Tenth Symphony

91 43 38
                                    

Napahikab ako habang pilit kinakapa kung nasa tabi ko ba ang kumot ko. Anong oras na ba? Idinilat ko ang isang mata ko pero muli ko ring ipinikit nang makitang madilim pa ang paligid. Madaling araw pa lang yata. Pakiramdam ko ay nahulog na naman ako sa higaan ko dahil kanina pa nananakit ang buong balakang ko. Muli kong kinapa ang tabi ko pero agad rin akong napatigil nang makaramdam ako ng braso. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko saka lumingon. 

'Qué horror, Lorinne!'  [translation: What a horror, Lorinne!]

Muntikan na akong mapasigaw pero napigilan ko ang sarili ko nang makakita ako ng isang pares ng paa sa harapan ko. Napabalikwas ako ng bangon.

"Girlfriend ka ba ni Kuya Azi?" Wika ng babaeng nasa harapan ko. Mukhang bata pa ito, sa tantiya ko ay nasa first year pa lang ang babae.

"Sino ka?" Sa halip na sagutin ang tanong niya ay 'yon ang nasabi ko.

"I'm Perenelle. You can call me Perrie for short." Magiliw namang sagot ng batang babae. "Girlfriend ka ba ni Kuya Azrael?" Ulit nitong muli sa tanong sabay turo sa likuran ko.

Dahan-dahan kong sinundan ang tinuro niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahiga sa tabi ko si Azrael. Memories of yesterday's event came back to me like a flashback from a movie. Oh crap!

Oo nga pala, na-trap ako sa loob ng auditorium kasama itong si transfer student! Pero paanong nangyaring naging magkatabi kami sa pagtulog ay hindi ko alam! Ang huling tanda ko ay nasa kabilang dulo siya ng bleacher kung saan ako nakaupo kagabi.

"Hindi niya ako girlfriend!" Mariing tanggi ko saka nagmamadaling tumayo at naglakad palayo sa kung saan nakahiga pa rin si Azrael at natutulog. Wala sa sariling naisuklay ko ang mga kamay sa buhok ko.

'Okay, Rinne. Relax. Think of happy thoughts. Inhale. Exhale.' Napatingin ako sa suot kong uniform. 'Okay, nothing happened last night. Thank God!'

"Kung hindi ka niya girlfriend, bakit katabi mo siyang natutulog?" Impit akong napatili nang marinig ang boses ng batang babae sa tabi ko. Bakit ba bigla-bigla na lang sumusulpot ang isang 'to? Akala mo multo! Gusto pa yata akong atakihin sa puso. Mabuti na lang talaga at healthy ako.

"Sino ka ba? Tsaka paano mo nabuksan 'yong pinto ng auditorium?" Kunwari'y iritableng tanong ko sa kanya. I pretended to be irritated just to prevent myself from answering her question. Ang hirap kayang mag-isip ng isasagot dahil hindi ko rin naman alam kung paano kami naging magkatabi sa pagtulog!

Nakita ko ang pag-ikot ng mata ng batang babae. Aba, mukhang papakitaan pa ako ng attitude ng isang 'to ha!

"I told you, my name is Perrie. First year student. Scholar. Anak ako ng isa sa maintenance personnel ng university. Maaga akong pumpasok araw-araw para magpractice ng gitara dito sa auditorium." Paliwanag niya sa akin. "Minsan nakikita ko si Kuya Azi na natra-trap dito sa loob ng auditorium pero ngayon ko lang siya nakitang may kasamang babae." Dagdag pa nito.

Napatango-tango ako sa sagot ni Perrie sa akin. So, hindi lang pala ito ang unang beses na na-lock ang binata dito sa loob ng auditorium. Kaya naman pala mukhang kampante lang ang itsura nito kahapon at hindi man lang makitaan ng panic ang mukha dahil alam nitong may magbubukas ng pinto pagsapit ng umaga.

"Anong oras na?" Tanong ko sa batang babae.

"6AM pa lang." Sagot ni Perrie. "Medyo madilim pa sa labas, pero may mangilan-ngilan ng estudyante."

"Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Kung 'di mo boyfriend si Kuya Azi, bakit katabi mo s'yang natutulog?"

Napabuntong-hininga ako. Mukhang 'di ako tatantanan ng isang 'to.

Symphonies of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon