Maingat na naglakad ang Rama ng Hathoria habang hawak ang kaniyang sandata patungo sa makinang pangtaas na tinatawag na asensor ng mga Punjabwe upang siya ay makatungo sa pamahayan ng mga ito. Kapwa sila sumakay ng isa niyang kawal sa loob nito at agad ni Azulan na pinagana ang makina na hinihila ng lubid upang sila ay makataas na.
Dahan-dahan siyang lumapag mula sa makina nang makarating na ito sa itaas. Sinuri ng Rama ang kaniyang paligid at sinigurado niyang hindi makakalikha ng maiingay na tunog ang kanilang pagtapak sa mga kahoy na sahig na naroroon.
Lubos na nagtataka si Azulan kung bakit ganoon ang kaniyang nasisilayan. Maraming butas sa mga kahoy, nagkalat ang mga basag na bagay sa paligid at sira-sira ang mga bahay na dati naman ay hindi. Ni wala ang masisigla at masasayahing naninirahan dito. . .
Ano nga ba ang nangyari sa mga Punjabwe?
Naalerto na lamang bigla ang Rama at ganoon na rin ang kasamang kawal nang marinig nila ang pag-andar nang asensor na kanilang ginamit rin kanina kaya't napalingon sila sa gawing iyong pinaglalagyan ng makina.
Kung sino man ang nilalang na iyon ay nanggaling iyon sa ibaba ngunit sino ito?
Inihanda ng Rama at ng kawal ang kanilang mga sarili sa kung sino man ang kanilang masisilayan sa pamamagitan ng pagtutok sa direksyon ng asensor ng kanilang mga sandatang hawak-hawak.
Ngunit agad rin naman nilang naibaba ang kanilang mga sandata nang inilabas ng makina ang isang kawal-hathor na siyang pinagbantay ni Azulan sa kaniyang anak.
Hindi kita ang buong ekspresyon sa muka ng kawal sapagkat natatakluban ang kalahati ng muka niya ng pulang panyo ngunit ito ay nangangatal at hindi mapakali at bakas ang takot sa kaniya kaya't nakaramdam na lamang ang Rama ng kaba at pag-aalala sa kaniyang anak na si Arosha.
"Mahal na Rama! Tinakasan po ako ng inyong anak! Nag-evictus na lamang siya bigla!" balisang sumbong ng kawal sa kaniyang Ramang nakakunot na ang noo.
"Pashnea," turan ni Azulan at mabilis na naglakad patungo sa asensor upang sana'y muling bumaba at hanapin ang pasaway niyang anak. At sinundan naman siya ng dalawang kawal sa kaniyang paglalakad.
"Azulan!" Akmang hahakbang ni si Azulan papasok sa makina ngunit siya ay napatigil. Mula sa kaniyang likuran ay may lalaking tumawag sa kaniya at pamilyar na pamilyar sa kaniya ang boses nito. Bakas na bakas ang takot sa boses ng tumawag at tinig na iyon ay galing sa isa niyang matalik na kaibigan.
"Azulan tulong!" Sigaw muli ng lalaki. Paglingon ng Rama ay naaubtuan niyang nakaluhod ang kaniyang kaibigang sumigaw at hawak ng dalawang rebeldeng Punjabwe ang kaniyang kamay sa likura. Ang kanilang mga kasuotan at ang kanilang maskarang itim ang nagdahilan upang makilala sila ng Rama bilang mga rebelde.
Ang lalaking bihag ay nagpupumiglas ngunit hindi niya magawang makatakas dahil sa lakas ng mga nakahawak. Punong puno ng takot ang kaniyang mga mata't muka habang nakatingin lamang sa Rama.
Kaya't mabilis na itinaas ni Azulan ang kaniyang hawak na sandata at itinutok iyon sa dalawang Punjabwe na siyang ginawa rin ng dalawang kawal-Hathor.
Itinaas rin ng dalawang rebeldeng Punjabwe ang kanilang sandata ngunit nanatili ang isa nilang kamay na nakahawak sa nakaluhod at kaawa-awang lalaki.
Labis na napupuno na ng galit ang Rama sa kaniyang mga nasasaksihan. "Mga Rebeldeng Punjabwe! Pakawalan niyo si Casian!" Utos niya sa mga ito ngunit nagkatinginan lamang ang dalawang rebelde.
"Hindi ikaw ang aming pinuno kaya't hindi ka namin susudin!"
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Azulan at magkasunod na binaril niya ang dalawang rebelde kaya't kapwa nila nabitawan si Casian at sila ay natumba't tuluyan na ngang binawian ng buhay.
BINABASA MO ANG
Encantadia: Ang Punjabwe at ang Hara
RomanceMatapang na diwata, mahusay na makipaglaban, matatag ang loob at malakas uminom ng alak; Ilan lamang 'yan sa katangian ng dating tuso at makasariling Hara ng Hathoria, si Hara Pirena. Nanggaling man sa masamang nakaraan ay nagbago si Pirena na...