Lumipas ang mga araw at dumating na nga ang takdang panahon ng pag-iisang dibdib ng dalawang Hara at ng mga kabiyak nito. Ngayon ang araw na manunumpa sina Danaya at Aquil kasama sila Pirena at Azulan sa harap ng bagong bathalumang si Cassiopeia.
Abala lahat ng tagapagsilbi at mga dama sa pagdedekorasyon ng paligid. Magaganap ang pag-iisang dibdib nila sa dalampasigan sa may hangganan ng Lireo.
Naroroon na ang ibang panauhin ganoon na rin ang sila Azulan at Aquil. Samantalang nasa sa loob ng silid pa rin sa Lireo ang dalawang Sang'gre, inihahanda ng mga dama.
Hindi maipaliwanag ni Pirena kung gaano siya kasaya at kaligaya sa araw na ito, sa araw ng kaniyang pakikipag-isang dibdib sa binatanag kaniyang iniirog ng buong buo. Ngayon na nga ang araw na manunumpa sila ng tapat na pag-iibigan sa tapat ng isang bathaluman.
"Tunay na napakaganda ng aking mga kapatid," puri ni Alena sa dalawa niyang kapatid na ikakasal. Pumunta siya sa espasyo sa pagitan ng dalawang Hara at ipinulupot ang kaniyang mga braso sa mga bewang nila.
Pumunta si Alena sa silid kung saan inihahanda ang dalawa upang sunduin na at dalhin sa dalampasigan para masimulan ang seremonya.
Isang matamis na ngiti ang tinugon ni Pirena sa kaniya at nagpasalamat naman si Danaya.
"Parang kailan lamang ay naglalaro lang tayong magkakapatid at ngayon tignan niyo, ikakasal na kayong pareho," masayang turan ni Alena habang inaalala ang mga maliligayang araw nila noon.
"Tunay na kaysaya ko ngayon, Alena," sambit ni Pirena habang nakangiti.
"Ako rin ay labis na natutuwa para sa inyong dalawa, aking mga kapatid."
.
.
.
Sa dalampasigan ay naroroon ang karamihan. Si Aquil at Azulan ay nag-uusap lamang habang iniintay ang kanilang mga mapapangasawa at biglang nahagip ng paningin si Mira sa may tabing-dagat kaya't agad niyang nilapitan ito.
"Avisala, Mira," bati ni Azulan kaya't nakangiting lumingon ang Sang'gre.
"Avisala. . . Ado," tugon naman ni Mira.
"Kumusta ka?"
"Masaya ako Ado. Masayang masaya ako para sa inyo ng aking Yna," masayang turan ni Mirang tinugunan ni Azulan ng isang malawak na ngiti.
"Gusto ko lamang na malaman mong hinding hindi ko sasaktan ang iyong Yna." Napangiti lalo si Mira sa tinuran niya.
"Batid ko iyon. Una pa lamang ay kita ko na kung gaano mo ka-mahal si Yna at natutuwa akong palagi siyang nakangiti at masaya lalo na kapag kasama ka," sambit ni Mira.
Niyakap naman siya ng kaniyang Ado na kaniyang sinuklian rin.
.
.
.
Dumating na nga ang tamang oras, palubog na ang araw at nagsimula na nga ang sumpaang naganap sa harapan ng Bathalumang Cassiopeia at ilang mahahalagang tao sa Encantadia.
Ipinatong na nga ang bulaklak na sumisimbulo ng pagmamahalan ng dalawang Encantado't Encantada.
At inkinasal nga si Danaya at Aquil sa harap ng Bagong Bathalumang si Cassiopeia. At kasabay nila ay nag-isang dibdib na rin sina Pirena at Azulan.
Napuno ng saya ang lahat ng taong naroroon. Sila Nunong Imaw, sina Muros, Hitano, Wantuk, LilaSari lalong lalo na si Alena na hindi mapigilang mapaluha dahil sa sayang nadarama dulot ng pag-iisang dibdib ng kaniyang mga kapatid. Ganoon rin si Mira na labis ang saya para sa kaniyang Yna at Ashti.
BINABASA MO ANG
Encantadia: Ang Punjabwe at ang Hara
RomanceMatapang na diwata, mahusay na makipaglaban, matatag ang loob at malakas uminom ng alak; Ilan lamang 'yan sa katangian ng dating tuso at makasariling Hara ng Hathoria, si Hara Pirena. Nanggaling man sa masamang nakaraan ay nagbago si Pirena na...