"Ire!"
"Dure!"
"Kaskil!"
Sa bawat bilang ng Mashna ng Lireo na si Muros ay ginagamit ng mga diwani at diwan ang hawak na sandatang pangsanay upang umatake at umiwas sa mga atake ng mga kasanayang kawal.
Kumunot ang ni Muros ang mashna na sa pagharap niya sa mga nagsasanay na mga paslit ay ang tatlo sa mga ito ay hindi maipinta ang mga muka ng mga ito, lalong lalo na si Aquinya na nakasimangot ng todo. Para bang mga gulay na nalanta ang kasalukuyang inaasta ng mga diwani at diwan na mga nakababa ang balikat.
Ang tanging parang hindi pa nahihirapan ay si Arisha na seryoso lamang at walang reaksyon na nakatingin kung saan.
"Bakit kayo mga nakasimangot riyan?" Tanong niya sa mga ito.
"Kanina pa kami nagsasanay kuya Muros! Nakakapagod din naman kaya!" Reklamo ni Cassandra bago umirap sa Mashna na siya namang pinalampas na lamang ni Muros dahil alam niyang may angkin talagang kapilyahan itong si diwaning Cassandra.
"Oo nga!" Pagsang-ayon ng diwan na si Adamus at pinag-krus ang braso.
Napahawak si Muros sa kaniyang sentido at napapikit. Siya rin ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago umimik.
"Kung ganito pa lamang ay napapagod na kayo ay paano niyo maipagtatanggol ang Encantadia?" Tanong ni Muros ngunit hindi siya sinagot ng mga ito bagkus ay tinitigan lamang siya habang mga nakasimangot.
"Mga ashtadi," mahinang sambit ng Mashna.
"Mga ashtadi," Mahinang binadya ni Aquinya ang tinuran ng Mashna bago umirap sa hangin. Ngunit hindi niya alam na narinig pala nito ang ginawa niyang panunuya sa kaniya kaya't tinignan ng mashna ng masama ang pasaway na paslit.
"Baka nakakalimutan ninyong ako ay nakakatanda sa inyo at ako'y dapat ninyong igalang. Batid man nating lahat na mas nakataas kayo sa akin ay kailangan niyo pa ring sumunod sa aking mga ipinag-uutos dahil binigyan ako ng basbas ng inyong mga magulang. Kaya't sumunod kayo sa akin." Lalo lamang nainis ang Mashna nang nanatiling nakatitig sa kaniya ang mga ito at wala man lang nagbago sa kanilang mga pagod na ekspresyon.
"Bakit hindi niyo na lamang gayahin ang inyong pinsang si Arisha? Tila sa inyong apat ay siya lamang ang hindi mareklamo?"
Tumingin lamang si Arisha sa kaniya at imbes na matuwa sa puri ng Mashna sa kaniya ay wala siyang ibang naramdaman kundi pagod at pagkatamad. "Hindi lamang ako nagpapakita ng kapaguran ngunit ako'y pagod na rin at ayoko nang magsanay kagaya nila, Mashna Muros," walang ganang sabi niya habang walang emosyong nakatitig lamang sa kausap na Mashna.
Kumunot lalo ang noo ni Muros sa mga tinuran ni Arisha. Akala pa naman niya ay naiiba ang anak ng Hara ng Hathoria kaysa sa kaniyang mga pinsan at hadia ngunit hindi rin pala, pasaway rin pala ang diwaning si Arisha.
Kahit dismayado ang mashna ay hindi niya mapigilang mamangha kung paano kumilos itong si Arisha. Bagamat malambing sa kaniyang mga magulang at pamilya ay napakaseryoso nito pagdating sa pakikitungo sa ibang tao. Para sa isang batang katulad niya na may napakagandang mala-anghel na wangis ay hindi mo aasahan ang kaniyang mga gawi.
Ang bawat galaw, kilos, mga malalamig na titig at mga salitang kaniyang binibitawan ay punong puno ng kumpiyansa, kasiguraduhan at katapangan; mga bagay na hindi mo aasahan para sa kaniyang edad.
Ang paraan ng pag-iisip at pagkilos niya ay hindi kagaya ng kung paano mag-isip ang ibang diwani at diwan. Nakikita sa kaniya kahit sa murang edad pa lamang ang isang matapang at walang inuurangang pinuno na magpapaunlad sa Encantadia balang araw.
BINABASA MO ANG
Encantadia: Ang Punjabwe at ang Hara
RomanceMatapang na diwata, mahusay na makipaglaban, matatag ang loob at malakas uminom ng alak; Ilan lamang 'yan sa katangian ng dating tuso at makasariling Hara ng Hathoria, si Hara Pirena. Nanggaling man sa masamang nakaraan ay nagbago si Pirena na...