Labis ang tuwa at galak ng mga Sang'gre nang matagumpay nilang nawakasan ang digmaan laban sa bathaluman na si Ether. Ngunit ganoon pa man ay hindi maiwasang malungkot ng magkakapatid sa mga nadadatnan at nadadaanan nilang mga bangkay ng bawat encantado't encantada.
Ngunit para bang tumigil ang takbo ng oras kay Hara Pirena nang mahagip ng kaniyang paniningin ang lalaking sa ngayon ay pinaka-pinahahalagahan niya. . . Si Azulan.
Malawak ang ngiti ni Pirena at nagmadali siyang tumakbo patungo sa kaniyang irog. Agad niya itong niyakap at hindi na napigilan ng luha sa kaniyang mga mata na kumawala dahil sa labis niyang tuwa na ligtas si Azulan.
Sinuklian naman ni Azulan ng mahigpit ring pagkakayakap ang kaniyang Hara at hinaplos ang mahaba at malambot nitong buhok.
Nang kumawala sila pareho sa matamis nilang yakapan ay marahang hinaplos ni Azulan ang pisngi ni Pirena. Matiim na tinitigan niya ang mapupungay na mata ng Hara.
"Masaya akong ligtas ka, Pirena," sambit nito bago idampi ang kaniyang labi sa noo ni Pirena.
"Yna!" Agad na iginala ni Pirena ang kaniyang mata at nakita niya ang kaniyang anak na si Mira, tumatakbo papalapit sa kaniya. Natigilan siya at niyakap kaagad si Mira.
"Mira anak ko. . ."
"Nasugatan ka ba, Mira?" Tanong ni Azulan
Nilingon ni Mira si Azulan at nginitian niya ito. "Ayos lamang ako, Ado." Kapwa nagulat ang Hara at ang Punjabwe sa tinuran ni Mira kaya't nagkatinginan sila.
"Anong iyong pinagsasasabi, Mira?" Naguguluhang tanong ni Pirena na sinagot naman ni Mira ng isang mapang-asar at matamis na ngiti.
Binilang ni Mira ang kaniyang tingin sa kaniayng 'ado' at kinindatan niya ito. Naiiling na ngumiti sa Azulan dahil sa nais iparating ni Mira.
Nagkamustahan ang mga diwata ngunit nagulantang na lamang ang lahat nangg lumapit sa kanila si Paopao na buhat ang walang-buhay na katawan ni Muyak.
At para bang tumigil ang pagtakbo ng mundo ni Azulan nang dumating naman ang Rama ng Sapiro na tumatangis, dala-dala ang wala ring buhay na katawan ng kaniyang kapatid.
Nanghihinang naglakad ang punjabwe patungo sa katawan ni Ariana na ibinaba ni Rama Ybrahim sa tabi ng kay Muyak.
"Ariana, Bakit mo ako iniwan. Gayong marami pa akong nais ituro sa iyo," naiiyak na sambit ni Azulan nang makaluhod siya at hinawakan ang pisngi ni Ariana. Pinipigilan nitong kumawala ang luha sa kaniyang mga mata at pinilit magpakatatag na lamang.
"Azulan. . ." Sambit ni Pirena na niyakap si Azulan mula sa likod upang iparating ang kaniyang pakikiramay dito.
.
.
.
Lumipas ang ilang mga araw na nagwakas ang digmaan sa Encantadia. Pinaglamayan muna ng mga Diwata ang mga labi nila Muyak, Ariana, Wahid, Gilas at Deshna ng ilang araw hanggang sa kunin na silang tuluyan ng mga retre upang dalhin sa Devas.
BINABASA MO ANG
Encantadia: Ang Punjabwe at ang Hara
RomanceMatapang na diwata, mahusay na makipaglaban, matatag ang loob at malakas uminom ng alak; Ilan lamang 'yan sa katangian ng dating tuso at makasariling Hara ng Hathoria, si Hara Pirena. Nanggaling man sa masamang nakaraan ay nagbago si Pirena na...