Chapter14- If you just REALIZED

127 7 0
                                    

Episode 14- If you just realize

Lumipas pa ang mga araw at patuloy pa rin sa pangungulit at pagbuntot si Keith kay Madii. Tila ayaw paawat sa pagsuyo itong Keith. Madalas na rin silang magkasama. Mas lumalim ang pagtingin nila sa isa’t isa kahit hindi ipinapahalata ni Madii ang tunay na nararamdaman nito para kay Keith.

4:20 p.m ; Dismissal na. Pero si Madii diretso sa Student council office para tapusin ang mga paper works.

“Hayss.! Anu ba yan, hirap talaga maging president kaya simula pa lang tutol na talaga ako sa posisyon ko.”;   Angal niya sa sarili kahit wala na itong magawa.

Sinimulan na nga nito ang mahabang gawain upang maka uwi nang mas maaga. Seryosong seryoso siya habang nagsusulat nang…. Isang bilot ng papel ang tumama sa ulo nito na siyang ikinagulat niya. Naglinga linga agad siya kung sino ang nasa paligid nang ganung oras na yun, gayong alam nyang nakalabas na ang halos sa mga estudyante doon. Pinulot nya ang nakabilot na papel at waring binuksan.

                                “HAGGARD KA NA CUPCAKE KO”

                                                                                        --- k.b

“Keith Braun? Siya ba ang nagbato nito, grabe talaga ang taong yun, walang magawa kundi mantrip.” ; bulong ni Madii sa sarili at napangiti na lang.

Ipinagpatuloy na lang ni Madii ang ginagawa niya. Ngunit sa pagsusulat nya, hindi nya maiwasang mapa pikit sa sobrang kapaguran. Maya maya paý hindi nya namalayan na nakatulog na pala siya. Napasubsob ang mukha sa table. Ngunit lingid sa kaalaman niya ay nariyan na pala si Keith na palihim na tumitig sa mukha nito habang natutulog. Unti unting pinagmamasdan nito ang mukha ni Madii.

"How Do You Sleep?"

Oh-uh oh-uh oh-uh oh

Oh-uh oh-uh oh-uh oh

[Chorus:]

It's been about a year now

Ain't seen or heard from you

I've been missing you crazy

How do you how do you sleep

I found the letter you wrote me

It still smells just like you

Damn those sweet memories

How do you how do you sleep?

How do you sleep?

Hindi namalayan ni Madii ang mabilis na tumakbong oras sa pagkakatulog niya. Wala na rin sa tabi niya si Keith.

Pasado 7:00 na nang gabi nang magising siya at nasa school pa rin siya. Tumambad sa harapan nito ang mga paper works. . .

“Oh My.!! Ang stupida ko, bakit ba kasi ako natulog gayong alam kong hindi pa nga tapos ang gawain ko. Wala pa ako sa kalahati nang makatulog ako. Panu na to? “ ; pagsisisi ni Madii sa sarili.

Ipagpapatuloy na nga sana ni Madii ang paper works nang mapansin niyang tapos na pala ang mga ito. Ipinagtaka nya talaga kung sino ang gagawa nito para sa kanya. Pumasok agad sa isip niya na baka si Keith ang tumrabaho ng mga ito. Pero naisip niyang baka natapos na nga niya siguro ang mga iyon bago siya makatulog at nakalimutan na lang ang nangyari dahil sa sobrang pagod.

Naghanda na lang si Madii sa pag-uwi dahil madilim na sa dadaanan niya. Nilalakad lamang niya ang boarding house niya sapagkat wala na rin masasakyan nang ganung oras.

My Missing Key(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon