Laking pasasalamat ko at hindi namin kaklase sa ibang subject si transfer student. Paniguradong irregular ang schedule n'on dahil nagsimula na ang school year nang pumasok siya. And as usual, same routine na naman. Discussion, quizzes, recitations at ang walang katapusang mga projects. Sana end of semester na ulit para makapag-relax naman ako kahit paano.
"Mauna na ako, Rinne. May meeting pa kami sa journalism club. Kita na lang tayo sa bahay mamaya." Paalam sa akin ni Yassi bago nagmamadaling lumabas ng classroom. Oh well, stressed na naman 'yan mamaya pag-uwi. Kung bakit pa kasi siya pumayag sa gusto ng editor-in-chief nila.
"Lorinne, pinapaalala ni Mrs. Ducusin 'yung make up quiz mo. Diretso ka na lang daw sa General Science Faculty." Nginitian ko lang si Zaldy bilang sagot. Muntik ko nang makalimutan ang make-up quiz kong 'yon kay Mrs. Ducusin. Buti na lang pinaalala sa akin.
Habang naglalakad ako papuntang GS Faculty ay nakikinig ako sa mga kanta ni Stan para kahit papaano mainspire ako sa pagsagot sa quiz ko. Excited na talaga ako sa ilalabas niyang album. Paniguradong magiging hit na naman ang mga 'to tulad ng mga dati niyang kanta.
Kumatok muna ako sa pinto ng faculty room bago pumasok. Buti na lang hindi mahirap hanapin ang table ni Mrs. Ducusin. Siya lang kasi ang may nakalagay na radio sa table, 'yung tipong antigo na. Naririnig ko kasing usapan ng ibang professors dito ay frustration ni Mrs. Ducusin ang music.
"Hello po, Ma'am." Napa-angat mula sa binabasang libro ang matandang guro at binigyan ako ng isang ngiti. "Sorry po, kung medyo na-late ako. Dumaan pa po kasi ako sa locker room para iwan ang ibang gamit ko po roon."
"Its okay, Ms. Ayala. Akala ko nga ay hindi ka na sisipot." Tumawa ng mahina si Mrs. Ducusin saka itunuro ang silyang nasa harap lang ng table nito. "Please have a seat."
Nagpasalamat muna ako bago tuluyang umupo, sa totoo lang ay kinakabahan ako. Confident naman akong may maisasagot pero baka binago niya ang set ng quiz na ibibigay sa akin.
"Are you sure you want to take the quiz now?" Napatingin naman ako sa matandang propesora sa sinabi nito. "'Yong ibang estudyante ko kasi ay madalas humihingi pa ng isang araw para makapag-review raw sila ng ayos bago mag-quiz."
Ang bait talaga ni Mrs. Ducusin. Sana lahat ng professors namin katulad niya, eh di wala sanang bumabagsak o nagdra-drop out na mga estudyante sa kani-kanilang subjects.
"Opo, baka po kasi makalimutan ko ang mga rineview ko. Sayang naman po 'yong effort ko." Nginitian ko siya para itago ang nararamdaman kong nerbyos. Ang totoo niyan ay sinimulan ko na naman ang pagkutkot sa kuko ko, an annoying habit of mine every time I feel nervous or pressured.
"If you say so," Ilinabas ni Mrs. Ducusin ang isang long bond paper mula sa isa sa mga drawer ng lamesa niya saka inabot ito sa akin. "You have an hour and a half to finish that. Bukas ko na lang ibibigay ang magiging result mo. You can start now."
🌸 🌸 🌸
The quiz was not bad. May ibang part na madali pero mas lamang ang mahihirap na tanong. Pakiramdam ko nga ay iba 'yong content ng quiz ko kesa sa quiz nila kanina. Muntik na nga akong himatayin ng makita kong essay part ang nasa dulo ng long bond paper. At ang tanong, 'what is a flower?' at kailangan hindi magkukulang sa ten sentences ang sagot ko. I almost consumed the one and a half hour time limit of the quiz. Kaya naman nang lumabas ako mula sa faculty room ay madilim na ang paligid. Ayaw ko pa namang umuuwi ng ganitong kadilim kapag hindi ko kasama si Yassi. I had a very bad experience with walking alone at dark and I don't want that to happen again.
Palabas na ako ng gate para sana mag-abang ng taxi nang makarinig ako ng mga boses na para bang nagtatalo. Akala ko nga nung una minumulto ako kasi ang dilim at mangilan-ngilan lang ang bukas na lamp post dito sa may parking lot. Pero napansin ko ang tatlong pigura sa may bandang malapit sa may gate at dahil may lahi akong tsismosa ay dahan-dahan akong nagtago sa likod ng isang kotse na naka-park malapit sa kanila.
Nakatalikod sa akin ang isang lalaking nakasuot ng uniporme namin, sa harap naman nito ay isang babae at lalaking sa tantiya ko ay nasa mid-thirties or early forties na. 'Di ko masyadong sigurado dahil na rin sa medyo madilim na nga ang paligid.
"Steve, why the hell are you here?" rinig kong wika ng babae. Bakas sa tono nito ang galit kahit pa kalmado ang pagkakasabi niya.
"Dito ako nag-aaral, Ma." Napakunot-noo ako nang marinig ko ang boses ng lalaki. He sounds familiar, kaso hindi ko maalala kung kailan at saan ko narinig.
"I allowed you to come back here in the Philippines because you told me that you want a breath of fresh air!" Pakiramdam ko ay dapat hindi ako nakikinig sa usapan nila. Ang kaso wala akong ibang pwedeng daanan palabas ng school na hindi nila ako pwedeng makita. Ayoko naman umakyat sa pader noh! "Studying here is not part of the deal! At ano itong nalaman kong you're staying with your Dad?!"
"Our deal is that I will start recording again, and in return you'll allow me to do what I want." Kalmadong sagot ng lalaki. Pakiramdam ko ay nakakasuffocate na ang paligid. Ramdam na ramdam ko ang tension sa pagitan nilang tatlo.
"And what is that you want? Ang tumira sa bahay at mag-aral sa eskwelahan kung saan siya grumaduate?" Hindi makapaniwalang sambit ng babae. "Do you really think that living with your good-for-nothing father will make up with the years he is not with us, ha, Azrael?!"
Napatakip ako sa bibig ko para itago ang tunog ng kumawalang singhap sa bibig ko. Azrael . . . don't tell me si transfer student ang kausap ng babae? At parang sinagot naman ang tanong ko nang bahagyang tumagilid ang lalaki at nakita ko ang mukha niya.
Holy crap! Si Azrael nga ang kausap ng babae!
"I won't allow this. Go pick your stuff; we're going back to New York. Wesley will process your transfer papers to NYU." Tinapunan ng tingin ng babae ang katabi niyang lalaki. Bahagya namang tumango ang huli.
'Butler siguro nila 'yon. Yayamanin pala ang lalaking 'to. Oh well, halata naman, sa lambot pa lang ng kamay nito.' Mahina kong sinampal ang sarili ko. 'Nage-eavesdrop ka na nga, Lorinne. Kung ano-ano ang iniisip mo!'
"No! You can go back to New York but I'm not coming with you!" Nakarinig ako ng malakas na pagsara ng pintuan ng sasakyan kasunod ang pagharurot nito.
"Azrael!" Rinig kong sigaw ng babae. "Ugh!"
"You can't force to him anything that you want, Stella. Your son has a mind of his own."
"I'm just scared for him, Wesley. He's the only thing that I got."
"Then don't do this, you're just pushing him further from you."
Nang hindi na ako makarinig ng sagot ay nangahas akong sumilip mula sa pinagtataguan ko. Nakita kong sumakay sa isang kulay itim na SUV ang mga ito. Hinintay ko munang makalayo ang sinasakyan nila bago ako lumabas sa pinagtataguan ko.
"Who the hell are you Azrael Sy?"
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
BINABASA MO ANG
Symphonies of My Heart
Teen FictionLorinne Tiffanie Ayala, a quirky college student, has always been fascinated with Stan, a mysterious online singer. Despite not knowing the singer's true identity, she vows to continuously support him even though the latter went into a two-year hiat...