• Ikaapat na kabanata | Bunga •

845 26 0
                                    

Dumating na nga ang araw at nakapagsilang ng arksha ang dalawang magkapatid na Sang're ng tig-isang malulusog at maririkit na batang babae sa halos magkasunod na panahon lamang.

Lalo pang napuno ng kasiyahan ang buong Encantadia sa pagsilang ng dalawang bagong mga nilalang na galing sa dugo ng mga magigiting na Encantado at Encanntada.

Ang dating mashna at ang dating Hara ng Lireo ay pinangalanan ang maganda nilang supling na 'Aquinya' na siyang hinango sa pinagsamang pangalan nilang dalawa na Aquil at Danaya.

Samantalang ang anak ng Hara ng Hathoria ay kanilang pinangalanan bilang si 'Arisha', upang sa gayon ay maalala ang mga yumaong kapatid ng kaniyang mga magulang na silang naging mga bayani rin ng Encantadia, sina Ariana at Deshna.

Lumipas ang pitong mapapayapa at masasayang mga taon sa Encantadia at kasabay noon ay ang paglago ng kaniya-kaniyang buhay ng mga Sang'gre kasama ang kanilang mga pamilya.  Ganoon na rin ang matiwasay na paglaki ng mga bagong diwani sa pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa iba't-ibang paraan.

Si Lira ay sumama na sa kaniyang amang si Rama Ybrahim na nanirahan sa Sapiro upang sa gayon ay makatulong siya sa pagpapaunlad ng kaharian ng Sapiro. Magkaagapay nilang itinaguyod at pinalaking isang mabuti at napakapalangiting bata si Cassandra. Ayun nga lang ay may taglay itong kapilyahan na kaniyang namana sa inang si Lira.

Sa Lireo naman ay lalo pang napagbuti ni Hara Alena ang kalakalan at ang buo niyang kaharian. Ngunit bilang isang Yna rin kay Adamus ay hindi rin ito nagkulang sa pagpapalaki rito. Kahit sa murang edad pa lang niya ay napakamaunawain at mapagmahal lalong lalo na sa kaniyang ina.

Hindi naman bumukod si Danaya sa kaniyang kapatid at nanatili sa loob ng mga pader ni Lireo kasama ang kaniyang buong pamilya. Kagaya ng kaniyang mga kapatid ay napalaki nila ang kanilang anak na si Aquinya bilang isang matapang at mabait na diwani.

Lalo namang gumanda ang kalagayan ng Hathoria sa pamumuno ng pamilya ni Hara Pirena at ni Rama Azulan. Kaagapay ng kanilang anak na si Mira ay tinitiyak nilang hindi maliligaw ng landas ang kanilang munting si Arisha at minahal at inalagaan nila ito ng mabuti at hindi naman sila nagkulang.

.

"Estasectu!" sigaw ng munting diwani sa mga kawal na agad namang pumosisyon upang salagin ang bawat paghataw ng diwani gamit ang sandatang pansanay niya.

Mabilis at magaling kung gamitin ng Diwani ang kaniyang sandata na para bang ilang taon na itong nakapagsanay sa paghawak nito.

Limang kawal ang siya ngayong kinakalaban ng Diwani ngunit napakadali lamang para sa kaniya na depensahang ang kaniyang sarilil laban sa mga ito. Bawat sipa at paghataw ng kaniyang sandata ay mapapamangha ka dahil tunay ngang napakagaling niya para sa kaniyang murang edad.

"Arisha." Napatigil si Arisha sa kaniyang ginagawang pagsasanay at lumingon nang magsalita  ang kaniyang ama. Ganoon na rin ang mga kasanayan niyang kawal na tumayo ng tuwid at nagbigay pugay sa kanilang Rama.

Nanlaki ang kaniyang mga bilugang mata nang mapaharap sa Ama na seryoso lamang na nakatingin sa kaniya. Hindi mabatid sa itsura niya kung galit ba o hindi pero nakatitiyak si Arisha na galit ang kaniyang ama sa kaniyang ginawa. 

"Patay," mahinang sambit niya sa sarili.

"Ano na namang ginagawa mo?"

"Nagsasanay po?" patanong naman ding sinagot ng diwani ang tanong ng kaniyang Ama. Dahil doon ay napailing si Azulan at pinag-krus ang kaniyang braso. Tunay nga na nagmana siya sa kaniyang mga magulang sa pagiging pilosopo at pagkakaroon ng matabil ng dila.

Encantadia: Ang Punjabwe at ang HaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon