White walls, white sheets, white ceiling. Damn. This really feels like déjà vu. Ramdam ko ang bigat ng ulo ko pati na rin ng katawan ko. Para akong tumakbo ng ilang kilometro sa pagod na nararamdaman ko ngayon. Nasaan ba si Yassi? Bakit mag-isa lang ako dito? Para namang may nakarinig ng tanong ko nang biglang pumasok ang best friend ko sa kwarto kung nasaan ako. I could see her worried face and couldn't help but smile. She's like my mom kung mag-alala.
"I hate you..." Naiiyak na sabi ni Yassi sa akin. 'Di ko mapigilang tumawa ng mahina sa sinabi niya. "At nagawa mo pa talagang tumawa! Kainis ka!"
"Aray!" Napahawak ako sa noo kong pinitik ni Yassi. "Grabe ka, Yassi. Injured na nga 'yong tao, sinasaktan mo pa."
"Eh kasi ikaw!" I suddenly felt bad nang biglang may pumatak na luha sa mga mata ni Yassi. "You should've told me na 'di maganda pakiramdam mo. Eh di sana, hindi mangyayari 'to!"
'Di ko napigilan ang biglang pag-ikot ng mga mata ko buti na lang at nakayakap sa akin si Yassi. As far as I remember, sinabi ko sa kanya nang araw na 'yon na masama nga ang pakiramdam ko but she still dragged me out of bed. Pero 'di ko na 'yon sinabi at baka mas lalong ma-guilty ang kaibigan ko.
"I'm sorry."
Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Yassi saka pinunasan ang ibang luha pang kumawala sa mata niya. May sasabihin pa sana ako sa kaniya pero biglang bumukas ang pinto ng hospital room ko. Pareho kaming napalingon ni Yassi at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang kuya ko na nakasunod sa papasok na doctor.
"What the hell are you doing here!" Bulaslas ko. But wrong move, bigla na lang kumirot ang ulo ko na parang may mga tumutusok na malalaking pin dito. Damn. Nauntog ba ako or what?
"Wow. That's a very warm greeting for your brother, Tiffanie."
Gusto ko sana siyang sagutin pero talagang masakit ang ulo ko. Naramdaman ko ang malamig na kamay ng doctor na hinawakan ang noo ko.
"You have a mild concussion, hija. So it's best kung mahihiga ka na muna." Dumilat ako ng konti at nakita kong nakatingin na ito sa swero ko. "Sabi ng kaibigan mo, nauntog ka raw nang bigla kang bumagsak. Buti na lang at 'di malala ang pagkabagsak mo. You're also over fatigued. But all in all, you just need ample rest and you'll be fine."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doctor. Buti na lang at hindi malala ang nangyari sa akin. I couldn't afford to skip school pero nang ma-realize ko ang sinabi ng doctor na kailangan kong magpahinga ay pinanghinaan ako bigla.
"I know what you're thinking." Napatingin ako kay Yassi and I saw her smiling. "I'll let you borrow my notes habang nagpapagaling ka. Don't worry, if magkaroon man tayo ng quizzes and stuff. For sure, papayagan ka naman ng mga prof natin na mag-take ng make-up quizzes for those."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Yassi. Alam kasi nitong hindi ako mapapakali rito with the thought of missing a few days of lessons. Napawi ang pag-iisip ko ng makarinig ako ng pagtikhim. Sabay kaming napalingon ni Yassi sa kapatid kong kanina pa pala nakatayo sa may gilid ng pinto.
"Tapos na ba kayong mag-kumustahan?" Nakasandal sa pader na tanong nito. I gave him the stinky eye pero napailing lang ito saka lumapit sa amin ni Yassi.
"What are you doing here, Timothy?" I didn't even bother to mask the annoyance and suspicion in my tone.
Pero imbes na sagutin ako ay lumapit ito sa akin at bigla nitong ginulo ang buhok ko. "Wala ka pa ring pinagbago, Tiffa. Pasaway ka pa rin."
"Ano ba?!" Napapikit ako nang biglang kumirot ulit ang ulo ko.
"Ikaw muna bahala kay Rinne, Kuya Logan." Napatingin ako kay Yassi sa sinabi nito. I gave her the h'wag-mo-kong-iwan look pero pinandilatan lang niya ako bago umalis ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Symphonies of My Heart
JugendliteraturLorinne Tiffanie Ayala, a quirky college student, has always been fascinated with Stan, a mysterious online singer. Despite not knowing the singer's true identity, she vows to continuously support him even though the latter went into a two-year hiat...