Fifteenth Symphony

123 36 42
                                    

  🌸 🌸 🌸 🌸
Long chapter ahead
Technically, a side story disguised as a chapter
Lorinne's BFF's Point of view as requested by an offline reader
🌸 🌸 🌸 🌸


Yassi's POV  

'Goddamnit! I'm so late! How the hell did I forgot to turn my alarm on last night?!' Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa taas ng tv namin at muling napamura. Nagma-madaling isinukbit ko ang backpack ko saka walang lingon-lingon na lumabas ng condo unit namin. Nagkataon pa na tinakasan ako ng best friend ko, wala tuloy gumising sa akin.

'Where on earth did Lorinne went? Sinakto pa talaga niya sa araw kung kailan nakalimutan kong i-set ang alarm ko.' Napailing ako. Pagkakataon nga naman. 

I'm awake the whole night until two in the morning trying to summarize the interview I did with the football players assigned to me. Tapos nagkataon pang hindi nakisama ang alarm clock ko. Naihilamos ko ang kamay ko nang may maalala. Damn, I almost forgot about him. Mukhang impossibleng mangyari ang interview ko kay Rasalhague dahil bukod sa galit siya sa akin, ay mukhang wala ring pag-asang magkasundo kaming dalawa. 

Hindi ko na kasalanan kung binasted man siya ng liniligawan niya dahil nakinig ang babae sa payo ko. I stand by my belief that all men are pigs. They will court you, make you fall in love, and then, when they find someone better than you, they'll dump you like a piece of trash. Leaving you depressed and heart broken. That's how the cycle of loving works.

Ewan ko ba kay Greta kung bakit kailangan pang interviewhin ang buong football team ng university. Bagging the silver medal on that football tournament in Cebu last month isn't enough reason for it. Don't get me wrong, I'm happy that they got it for our school, but I think medyo OA naman na kailangan buong team nila ang i-interviewhin. Hindi ba pwedeng 'yong pagkapanalo na lang nila ang ilagay namin sa herald?

Dumaan muna ako sa Pink Oven para bumili ng pwede kong almusalin. Pero mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana nang makita ko kung gaano kahaba ang pila sa counter. Halos umabot na kasi ito sa entrance ng shop!

I groaned. 'My day couldn't get any worse than this.'

Napatingin ako sa relo ko, I still have an hour, di naman siguro ako male-late sa first subject ko kung pumila ako. Napailing na lang ako at napag-pasyahang pumila. But then parang hindi talaga nakikisama ang pagkakataon sa akin.

"Uy! Nandito ka pala! Good morning!" I closed my eyes and sighed as I heard a voice behind me.

'That's it! I give up! Today must not be really my day at all.' 

Pinag-iisipan ko pang mabuti kung lilingon ba ako o hindi. Sa huli ay napagpasyahan ko na lang na huwag na siyang lingunin pa. Marinig pa lang ang boses niya ay naiirita na ako, paano pa kaya kung makita ko ang pagmumukha niya? 

"Sungit naman natin ngayon. Masama ba ang gising mo?"

"No. I just don't want your face to ruin my day more. Besides, we're not friends, so shut up." Hindi ko napigilang sagot.  Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya at ramdam ko ang pagtitig niya sa likuran ko. 

"Nag-good morning lang naman ako sa'yo. Anong masama doon?" I could feel him smirking at my back. Nagiging paranoid yata ako o epekto lang ba 'to ng walang tulog?

Bumuntong-hininga muna ako bago ko siya hinarap. I tried to plaster the most fake smile I could muster when I saw him really smirking at me. The guts of this guy is far taller than he is, and it's annoying. "What do you really want from me, Rasalhague?" 

Symphonies of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon