"..A Million Cups of Tears..".
..
CHAPTER 7..
..
"Sandali!!saan ka naman pupunta glaiza??pigil ni solenn sa kanya.."
..
"Al...al..alam nyo naba na ikakasal na si rhian sir piolo?mautal utal na tanong nito sa labis nyang pagkabigla.."
..
"Oo best,alam namin...singit naman ni bianca na nkahawak na rin sa kabilang braso ni glaiza.."
..
"Pero bakit??bakit hindi nyo sinasabi sakin??bakit???alam nyo namang mahal na mahal ko sya di ba??diba??"
..
"Pwede ba glaiza tumigil ka nga at itigil mo na yang kakaisip mo sa babaeng yan!!hindi kana nya mahal!!tuluyan ka na nyang iniwan!!tuluyan kna rin nyang binalewala..yan na nga ang ebidensya di ba??hindi paba sapat sayo yan na kailangan mo na syang layuan???na kailangan mo na syang kalimutan???na kailangan mo ng pakawalan anuman ang nararamdaman mo para sa kanya!!"
..
Hindi na kinontra pa ni bianca ang mga sinasabi ni solenn sa kaibigan dahil may point rin naman ito at nahihirapan rin naman ang kanyang pakiramdam sa ginagawa ni glaiza para sa sarili nya..
..
"Hindi ko kaya!!!hindi!!!mahal na mahal ko c rhian!!!mahal na mahal ko sya!!!.."
..
"Kaya mo yan glaiza!!!nagawa mo na nga di ba???3 buwan na ang nakalipas na hindi mo sya kasama!!!so it mins kaya mo!!!gawin mo uli na bigyan ng distansya ang puso mo sa kanya..bigyan mo muli ng distansya ang anumang nararamdaman mo para sa kanya!!!alam kong kaya mo!!!kaya mo yan!!!at nandito ako,pinagsisisihan ko yung pag iwan ko sayo noon pero eto ako ngayon hinding hinding hindi ko na muli pang uulitin yun glaiza...pls..makinig ka naman oh...pls..bigyan mo pa ko ng isa pang pagkakataon at muling bigyan ng pagkakataon yung samahan natin na ako mismo ang sumira at nang iwan..patawad glaiza...pls...accept me again..."sabay yakap ng mahigpit kay glaiza..
..
Nanghina ng husto c glaiza ng mga sandaling iyon na waring unti unti ng nauubusan ng lakas at napag isip isip sa mga sinabi sa kanya ni solenn..pumasok rin sa kanyang isipan na siguro nga sa tindi ng galit na nararamdaman sa kanya ni rhian ay tuluyan na ring nawala ang pagmamahal nito sa kanya kung kaya pumayag na rin ito na magpakasal sa kanilang boss..
..
..
Samantala..at Piolo's residence..
..
"2araw nalang ikakasal na tayo..yung mga pangako ko naman sayo tutuparin ko..salamat sa pagtulong sakin rhian...salita nito habang pareho silang nakatanaw sa labas ng beranda.."
..
"Okay lang hon :) .."
..
"Hehehe :D hindi kaba naiilang sa pagtawag sakin ng hon?
..
"Hehe..hindi naman hon,nasanay na rin ako..salamat sa pagtulong mo sakin lalong lalo na sa pamilya ko,sa mga kapatid ko..maraming2x salamat.."ngiting tugon ni rhian at pisil ng kaliwang kamay ni piolo..
..
"Mas malaki ang naitulong mo sakin rhian :) ..hindi ko kasi talaga alam kung paano ko haharapin ang totoong ako..nakilala mo naman na ang pamilya ko..ayokong mabigyan sila ng kahihiyan..mahal na mahal ko sila..hindi ko naman kasalanan na maging ganito ako...buti ka pa nga ikaw naranasan mo ang mag out sa mga taong nakapaligid sayo unlike me na hanggang sa tago nalang.. nakayukong sambit nito at nakararamdam pa rin ng hiya kay rhian dahil sa inamin nito tungkol sa tunay nitong pagkatao.."
..
":) oo out nga pero masakit naman ang naranasan ko..kaya mas better kapa rin :) ..sabay iwas ng tingin rito at muling ibinaling ang paningin sa labas ng beranda.."
..
Hinaplos haplos lamang ni piolo ang kanang balikat ni rhian dahil nakita na naman nya itong nagpipigil ng luha dahil sa naranasan kay glaiza..
..
..
Makaraan ang 6 na buwan...
..
"Dad..sinabi ko naman sa inyo hinding hindi ako magkakaanak..wala akong kakayahang mabigyan kayo ng apo!!!nakikita nyo naman ang result db??ilang beses nakong nagpatingin..baog ako!!!baog ako!!!..halos pasigaw na nitong tugon sa kanyang ama...
..
Naawa na rin si rhian at nakokonsensya sa ginagawa nila ni piolo na pagkukunwari sa 3buwan mula ng ikasal sila..nagmamadali na kasi ang mga magulang nito na magkaroon na ng apo dahil sa matatanda na rin ang mga ito dahil mula ng araw ng ikasal sila ay wala rin naman talagang nangyayari sa mag asawa..matapos ang pag uusap ng mag ama ay pumasok na c piolo sa kanilang kwarto at sinundan na lamang ito ni rhian..
..
"Hon okay ka lang ba??tanong nito kay piolo.."
..
"Hindi ko rin alam rhian..naaawa ako sa mga magulang ko lalo na kay dad pero anong magagawa ko?hindi ko kaya.. at ayoko ring sumira sa pangako ko sayo na walang anumang mangyayari satin..na hinding hindi kita gagalawin.. isa pa,alam mo naman eh,mahirap para sakin..hindi tayo talo girl..maarte pang salita nito.."
..
Bigla namang simpleng natawa c rhian sa tinuran nito at paulit ulit na nanumbalik sa kanyang pandinig yung huling sinabi nito.....
maya maya lamang ay bigla na naman nyang naramdaman ang pagsakit sakit ng kanyang tagiliran at waring puson na naman nya'y hinahatak paibaba..ibang iba ang sakit na nararamdaman nya ngayon..sakit na hindi na nya kaya pang itago kay piolo..
..
"Anong nangyayari sayo rhian??anong masakit???"tarantang tanong nito..
..
"Ahhhhhhhhh.....ahhhhhhh...hawak nito sa kanyang puson lalong lalo na sa kanyang tagiliran.."
..
Kagad naman isinugod ni piolo ang kanyang asawa sa hospital kasama na rin ang mga magulang nito..
..
Samantala..at glaiza's condo..
..
"Buti naman at nakakangiti kana ngayon :) ..ang ganda ganda mo kung lagi kang ganyan babe ."pansin ni solenn sa kanya..
..
"Oo naman babe.. :) salamat nga pala at sorry sa lahat lahat ha..salamat sa mga sakripisyo mo sakin sa loob ng ilang buwan.. :) "tugon naman ni glaiza sakanya..
..
"Wala ka naman dapat ipagpasalamat babe..mahal na mahal kita at lahat lahat gagawin ko mapaglingkuran lang kita :) ."
..
"Hahaha..naks..tagalog na tagalog ah..hehehe :D medyo bagay rin pala sayo :) "salamat uli..muling ngiti ni glaiza sa kanya..
..
" :) masaya ko na ngayon nakakangiti at nakakatawa ka na rin ng ganyan..yung glaiza na aking unang nakilala at minahal at mamahalin pa hanggang sa huling yugto ng aking hininga :) .."
..
Hahaha..grabe sya oh..saan mo ba nakukuha ang mga salitamg tan babe..hahaha..di yata ako sanay na ganyan ka eh..hehehe :D ..
..
"Hehe..siguro dahil seryosong seryoso nako sayo..hulog na hulog na ang loob ko sayo lalo nat pinagsisihan ko na ng husto yung pang iiwan ko noon sayo..sabay lungkot ng mukha nito.."
..
"Ops ops...bawal ang malungkot babe..sige ka malulungkot rin ako..smile na :) ..nandito rin naman ako,nandito na laging makakasama mo :) "
..
Labis ang tuwa na nararamdaman ni solenn ng mga sandaling iyon na sa wakas ay nanumbalik na rin ng tuluyan ang dating glaiza na kanilang pinakahihintay..isang linggo na rin nila nakikita ang kasiglahan sa katawan at kilos nito..
..
...
...
1week before..ang nakaraan..
..
Tinawagan ni piolo si glaiza na labis nitong ikinabigla dahil hindi nya inaasahan ang tawag nito at nais na makipagkita sa kanya na kanya namang pinagbigyan at nagkita sila sa restaurant nito..
..
"Ahm sir bakit po?sandali lamang po ako rito.sabihin nyo na po lahat ng gusto nyong sabihin..mapait na panimula nito.."
..
"Okay..una,gusto ko humingi ng pasensya at nakisabay ako sa kasagsagan ng problema nyo noon..gusto ko lang rin sabihin sayo na ni minsan hindi ko ginalaw si rhian... hindi kami talo okay..pabulong pang sabi nito at palinga linga pa sa paligid kung may nakaririnig ba sa kanilang usapan..ayaw rin nya kasi ito kausapin sa loob ng kanyang office at baka kung ano pang isipin ng makakita kung kaya mas mainam na nasa loob na lamang sila ng resto..hindi makapaniwala c glaiza sa kanyang nalaman ng mga sandaling iyon ng matapos ang pag uusap nila ni piolo..malaki pa rin ang kanyang pasasalamat na sa kabila ng mga nangyari ay wala ng nagmay ari pa sa kanyang pinakamamahal maliban sa kanya...kailangan nga lang nyang tuparin ang huling pabor ni piolo sa kanya,ang huwag ng ipaalam kahit na kanino ang kanilang pinag usapan lalo na kay rhian..naintindihan naman nya na magpahanggang ngayon ay may galit pa rin sa kanya ito..isa lang rin naman ang labis na nakapagpapasaya at nakapagpapagaan ng kanyang kalooban,yun ay yung pangako nito na magiging updated pa rin sya sa kung anumang nangyayari kay rhian na labis nitong ikinaTuwa ng mga sandaling iyon..
..
.
Back to Present..
At the hospital..
..
"Doc,kumusta na ho ang asawa ko?ano pong kalagayan nya?"
..
"Ahm sorry to say pero kailangan ho nya ng kidney transplant or else remove her left kidney..hindi na ho ito makukuha ng dialysis..malala na ho ang kalagayan ng kanyang bato na maaaring mauwi sa cancer.."
..
"Napaluha na lamang ang ina ni piolo ng marinig ang sinabi ng doctor at napayakap sa asawa nito.."
..
Kaagad naman tinawagan ni piolo ang numero ni glaiza at ibinalita rito ang kalagayan ni rhian na kagad naman nitong pinuntahan..
..
Nang makarating c glaiza sa nasabing hospital ay itinuro agad ni piolo kung saang kwarto naroroon c rhian..nakita nya itong mahimbing pang natutulog..nais nya sana itong hawakan subalit maaari itong magising kung kaya nilapitan na lamang nya ito at nakuntento na lamang nya itong titigan at kausapin ng tahimik..
..
"Lablab..hindi ko kaya na makita ka sa ganyang kalagayan..gagaling ka kaagad pangako yan...mahal na mahal pa rin kita at walang papalit sayo rito sa puso ko...ikaw pa rin ang nilalaman nito..sorry sa lahat lahat ha..sana dumating ang araw na mapatawad moko.. mahal na mahal kita..sabay napalunok at biglang pahid ng mga luhang nanulo sa kanyang pisngi at nilisan na si rhian..
..
Nang lumabas si glaiza ay naabutan nyang naghihintay sa labas si piolo..
..
"Dont worry sir..gagaling rin po sya agad...iset nyo rin ngayong gabi ang operasyon..im willing to donate my kidney..isa lamang ho ang pakiusap ko sir...huwag nyo na ho sana ipaalam pa kay rhian ang tungkol rito..lalo na ho huwag nyo po ipapaalam sa kanya na nag uusap tayo..."..
..
"Sigurado kaba sa desisyong gagawin mo rhian?pag isipan mo na muna at baka nabibiga ka lang..tugon nito.."
..
"Sigurado na po ako sir..ipaset nyo na ho ngayong gabi..uuwi lamang ho muna ako at may aasikasuhin..sige po sir mauna na po muna ako.."paalam nito at sabay talikod na kay piolo..
..
Lalong humanga c piolo sa pagmamahal na pinapakita ni glaiza para kay rhian lalo na sa nais nitong lihim na pagtulong sa dati nitong kasintahan...
..
..
Itutuloy...