Eight Symphony

117 48 33
                                    

Kanina ko pa ipinagdarasal na sana ay hindi pumasok si Azrael. Iniisip ko pa lang na makikita ko siya ngayong araw na 'to ay kinakabahan na ako. The thought that he added me on social media is making me uneasy. Pinag-iisipan ko kung i-a-approach ko ba siya tungkol doon o kunwari ay wala lang sa akin.

"Rinne, para kang natatae d'yan." Napalingon ako sa katabi kong si Yassi. She's looking at me like I'm some disgusting creature but instead of coming up with a retort, nanahimik na lang ako. Kapag ganito pa naman ang nararadaman ko ay kung ano-ano ang lumalabas sa bibig ko.

'Damn it, Rinne. Get a grip of yourself.' Lunes na lunes, eh! Sita ko sa sarili. Inhale. Exhale.

Nanigas ang buong katawan ko nang marinig kong tumunog ang bell hudyat na umpisa na ng first subject namin. Isa-isang nagsipasukan ang mga kaklase namin, and I could feel the tension in my body when I saw Azrael enter. Pero mukhang nasagot na ang mga tanong ko nang makita kong tuloy-tuloy na naglakad ang binata papunta sa upuan niya, without sparing me a glance.

'There you go, Rinne, that's your answer. He might accidentally pressed the Add Friend button without knowing that it's you.' Napabuntong-hininga ako. Now, I could just continue being normal around him. At bakit nga ba ako nag-wo-worry tungkol sa bagay na 'yon?

"Rinne? Rinne!" Napalingon ako kay Yassi nang bigla niya akong kalabitin.

"What?!" I shouted without thinking. But I immediately regretted it, nang makitang ngumunguso ang kaibigan sa direksyon ng whiteboard. I followed her gaze and it landed on Mrs. Ducusin's irritated face. Oh shit. Andito na pala professor namin. 'Di ko man lang narinig 'yong pagdating niya.

Napangiti ako ng alanganin. "Uhm... Yes, ma'am?"

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Mrs. Ducusin, na madalang mangyari. "I'm doing a roll call, Ms. Ayala, but I noticed that you're physically here but your mind is elsewhere. Mind if you share what you're thinking?"

'Lupa, kainin mo na ako ngayon na! Nakakahiya!'

I bit my lower lip. "I-I'm sorry, ma'am. Hindi ko lang po narinig 'yong pagtawag niyo sa pangalan ko."

"That's because you weren't paying attention." Napayuko ako nang sabihin 'yon ni Mrs. Ducusin. Ito ang unang beses na nangyari 'to sa akin at dahil iyon sa lalaking nakaupo sa likuran ko.

Napasulyap ako sa katabi kong si Yassi. She's giving me a what-is-bothering-you kind of look but I can't give her an answer, kaya naman umiling na lang ako saka ibinaling muli ang tingin sa unahan.

'Stop thinking about him, Rinne. He's messing you up. Focus!' 

🌸 🌸 🌸

"What is bothering you, Rinne? It is so not like you to be distracted during our classes. Don't tell me dahil 'to kay Azrael?" Wika ni Yassi habang papunta kami ng cafeteria. I should've expected this after our subject. I can't blame her. When it comes to our classes, I rarely become distracted. Unless, I receive an emergency call from my mom, which is impossible to happen since wala naman sila dito sa Pilipinas.

Umiling lang ako bilang sagot. Hindi ko rin kasi alam ang nangyayari sa akin. Feeling ko nagulo ng sobra ang daily life ko nang biglang dumating si transfer student.

"You're acting weird today. Kanina ka pa ganyan bago pa tayo umalis ng condo."

"Wala nga, Yassi. H'wag makulit." Buti na lang hindi na nagtanong pa si Yassi. Naramdaman siguro nito na medyo off ang mood ko ngayon.

'Di ko rin alam sa sarili ko kung bakit irritable rin ako ngayon araw. Hindi ko pa naman time of the month para maging moody. Siguro gutom lang 'to. Oatmeal lang kasi ang kinain ko kanina bago umalis when usually naghe-heavy breakfast ako.

Pagpasok namin ng cafeteria ay nagulat ako nang biglang may lumapit sa amin ni Yassi na dalawang babae. Inabutan nila kami ng tig-isang brochure. Kunot-noong tinignan ko ang nakasulat dito.

"Artistic Org?" Nagtatakang tumingin ako sa dalawang babae sa harapan namin. Ano naman kayang pakulo 'to?

"Yep!" Nakangiting sagot ng babaeng nasa harapan ko. "Baka gusto niyong sumali?"

Nakita kong ibinalik ni Yassi ang brochure na inabot sa kanya. "Uh, sorry. But I'm already part of the Journalism Club."

Halos mapaatras naman ako nang bumaling sa akin ang atensyon ng dalawa. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang pag-asa na mare-recruit nila ako. Napangiwi ako saka inabot pabalik sa kanila ang brochure. "Gustuhin ko mang sumali pero wala akong maitutulong sa club niyo, 'di kasi ako marunong mag-drawing o kung ano man related sa art."

Kita ko ang pagrehistro ng lungkot sa mukha ng dalawang babae. Nakakaguilty. Pero nakangiti pa ring nagpaalam ang mga ito sa amin at nagpatuloy mag-abot ng mga brochure sa iba pang estudyante.

"Anong meron? Why are they recruiting?" Bulong ko kay Yassi nang makaupo na kami.

"Malapit na ang Club Fair at Foundation Day, kaya naman binigyan ulit ng chance ng Dean ang mga clubs para mag-recruit ng mga bagong member."

"Oh. May ganoon pala dito?"

"Paano mo malalaman, eh, hindi ka naman interesado sa mga extracurricular activities ng school. Kung hindi acads, si Stan lang ang tanging pinagkaka-interesan mo."

"That is so not true!" Siguro medyo lang. Napalakas yata pagkakasabi ko dahil biglang nagsipag-lingunan ang ilang estudyante sa amin. Napangiwi ako saka ibinaling muli ang tingin kay Yassi

"Really?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Yassi sa akin.

Binuka ko ang bibig ko para sana sagutin ang tanong ni Yassi pero itinikom ko rin ulit. Napanguso ako nang marinig ang mahinang pagtawa ni Yassi.

'I really hate it when my best friend is right.'

Pero hindi ko na itatanggi pa 'yon. Bukod sa studies ko ay kay Stan lang umiikot madalas ang oras ko. Siguro iniisip niyo marami akong circle of friends because I'm bubbly and all but you're wrong. Bukod kay Yassi may tatlo pa akong tinuturing na matalik na kaibigan. But then circumstances happened kaya naman nagkalayo-layo kami. One of them happened to be my brother's girlfriend na kasama niya ngayon sa London kung nandun man ang ugok na 'yon ngayon.

"So are you going to join one now?" Napatingin ako kay Yassi bago umiling. Nakita ko ang pag-ikot ng mata niya. What can I do? I have better things to do than to join a club. Baka dumagdag pa 'yan sa magiging pasanin ko ngayong graduating na ako.

"Whatever." Tumayo si Yassi. "Halika na nga. Let's eat para mawala na 'yang pagiging moody mo."

Napangiti ako sa sinabi ni Yassi. She really know me too well.

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Symphonies of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon