"Don't worry kuya Daehwi. Nangangagat talaga ako." Then she winked at me. Kinilabutan ako sa ginawa niya kaya tumakbo ako paalis ng unit ko leaving her behind.

"Uy. Kuya Daehwi! San ka pupunta?!"
I heard her call for name. Binalewala ko sya at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Nakakaloka!

I need to install some locks on my door. Hindi pwedeng hindi!. I can't believe na manganganib ako sa loob ng sarili kong apartment!!

Puthamother!
Akala ko simpleng stalker lang sya pero hindi pala!

Hindi na ako safe doon.
Hinding-hindi na!
Dahil ngayon may kasama na akong babaeng nagngangalang Yoon Soorim na gusto akong gahasain!.

- - -

okay.
i don't know anymore.


✉ Hoy Kuya! ≫ l.dhWhere stories live. Discover now