CHAPTER 2

4.7K 83 1
                                    


Maaga akong nagising kasi merong kung ano mang bagay ang lumipad at tinamaan ako sa mukha.

Sh**t naman oohh!! Weekend kaya ngayon! This is MY REST DAY!! Aarrggg.

"BULLS EYE!!😂😂" rinig kong sabi nung mga ungas.

Alam kong sila yun kasi kahit tulog at nasa dream land ako aware naman ako na nandito ang mga kumag kong kaibigan eh.😑

Idinilat ko ang mata ko at agad na umupo sa kama ko't pumulot ng unan at pinagbabato sa kanila.

Sa taranta nila ay nagpulasan sila palabas ng kwarto ko.

"MGA LETCHE KAYO HA!!! ANG LALAKAS NG TAMA NYO ANG AGA-AGA!!" Sigaw ko ng makalabas sila.

"Lumabas kana dyan!! Kakain na daw sabi ni Tita!!" sigaw ni Deanna. Lakas makasigaw ah rinig ata hanggang sa kapitbahay eh.

Naligo naman na agad ako para makababa at sabayan na sila sa pagkain.

Pagkababa ko ay nakahain na ang mga pagkain at ako nalang pala ang hinihintay kaya nagpeace ako sa kanila ,kasi mukhang gutom na mga tigre na yung mga tropa ko eh. Hahahah.

Habang kumakain kami ay puro kami tawanan at kwentuhan. Minsan lang ang ganito sa bahay kasi kadalasan kapag kumakain kami ay tahimik lang kasi wala namang maingay sa bahay namin. Mga kaibigan ko lang talaga ang nagagawang mag-ingay dito sa bahay, mga feel at home pag nandito. 😑😑

Sanay na nga mga parents ko sa kanila, sa loob ba naman ng 3 taon naming pagkakaibigan wala ng papalag sa kakulitan at kaingayan nila.

"Brad! Gala tayo mamaya?" excited na tanong ni Greta.

"Ayoko. Matutulog lang ako kaya umuwi na kayo." cold tone kong sagot pero lalo pa nila akong kinulit. Hayyss. Ang sakit nila sa ulo😑😭

"Pagbigyan mo na yang mga yan Aly. Hindi matatahimik yang mga yan, pero wag ko lang malaman-laman na sa bar kayo pupunta." sabi ni mommy na may halong pangbabanta using her pointing finger.

Natawa naman ako sa mga itsura ng mga ungas kasi alam ko naman na yung galang sinasabi nila ay BAR in another term. Hahahaha.

"O-opo tita. Sa mall lang po kami" sagot naman ni Greta at binigyan ng tipid na ngiti si mom.

"Talaga lang ha?" Bulong ko habang busy sa pagkain.

"Ano yon Alyssa?" taas kilay na tanong ni Mom.

"W-wala po. Sabi ko kain na." pagpapalusot ko at buti nalang kinagat nya naman yun.

Woohh! So close! 😖

Pagtapos namin kumain ay nagsiligo na pala sila kanina pa kaya nag-aya na agad lumarga pamunta sa mall daw kuno.

Ang aga aga naman, 10 am palang eh.

"San ba punta natin?" iritado kong tanong kasi panay ang hatak nilang tatlo sa akin. Lakad dito takbo doon. Mga abnormal talaga! Tskk!!

"Basstaaa!! Wait kalang! I'll make sure na magugustuhan mo ang pupuntahan natin." sabi ni Greta na sinang-ayunan pa nila Kiwi at Deanna.

Kaya ang ending konting lakad at takbo pa mula nung bumaba kami sa kung saan. Parang bodega nga lang ang pinagparkingan namin eh.

Loving Ms. Homophobic || AlyDen and JhoBeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon