CHAPTER 12

3.2K 81 2
                                    


Aly POV

"Tatawag o hindi?"

"Tatawag o hindi?"

"Aaiisshhh!! Mababaliw na ako!!"

Kanina pa ako pabalik balik ng lakad sa loob ng kwarto ko.

Hindi ko alam kung tatawagan ko ba sya kung gusto nyang sumama papunta ulit doon sa Baler. Baka kasi di nya magustuhan yung supplier tsaka baka mamaya yung mga supplies di nya pala...

[andaming palusot!! Ang sabihin mo gusto mo lang ulit sya makasama! Ayyyiiee!!]

Shut up!! Di kita kinakausap! Wag kang makisabat!

So ayun na nga.

Hayyss!! Sige na nga. Tatawagan ko na para di na ako magmukhang tanga dito. Wala naman sigurong masama tutal magkaibigan at medyo close naman na kami.

Kinuha ko ang phone ko na nasa study table ko at idinial ang number nya.

Lumipas ang ilang segundo ay sinagot nya rin ito.

"Hello?" Bungad nya.

"A-ahm. H-hello. Si Alyssa 'to. Gusto ko lang sanang m-malaman if you'll come with me sa Baler tomorrow?"
Woohhh!! Sawakas nasabi ko rin. Kinabahan ako ng sobra dun ah.

"Ahhmm. Sorry Alyssa. Di ko nasabi sayo na uuwi na yung boyfriend ko bukas. We'll going out on a date kaya baka di ako makasama sayo." Sagot nya.

Tsss. Yung pugo nyang boyfriend nanaman. Lagi nalang umeepal yung asungot na yon eh.

Pero sino ba naman ako para magreklamo?? Eh Di naman sya sa akin. 😔

"Hey! Are u still there?" agad naman akong nabalik sa realidad ng magsalita si Den sa kanilang linya.

"A-ahh. O-ok l-lang. Boyfriend mo yan eh... he must be... your priority" gustuhin ko mang ayusin ang pagsasalita ko ay hindi ko magawa.

What's happening to me. I must not be affected with this. 😟

"Sorry talaga. Next time nalang kita sasamahan." wika nya ulit.

"Sige. Thank you nalang. Sorry sa istorbo. Bye" sagot ko at di ko na hinintay na makapagreply back sya  sa sinabi ko at binaba ko na ang tawag.

Tsskk! Nararauraaattt!! Hayyss.

Lumabas ako ng kwarto ko tsaka dumiretso sa kitchen para uminom ng tubig. Nakakainit ng ulo yung pugo na iyon. 😡😠😤

"Alyssa! Anung kailangan mo?" tanong ni Therese. Kasama nya si manang Flor na nagluluto for dinner.

"Iinom lang ako ng tubig." at lumakad papunta sa tapat ng ref at kumuha ng tubig

"Congrats nga pala ulit Aly. Panalo nanaman pala ang Department nyo. Tsaka ang galing mo pala talaga maglaro ng volleyball. Idol na kita." masayang sabi ni Therese.

Di ko naman maitago ang mapangiti ng palihim. Nakakahiya kasi pang-ilang araw na nila akong binabati kasi ako ang naging MVP sa Volleyball Womens Division.

Ang angas nga lang kasi nawala sa placers ang MedTech Dept. pinalitan sila ng ABM department bilang second place at Law department naman bilang first place at kami ang champion. 😭😃😄

Loving Ms. Homophobic || AlyDen and JhoBeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon