Hinintay ng lahat na magising ang apat na batang Sang'greng mga wala pa ring malay. Kinuha na nang mga pinuno ang kanilang brilyante mula sa kamara at napagdesisyunan rin nilang si Rama Ybrahim muna muli ang mangangalaga sa brilyante ng hangin.
Habang nanatili pa ring palaisispian sa kanilang lahat kung bakit nawala ang ika-limang brilyante.
Sinubukan nilang gamitin ang mga kapangyarihan upang pagalingin at gisingin ang apat ngunit sila'y nabigo. Ang tanging magagawa na lamang nila ay maghintay; na siyang kanilang ginagawa ngayon.
Sina Nunong Imaw at PaoPao muna ang pinamahala ng Hara Alena sa Lireo habang sila'y naghihintay pa rin. Ang hukbo naman nina Muros at Aquil ay lumisan ng Lireo upang tiyakin ang kalagayan ng ibang mga diwata. Sina Lira at Mira naman ay nagtungo sa kani-kanilang mga kaharian upang tiyakin rin ang kaligtasan ng ibang Encantado't encantada.
Nakaupo sina Hara Alena at Danaya sa tabi ng kanilang mga anak at si Rama Ybrahim sa tabi ni Cassandra. Samantalang si Hara Pirena naman ay paikot-ikot sa silid habang umiinom ng kaniyang alak. Nakasandal si Azulan sa bintana ng silid habang naka-krus ang braso, pinagmamasdan ang hindi-mapakaling asawa.
Hindi siya nag-alinlangang lapitan ang asawa upang pagaanin at pakalmahin ang loob nito.
"Magiging ayos lamang sina Arisha kaya't wala ka namang dapat ipag-alala," ani Azulan at nilingon siya ni Pirena. Hindi tumugon ang Hara at tumingin lamang sa kaniya. Matipid na ngumiti ang Rama sa kaniya at sinabing, "Ayos lamang sila."
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Pirena at nag-iwas ng kaniyang paningin kay Azulan. Hinawakan na lamang niya sa magkabilang balikat si Pirena at nginitian ito ng matipid.
May sasabihin pa dapat ang Rama ngunit parehong nabaling ang kanilang mga atensyon sa mga Diwani nang umungot ang mga ito.
Dahan-dahan silang nagmulat at unang nagbangon si Adamus na sinundan ng kaniyang mga pinsan. "Yna, anong nanyari?" tanong ni Aquinya habang kinukusot ang kaniyang mga mata.
Agad na niyakap ng kanilang mga magulang ang mga ito habang ang mga diwani ay patuloy pa ring nagugluhan sa nangyari, nakakaramdam ng kakaiba sa kanilang katawang kanina nama'y hindi nila nararamdaman.
Nagkaroon ng mga bagong karagdagang kapangyarihan ang apat na diwani at diwan ng Encantadia. Ang mga espesyal na kapangyarihan nilang nakuha mula sa pagiging mga Sang'gre ay mas lalo pang lumakas dahil sa kapangyarihang kaloob ng ika-limang brilyante.
Hindi rin nilisan ng mga simbolo ng mga kaharian ang braso nilang apat. Ito ay nanatili at patuloy na mananatili sa kanilang katawan kasama ang kanilang mga bagong kapangyarihang natamasa.
Nagkaroon ng mga kapangyarihang kagaya ng iba sa mga kapangyarihan ng mga brilyante ang mga diwani at ang diwan.
Kayang magmanipula ni Arisha ng anumang uri ng apoy, kaya rin niyang lumikha nito gamit lamang ang kaniyang mga kamay. Ganon na rin ang kaniyang mga pinsan. Kaya ni Adamus na manipulahin ang tubig, kay Cassandra ay Hangin at ang kay Aquinya naman ay sa lupa.
Tiniyak ng kanilang mga magulang na makokontrol nila nang maayos ang mga bago nilang kapangyarihan upang sa ganon ay magamit nila ito para sa Encantadia.
Ngunit haanggang ngayon ay wala pa ring nakaalam ng tiyak na dahilan ng pagkakaroon ng
karagdagang kapangyarihan ng mga diwani at ng diwan.Ngunit nakatitiyak ang lahat na para ito sa kinabukasan ng kanilang mundo.
Lumipas ang ilang mga buwan na naging maayos ang takbo ng lahat sa buong Encantadia. Mas binigyang oras at pinagtuunan pa lalo ng pansin ng mga nakatatandang Sang'gre ang apat lalo na ngayong may taglay na kapangyarihan na ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Encantadia: Ang Punjabwe at ang Hara
RomanceMatapang na diwata, mahusay na makipaglaban, matatag ang loob at malakas uminom ng alak; Ilan lamang 'yan sa katangian ng dating tuso at makasariling Hara ng Hathoria, si Hara Pirena. Nanggaling man sa masamang nakaraan ay nagbago si Pirena na...