Fourteenth Symphony

122 40 45
                                    

🌸 🌸 🌸 🌸
Too much kilig in this chapter, be prepared to puke rainbows
🌸 🌸 🌸 🌸

Hindi ko namalayang narating ko na pala ang library dahil sa sobrang pag-iisip kay Stan. Ang daming tanong sa isip ko pero alam ko namang malabong masagot. Pero sa lahat ng tanong na nasa isip ko ngayon, isa lang ang gusto kong mahanapan ng sagot. At iyon ay kung bakit nandito sa university namin si Stan. Tama kaya ang hinala ko na dito siya ngayong nag-aaral? God forbid, gagawin ko ang lahat malaman lang ang sagot sa tanong ko. Kahit anong paraan pa ay gagawin ko, para saan pa ang stalking skills ko, 'di ba?

Pumwesto ako sa upuang malapit sa bintana at kinuha mula sa loob ng dala kong bag ang mga notes na kinopya ko kay Yassi. Ipinatong ko iyon sa lamesa at wala sa loob na binuklat-buklat ito.

'Tama na ang kakaisip kay Stan, Rinne.' Paalala ko sa sarili. Nangalumbaba ako at napabuntong-hininga.

Habang nakatitig ako sa notebook ay bigla na namang nagreplay sa isip ko ang nakita at narinig kanina. I swear I could still hear the way he strummed his guitar. I could still feel the sadness I felt when I heard him sang. Who could've broke his heart that way? Is it a girl? Of course, it has always been a girl, just like in the movies. Ganoon naman lagi, 'diba? Siya rin kaya ang dahilan kung bakit nawala ng dalawang taon si Stan sa pag-gawa ng kanta?

"Penny for your thoughts?" Isang boses ang pumukaw sa nagla-lakbay kong diwa. Pag-angat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang mukha ni Azrael. Sumilay ang alanganing ngiti sa labi niya nang makita ang mukha ko. "Are you okay?"

"Huh? Ah oo. I-I'm okay." Wala sa sariling sagot ko sa kanya. Tahimik kong inayos ang sarili ko, while silently hoping that people stop interrupting me with my thoughts.

"Here..." Tinitigan ko ang puting panyo na inabot niya sa akin. Why is he giving me his handkerchief? Napatingin ako kay Azrael nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Are you always like this?"

Kunot-noo pa rin akong nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng silya na nasa tapat ko bago inabot ang kamay ko at inilagay doon ang hawak niyang panyo. "You're not even aware that you're crying while staring into space."

"Huh? Kasi... Ano..." I stammered while carefully wiping my teary eyes using his handkerchief. 'Di ako makapaniwalang dalawang beses na akong napaiyak nang dahil kay Stan ngayong araw. Nakakahiya pa at nakita ako ni Azrael na ganito ang itsura. Buti na lang at hindi ako mahilig sa make-up.

"It's okay. It's none of my business, anyway. Ayoko lang na may nakikitang malungkot o umiiyak na babae." Kibit-balikat niyang saad.

Nagkasalubong ang mga kilay ko nang mapansin na umaalog ng bahagya ang mga balikat ng binata. Is he laughing at me? "I'm sorry. I just find it funny that the first time we met I saw your nose bleeding. And now, you're crying. Both circumstances made me gave you my handkerchiefs, maybe soon you'll have all my handkerchiefs. But that's only a silly thought, so don't mind it." Mahabang paliwanag ni Azrael sa akin bago ito napahawak sa batok at parang nahihiyang yumuko.

I don't know what's gotten into me pero hindi ko napigilan ang pagtawa ng malakas. Maybe it's his silly explanation or maybe his gesture after explaining his side to me. Pero naitakip ko rin agad ang isang kamay sa bibig ko nang marealize ko kung nasaan kami.

"I'm sorry..." Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang tawang gustong kumawala ulit. "I-I'm sorry if I laughed. But seriously, how could you be so cute while explaining your side?" Natatawang wika ko sa kanya.

"Para tayong mga tanga dito." Nakita ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi ni Azrael kasunod nito ang pag-iling na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Pakiramdam ko ay naging jelly ang mga tuhod ko nang makita ko ang ngiti niya. Mabuti na lang at nakaupo ako, kung hindi ay baka nakipag-face to face na ako sa sahig dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko.

Symphonies of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon