Aly POV"Ready kana ba bro?!" tanong na medyo pasigaw ni Gretchen.
"Oo brad. Medyo kinakabahan nga lang ako." hindi mapakaling sagot ko. Sinoot ko na ang plain white mask ko.
"Bakit ba kasi naisipan mo pang gawin to. Tskk! Tskk!!" reklamo nya pero alam ko na hindi naman sya galit.
"All for her? Why not?" at naglakad na ako pababa ng grand staircase dahil narinig ko ng nag-umpisa ang tugtog na Love High.
Nakita ko si Ponggay na pababa natin sa kabilang grand staircase at tulad ko ay may nakatutok ding spotlight sa kanya.
Naalala ko tuloy bigla kung gaano kami naghirap na magpratice araw araw ng sayaw na to, pati yung rest time sana namin tuwing uuwi kami galing sa school ay iginugugol namin para pagpapractice ng sayaw na favorite daw ni Den.
Kahit na ayaw ko sa mga tugtog na kpop ay pinagtyagaan ko para lang magrant yung wish sa birthday nya.
Sana lang talaga ay magawa namin to ng maayos.Inenjoy lang namin ang pagsayaw sa saliw ng kanta and good thing kasi hindi kami nagkamali. But were not done yet. May susunod pang dance no. Kung saan napasubo kaming limang magtotropa.
Ilang beses nga akong inangalan ng mga baklang to dahil ang hirap daw pero tulad ng sinasabi ko lagi sa kanila."We need to do this. Kaya natin to."
Nang matapos kaming sumayaw ay chineer ako ng mga tropa ko bago sila pumunta sa backstage.
Woohhh!! This is your chance para mas mapalapit ka sa kanya. You got this Ly. Believe in yourself.
Binigay na sa akin ni manong staff ko rin ang gitara na pinasuyo ko sa kanya kanina.
Nang masure ko na ayos na ang lahat ay kahit na kinakabahan ay buong lakas akong nagsalita.
"This song is for you Dennise. Happy birthday" sabi ko at nagsimula ng magstrum ng gitara.
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Tinignan ko sya sa mga mata nya at nakita ko kung paano nya ako pilit na hinuhulaan kug sino ako.
Pero sorry Dennise. Hanggang sa huli ng party na ito ay hindi ako magpapakilala sayo.
I already decide since first na wala talaga akong balak na sabihin sa kanya na ako ang nagset up ng surprise na ito para sa kanya.
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi at matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik.
Sa bawat salita na binibitawan ko ay nakakaramdam ako ng mga kiliti sa tiyan ko. Parang gusto kong lumakad papalapit sa kanya at yakapin sya kasi simula ng bumalik kami muka sa Baler ay hindi na ako nagparamdam sa kanya kasi ayoko na malaman nya ang mga pinaplano naming surprise.
I really miss you Dennise. That's what I feel now.
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo ang awit ng aking puso
![](https://img.wattpad.com/cover/106675136-288-k800623.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Ms. Homophobic || AlyDen and JhoBea
FanfictionAlyDen (Alyssa Valdez & Dennise Lazaro) and JhoBea (Jhonna Maraguinot & Bea de Leon) fanfiction will make you feel happy, mad, sad, and loved at the same time. This is a story between a homophobic girl named Dennise Lazaro and Alyssa Valdez who rea...