Pakiramdam ko ay mukha akong zombie sa laki ng eyebags ko. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa nasaksihan ko kagabi. Kung bakit ba kasi pinag-aaksayahan ko ng oras ang kakaisip tungkol dun.
"You look like crap, Rinne." Tinignan ko lang si Yassi na kasalukuyang kaharap ko ngayon sa counter table. We're having breakfast right now at kahit pa ayaw kong kumain ay pinilit ako nitong magaling kong best friend, because breakfast is the most important meal of the day daw. Ugh.
"Ugh whatever, Yassi." Binuhat ko ang bowl of cereals ko saka pumunta ng sala. Manonood na lang muna ako ng TV, 'di bale weekend naman. Pero kahit anong browse ko sa mga channels ay wala akong magustuhan, kaya naman pinatay ko na lang rin yung TV.
"By the way, Rinne, lalabas ka ba today?" Napatingin ako kay Yassi na kulang na lang ay idikit ang mukha sa screen ng laptop niya. Hindi pa nga niya nakakalahati 'yong kinakain niyang cereals.
"Siguro. Depende sa mood ko mamaya, bakit?"
"Nothing. I'm just asking."
"Oh okay . . ." Linagay ko sa dishwasher ang pinagkainan ko saka iniwan si Yassi sa kitchen. Sigurado akong magtatagal 'yon doon, kung bakit kasi binubuksan pa niya dito sa bahay 'yong email niya.
Pumasok na lang ulit ako sa kwarto ko para sana matulog but then I could hear my phone ringing. Hindi ko alam kung nagkakamali lang ako ng rinig kaya naman mas pinili kong humiga ulit. I need sleep.
"Rinne! Answer your phone!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ni Yassi mula sa kitchen. So hindi nga ako nagkamali sa narinig ko, pero I have another problem; Hindi ko matandaan kung saan ko huling ipinatong ang phone ko.
Halos baliktarin ko na ang kama ko, at ilabas ang laman ng bedside table ko pero 'di ko pa rin mahanap ang cell phone ko.
"Rinne! Answer your phone, damn it!"
"I can't find it!"
"It's in the bathroom!"
"Thank you!" Dali-dali akong tumakbo papunta sa bathroom namin, and there it is on top of the bathroom counter. Pahablot ko itong kinuha, and without looking at the screen answered it.
"Hello?!" May konting hingal pa na sagot ko. The sudden adrenaline rush woke me up. Pero pakiramdam ko ay sasabog naman ang ulo ko sa sakit.
"Are you yelling at me, Lorinne Tiffanie Ayala?!" I cringed when I heard my Mom's voice on the other line. Sinasabi ko na nga ba, eh!
"Hindi, 'My! OMG, I'm sorry. I didn't mean to---"
"I know. I know." Nakahinga ako ng maluwag nang marinig kong kalmado ang boses ni Mommy. Mas strikto kasi siya compared kay Daddy na carefree lang. Minsan tuloy napapaisip ako kung paano sila nag-click. "Bakit ang tagal mong sagutin ang phone mo, Tiffanie? Kung saan-saan mo na naman siguro nilalagay ang mga gamit mo. Hay nako, you're almost nineteen pero burara ka pa ring bata ka."
"Sorry na kasi, 'My." I pouted kahit pa hindi niya ako nakikita. "I left it here at the bathroom counter last night but anyway, bakit ka napatawag?"
Umupo ako sa counter saka sumandal sa salamin. Pinagdadasal ko lang na huwag biglang pumasok si Yassi or she'll have a screaming fit again.
"You haven't changed a bit, Tiffanie. I'm amazed Yasmine could keep up with you." Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni Mommy sa kabilang linya. Kung alam lang ni Mommy na halos mabaliw na minsan sa akin si Yassi. Natawa ako sa naisip. Bad Lorrine!
Pero bakit nga ba napatawag si Mommy? Nakaramdam ako ng konting kaba, sa pagkakatanda ko naman wala akong pinasok na gulo or kapalpakang ginawa these past few days. Minsan kasi nakakarating 'yon kina Mommy, and I have no idea how.
BINABASA MO ANG
Symphonies of My Heart
Teen FictionLorinne Tiffanie Ayala, a quirky college student, has always been fascinated with Stan, a mysterious online singer. Despite not knowing the singer's true identity, she vows to continuously support him even though the latter went into a two-year hiat...