Third Symphony

213 55 69
                                    

Mint and vanilla. My two favorite scents in the world.

Kung hindi lang talaga parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit ay na-appreciate ko na ang mga amoy na 'yan. Pero parang mas nakadagdag pa yata sa sakit ng ulo ko ang mga ito. Daig ko pa may hangover, gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader.

Unti-unti kong sinubukang imulat ang mga mata ko pero konting ilaw pa lang ay parang mas lalong nanakit ang ulo ko. Ghad! Ano bang nangyari sa akin at ganito ang pakiramdam ko. I feel shitty as hell. Nakakaiyak.

Makalipas ang ilang segundo ay tinangka kong muli imulat ang mga mata, pero natigilan ako nang isang pares ng kulay blue-grey na mga mata ang bumungad sa paningin ko. Teka, mukhang namamalikmata pa yata ako. Pumikit akonng muli baka sakaling mawala ang imahe pero pagmulat kong muli ng mga mata ko ay nandoon pa rin ang mga ito. What the hell?

"Buti naman at gising ka na." Napako ang tingin niya sa lalaking nakaupo sa kama na katabi ng kinahihigaan ko. 

May konting punto ang pananalita nito na para bang galing ibang bansa. Pati ang itsura nito, mukhang foreigner lalo na ang mga mata nitong kulay blue-grey. May mga tao pa lang ganyan ang kulay ng mga mata, ang sarap titigan.

"Tititigan mo na lang ba ako maghapon?" I snapped out of my reverie when I heard his annoyed voice. Ay turn off agad, sungit ni Kuya, may PMS yata. 

Tumingin ako sa kanya and as expected, naka-kunot-noo nga siya. Sayang ang gwapo pa naman ni Kuya. Ugh, wait. Did I just said that? 'Di ko na lang siya pinansin, imbes ay inilibot ko na lang ang paningin sa kung nasaan man ako.

Puting dingding, puting mga bedsheets at kumot, puting mga kurtina. 'Di ko na kailangan magtanong pa kung nasaan ako.

"If you're wondering, you're at the clinic." Kalmadong saad niya, na para bang nabasa niya kung anuman ang nasa isip ko.

Ibubuka ko palang sana ang bibig ko para sana magtanong kung paano ako napadpad dito sa clinic pero bigla ulit nagsalita si kuyang masungit. "If you're also wondering how'd you got here, hinimatay ka lang naman habang papasok dito sa university."

Tumango na lang ako bilang sagot. Mind reader ba 'tong si Kuya at hindi pa man ako nagsasalita alam na agad niya kung anong sasabihin o itatanong ko? Kaloka. Ilinibot ko ang tingin sa paligid para hanapin ang orasan pero nang makita ko ito ay nanlaki ang mga mata ko. Holy carousel! I'm so late for my first subject! May long quiz pa naman kami doon ngayon and I'll be doomed if I missed that. Agad akong tumayo pero dahil na rin siguro sa ilang minuto o oras kong pagkakahiga ay bigla akong makaramdam ng hilo. Napahawak ako sa gilid ng kama saka sinapo ang noo ko. Damn.

Agad naman akong dinaluhan ni kuyang masungit. 

"Hey, are you okay?" Rinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Pero mas lalo yata akong nataranta nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Dahil sa gulat ay natabig ko ang kamay niya. Rumehistro sa mukha niya ang gulat sa ginawa ko. I suddenly felt guilty pero mas lamang pa rin 'yong pagmamadaling nararamdaman ko. Pag nagmadali ako, baka sakaling maabutan ko pa 'yong long quiz namin.

"I-I'm sorry! I didn't mean to do that pero I'm super duper late for my first class and we have a long quiz that I couldn't miss. I'm really sorry." Huminga ako ng malalim pagkatapos magsalita, ito yata ang unang beses na nagawa kong magasalita nang ganito kabilis.

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at agad kong hinablot ang bag kong nakapatong sa side table na nasa tabi ng kama ko. Patakbo akong lumabas ng clinic pero bago ako tuluyang makalabas ay lumingon ako sa direksyon niya. 'Di ko mapigilan ang ngiting kumawala sa labi ko nang makita ko ang gulat na ekspresyon sa mukha niya.

Symphonies of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon