"..A Million Cups of Tears.."
..
Part 6
..
Sa mga sandaling iyon nais na sana nyang ibangga ang kanyang sasakyan sa isang poste kung saan walang madadamay sa sakit na kanyang nararamdaman..
..
"Bakit???bakit pa sa araw na'to???hindi ito ang inaasahan ko eh...akala ko..akala ko ito na ang pinakamasayang araw na mangyayari sa buong buhay ko!!!!na makasama ka rhian...na makasama ka subalit bakit ganito????huuuuuuuu...lord bakit ganito???????.." sambit nito na waring nasisiraan na at tuliro ang isipan dahil sa naganap kanina at naisip pa rin nya na kaysa tapusin ang buhay ay wag na lamang sumuko na harapin at subukan muli na magkaayos silang muli ni rhian..
..
Samantala...at rhian's house..
..
"Ate tama na....ate!!!!!"..pag awat ng kapatid na sumunod sa kanya dahil sa pagwawala nito sa kanilang tahanan at sa matinding galit na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon na sa kanyang isipa'y niloko,nilinlang at pinasakay lamang sya ni glaiza dahil ang nasabi nito sa kanya ay wala na o patay na ang mga magulang nito subalit ang totoo ay buhay pa pala ang ama nito at ang worst pa roon ay ang kanyang sariling ama pa ang pinuno ng mga taong nang rape sa kanya at sa kanyang ina!!!
..
"Bakit glaiza???bakit????bakit mo ito ginawa sakin???bakit???bakit????huuuuuuu....bakit?????ungol nito at niyakap na lamang sya ng kanyang mga kapatid dahil sa awang nararamdaman sa kanilang nakatatandang kapatid ng may kumatok sa pintuan at ibinungad non ang imahe ni glaiza...pagpasok pa lamang ng pinto ni glaiza ay sinugod na sya agad ni rhian at sinampal ito..
..
"..bakit ha????bakit????ano pa ba at nagpunta ka rito glai???bakit????bakit???..lumuluhang sambit ni rhian at napagpasyahan ng mga kapatid nito na dumistansya na muna sa dalawa at nagpunta muna sila sa isang sulok ng bahay at nanood na lamang sa dalawa.."
..
"..pls lablab..pakinggan moko!!!hindi ko alam ang mga nangyayari...wala akong alam na may ginawang ganyan ang daddy ko!!!paniwalaan mo naman sana ko!!!!lablab pls...parang awa mo na...wag mo naman gawin sakin to..maniwala ka naman..huuuu..pls..parang awa mo na!!!..
..
"Ha???sigurado ka bang wala kang alam???ginawa mo nakong tanga all these years na magkasama tayong dalawa!!!and pls wag na wag mo akong tatawaging lablab naintindihan mo???nagsisisi ako na naging tayong dalawa!!!!..nagsi....
..hindi n naituloy pa ni rhian ang sinabi dahil sa biglaang pagluhod nito at pagyakap ni glaiza sa kanyang binti..
..
"Lablab..oo,aaminin ko nagsinungaling ako sayo sa pagsasabi ko na patay na ang daddy ko pero dahil lang naman yun sa tindi ng galit ko sa kanya dahil sa kanya rin namatay ang mommy ko!!!yun lang yun lablab pero wala akong alam na sya rin pala ang salarin sa lahat lahat ng kasamaan na nangyari sayo at sa pamilya mo!!!wala akong alam!!!huuuuu...wala akong alam...wala!!!!...pls...pakiusap.... mahal na mahal kita!!!!pakiusap...huuuuu..."
..
Pilit namang kumalas c rhian sa pagkakayakap ni glaiza sa kanya at nabubulagan sya ng nararamdaman nyang galit para rito dahil iisa pa rin ang nasa isipan nito,walang iba kundi ang panloloko nito sa kanya at nasa kanyang isipan rin na baka kaya ginawa ito ni glaiza ay upang mapagtakpan na rin ang nagawang kasalanan ng kanyang ama..
..
"Hwag mo nakong linlangin pa glaiza!!!akala mo ba maitatago mo sakin ang totoo????akala mo ba mapagtatakpan mo ang lahat ng mga kalokohan lalong lalo na sa gago mong ama na sumira at nambaboy samin ng nanay ko!!!!how dare you glaiza!!!!bakit?????bakit mo nagawa sakin to????ibinigay ko sayo lahat!!!pinagkatiwalaan kita pero bakit ganito???ano to!!!!!minahal kita!!!!minahal naman kita!!!!pero bakit ano tong ginawa mo???!!!umalis kana rito glaiza at huwag na huwag ka ng muling magpapakita pa!!!ayaw na kitang makita at makausap pa!!!!umalis ka na!!!!...galit na sambit nito at patuloy pa ring inaalis ang mga kamay nitong nakakapit pa rin sa kanyang mga binti..
..
"Alam mo kung niloko kita,kung alam ko lang ang lahat,kung alam ko lang na ang daddy ko pala ang matagal mo ng hinahanap hindi ko na rin naman na itutuloy ang relasyong meron tayo!!!!hindi na kita tutulungan pa na maghanap ng magaling na detective para lang mahanap ang mga taong gumago sayo at sa pamilya mo!!!!kung alam ko lang ang lahat eh di sana hindi ko hahayaan na malaman mo ang katotohanan sa pagitan mo at sa pamilya ko!!!!wala akong alam rhian!!!wala!!!!huuuuuu...wala akong alam...pls...parang awa mo na...haaaaaaaa....pls..huwag mong gawin sakin to rhian!!!!pakiusap....pakiusap...huuuu.."
..
Sa narinig ay naisip rin naman nya na may point ito sa mga sinabi nya subalit hindi na lamang sya kumibo at ng mapalis ang mga kamay nito sa kanyang binti ay patakbong nagkulong ito sa kwarto at inilock ang pinto na sya namang sinundan ni glaiza ng makatayo ito..
..
"Rhian pls...nakikiusap ako sayo!!!!!wala akong alam...pls...pakiusap....pakiusap...."pagsusumamo nito at nilapitan na sya ng kapatid nito na sakto rin naman na dumating doon si bianca na sinundan sya..
..
"Ahm ate..mainam po siguro kung palipasin nyo na lamang po muna ang sitwasyon,sariwa pa po kasi ang mga nangyari lalo na po sa sitwasyon ng ate ko..pls ako na rin po sana ang nakikiusap sa inyo,hayaan nyo na lamang po muna sya ngayon..alam nyo naman po ang lahat ng mga nangyari sa buhay nya,namin..kaya sana po maintindihan nyo.."pakiusap ng kapatid nito na kasunuran nya..
..
Wala na lamang nagawa c glaiza kundi ang humagulgol sa pag iyak at sumunod na lamang sa pag akay sa kanya ni bianca..
..
Nagdaan pa ang mga araw na hindi nila makalimu limutan ang mga pangyayari sakanila hanggang sa magpunta roon ang boss nilang c piolo upang alukin c rhian..
..
"Sir sigurado kaba sa alok mo?alam mo naman ang nakaraan ko?hindi po ako karapat dapat sa inaalok nyo..."maluha luhang sambit nito dahil na rin sa nararamdaman nyang kahihiyan lalong lalo na sa kanyang nakaraan at napagdaanan..
..
"Oo,sigurado ako at tanggap ko anuman ang nakaraan mo..naiintindihan ko naman ang lahat..una palang ramdam mo naman siguro na may pagtingin nako sayo pero ng malaman ko na kayo pala ng empleyado ko dumistansya na rin ako..pero ngayon na alam kong...ahm alam mo na..kaya eto nandito ko lakas loob na ayain ka na makasama ko habang buhay..pls.will you marry me?.."mahinahong tugon nito habang hawak hawak ang bukas na box ng singsing..
..
"Sir,sariwa pa po sakin ang lahat..lahat...dito na tuluyang bumagsak ang kanina pang nangingilid sa kanyang mga mata...ayoko po sanang maging unfair sa inyo,alam nyo naman na po kung bakit...isa pa wala naman ho akong maipagmamalaki sa inyo,magiging kahiya hiya lang po kayo sa part nyo sa pagkakaroon ng isang tulad ko lalo nat isa akong dis....."hindi na naituloy pa ni rhian ang kanyang sinasabi dahil bigla na lamang syang hinalikan nito sa mga labi..
..
"Wala kang dapat ipangamba o isipin pa..anuman ang sinasabi mo na kahihiyan o anupaman wala naman akong pakialam rhian dahil isa lang sa ngayon ang makapagpapasaya at kumukumpleto sakin,walang iba kundi ikaw rhian..so pls,accept me and I will do all my best to take care of you,to guide you and also to love you..mahal kita rhian..pls.accept me..marry me.."pagsusumamo nito sabay yakap kay rhian..
..
Napaisip man si rhian sa alok nito subalit sa huli at tinanggap na rin nito ang alok ng kanyang boss..
..
Magdaan pang muli ang ilang araw,linggo ay sobra ng nangangayayat c glaiza dahil sa sakit na kanyang nararamdaman at paulit ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang lahat lahat ng mga pangyayari kahit pa nga ba naroroon na sa kanyang tabi sina solenn at bianca..
..
"Glai,pls..kalimutan mo na ang sakit na nararamdaman mo ngayon..bumangon kang muli sa panibagong araw at buhay na kakaharapin mo..kalimutan mo na sya..nandito naman ako..hinding hindi na kita iiwan pa..pangako yan.."salita ni solenn sa kanya subalit tanging pagluha lamang ang itinugon nito sa kanya..mula ng huli silang magkaharap ni rhian ay ganun na lamang ang si glaiza at hindi na muling nagsalita pa kahit lagi sila nitong kinakausap..lalong lalo na si solenn..
..
"Glai pls..3buwan ka ng ganyan...hanggang ngayon ba hindi mo pa rin kami kikibuin o kakausapin?hanggang kailan ka ganyan!!!kailan ba mauubos yang lintik na luha na yan sa mga mata mo.!!!moveon na!!!kahit lumuha kapa ng lumuha hinding hindi na kayo magkakabalikan pa!!!hinding hindi na sya babalik pa sayo glai!!!"salita ni solenn na hindi na nakapagtimpi pa sa loob ng 3buwan na ganun pa rin ang istilo ni glaiza sabay dating ni bianca..
..
"Pwede ba solenn...hindi nakakatulong yang ginagawa mo!!!pwede ba manahimik ka nalamg or else kung hindi mo na kaya ang nakikita mo you're free to leave!!galit na salita nito ky solenn dahil hindi pa rin naman nito nakakalimutan yung pananakit ring ginawa nito sa kanyang kaibigan..
..
"Bakit ba kasi hindi mo na lamg sabihin sa kanya bianca ang totoo at baka sakali bumukas ang diwa nya at hindi laging ganyan na nakamukmok lang sa isang tabi at ni hindi nagsasalita..habang buhay na lang ba syang iiyak sa isang taong hindi karapat dapat???"paangas na tugon nito..
..
"And you think na ikaw ba karapat dapat sa kaibigan ko???mataray na ring tugon ni bianca.."
..
Nakikita man ni glaiza na nagkakairingan na ang dalawa dahil sa kanya ay hindi na lamang nya uli ito pansinin,ayaw nyang magsalita..ayaw na nyang magkaroon pa ng mahabang konbersasyon kung kaya mas minabuti na lamang nya ang manahimik at palipasin na muna ang sitwasyon at hindi naman nya akalain na 3buwan na rin pala ang nakalilipas mula ng huling usapan nila ni rhian ng mapagpasyahan nyang mag open ng kanyang facebook acct.at twitter..biglang bigla sya sa kanyang nakita pag open na pag open palang ng kanyang fb acct..
..
"Hindi...hindi ito maari...bakit???bakit???paanong....paanong....muli ay naluha na naman sya sa kanyang mga nabasa... engaged na c rhian sa kanyang boss na si piolo pascual at 2 araw nalang ay ikakasal na ito...hindi nya akalain na sa mga araw na kanyang pinalipas ay may nangyayari na pala o mangyayari na hindi dapat mangyari...wari syang sinasakal ng mga sandaling iyon at hirap makahinga ng mabasa ito...agad syang napatayo at kusa na lamang lumakad ang kanyang mga paa...
..
Itutuloy....
..
Hahahayyst...kumusta naman...tag ulan na....hehehe :D