• Ikasampung kabanata | Brilyante ng diwa •

369 18 13
                                    

Nagtungo si Hara Pirena sa punong bulwagan ng Lireo, nakangiting sinalubong naman siya ng kaniyang nakababatang kapatid na si Alena na siyang nakaupo sa kaniyang trono, nagbabasa ng ilang mga kalatas galing sa iba't ibang tribo at mga diwata. 

Agad ipinatawag ni Alena sa mga kawal at Dama ang kanilang bunsong kapatid upang sa gayon ay masimulan na nila ang kanilang napagplanuhang gawin. Ngunit bago pa man makarating si Sang'gre Danaya sa bulwagan ay nauna nang makarating doon ang Rama ng Sapiro, si Rama Ybrahim na siyang kasama rin sa gagawin nilang hakbang. 

Pinagpahinga muna ni Danaya ang kaniyang mga hadia at ang anak upang makapaghanda na rin ang mga ito sa susunod nilang pag-aaralan at pagsasanayin.

Nang makarating na sa bulwagan si Danaya ay hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa at sabay-sabay na nagtungo papunta sa kamara ng mga brilyante upang magawa na ang kanilang tungkulin. 

Pumasok ang apat na pinuno sa loob ng kamara at maraming bilang ng mga kawal ang nakahilera upang magbantay sa labas ng pinto ng silid upang walang sinuman ang makapasok at makaabala. 

Kasalukuyang nasa kamay at pangangalaga ni Pirena ang brilyante ng apoy, hawak ni Alena ang brilyante ng tubig at na-kay Danaya ang brilyante ng lupa at hanggang ngayon nama'y mailap pa rin ang brilyante ng hangin na kasama ang brilyante ng diwa na nagpapahinga lamang sa kamara. 

Sabay-sabay na ibinuka ng tatlong Sang'gre ang kanilang mga palad at agad ring lumitaw ang mga pinangangalagaan nilang brilyante.

Sa kanilang isipan ay kanilang inutusang humiwalay muna sa kanila ang mga brilyanteng hawak at sumama muna sa kapwa nila mga brilyante.

Nawala naman ang ito sa kanilang mga palad at lumapag na sila kasama ng brilyante ng hangin at diwa sa ligtas na kamarang para sa kanila.

Ang bagay na ito ang napag-usapan na nilang mga pinuno kasama si Nunong Imaw. . . Hahayaan nilang ang mga brilyante na ang gumawa ng paraan upang mapaghandaan ang ibinabala sa kanila na Bathalumang Cassiopeia.

Hahayaan nilang ang mga brilyante pansamantala ang kumilos at magdesisyon hangga't hindi pa nila alam kung anong klase bang delubyo ang kanilang kahaharapin. Sa ganon ay kahit papaano ay nakagawa na sila ng hakbang upang mapigilan ang anumang panganib na paparating. 

Makahulugang nagkatinginan ang apat nang magtabi-tabi nang muli ang mga brilyante. Inaasahan nilang anuman ang gagawin ng mga ito ay lubos na makakatulong sa pagpapanatili sa pinapangalagaang kapayapaan ng Encantadia. 

Pinalibutan at nagsiikot ang apat na brilyante sa palibot brilyante ng diwang nanatiling hindi gumagalaw at pinagigitnaan ng apat. Sabay sabay na nagliliwanag ang mga ito habang iniikutan  ang brilyante ng diwa.

"Anong nangyayari?" Takang tanong ni Hara Pirena sa mga kasama.

Bumuntong hininga ang kaniyang kapatid. "Hindi ko rin batid, Pirena. Ngunit hayaan na lang natin silang gawin ang nararapat," ani Alena.

Mayroong mga nilalabas na kapangyarihan ang apat na brilyante at ang mga lumalabas na ito ay dumadaloy patungo sa brilyante ng diwa na para bang may kung anong enerhiya ang ibinibigay ng apat sa ikalimang brilyante.

"Mabuti pang lisanin na natin ang silid na at hayaan na sila," suhestiyon ni Sang'gre Danayang sinang-ayunan naman agad ni Rama Ybrahim.

Sa huling pagkakaton bago tuluyang lumisan ay sinulyapan nilang muli ang mga brilyante at saka sila nag-ivictus paalis sa silid. Hinayaan na nilang gumawa ang mga ito ng hakbang. . .

Encantadia: Ang Punjabwe at ang HaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon