DENNISE POV
Ito na ang dapat na pinakahihintay kong araw pero bakit ganon? Parang napakabilis at parang.... basta! Hindi ko na alam! Napakagulo na ng lahat para sa akin!!
"Ms. Dennise? Kailangan nyo na pong lumabas, naghahantay na po sa baba si sir Mike." tawag sa akin nung makeup designer ko.
"S-sige. Pakisabi bababa na." at saka ako tumayo at kinuha ang purse ko.
Nandito kami sa bahay kaya kailangan pa naming bumyahe papunta sa hotel kung saan gaganapin ang party.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang mapaisip kung ano nalang ang magiging buhay ko after nito or after nalang ako maikasal kay L.A.
Yes, I love him pero hindi pa ako ready para sa ganitong commitments. Marami pa akong pangarap na gusto kong makamit para sa sarili ko. Parang hindi pa ako handa para sa pagpapamilya lalo na ang pagkakaroon ng anak.
Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Rinig ko ang malakas na tugtog na nagmumula sa loob.
Pagpasok ko ay agad akong tinapatan ng spot light hanggang makarating ako sa taas ng stage kung saan may nakahandang mga upuan para sa amin.
Hindi ko narin sobrang nakita ang mukha ng mga bisita namin sa sobrang liwanag ng spotlight na nakatapat sa akin.
Pag-akyat ay nakita kong nandon na pala sila taas kasama ang pamilya nya. Kita ko ang saya sa mukha nila habang ako naman ito ay hindi ko alam kung matutuwa rin ba ako o malulungkot.
Nang makarating na ako sa kinauupuan ko ay nagsalita na muli ang emcee at nag-umpisa ng ipakilala ang kung sino sinong banggitin nya.
"And know let's welcome, the active CEO of ACV corporation for how many years MR. JOEL REVILLA!!" bigay todo na sabi ng emcee at naglakad na sya papunta sa harap.
I don't wanna hear everything now. Gusto ko ng matapos agad ang lahat ng 'to, umuwi at matulog.
"Goodevening ladies and gentlemen, thankyou for spending time to come in this party. We --anucibvsecbubxiuwgrilaueklwxgncy vlyawvakyxvwkcrjv "
Bigla nalang nagloko or nasira yung mic or I think yung sound system? Sa sobrang ingay ay napatakip nalang ako bigla ng tenga. Imagine mukhang nasa likod lang ang sound system plus pa itong bigscreen na nasa likod lang rin namin kung saan naka broadcast ang buong pagmumukha naming nasa stage.
Bigla nalang nagblack out at lahat ng tao dito sa ay isa isa ng nagpapanik.
----------------------------------------------------------
ALYSSA POV
Kaliwat kanang sosyalan at pataasan ng pride ang naririnig ko sa aking paligid. Ang sakit nila sa matang tignan dahil ang tingin ko sa kanilang lahat ay parang mga kriminal, lalo na't alam kong malapit sila sa mga taong pumatay sa nanay at tatay ko.
Pero ngayong gabi na ito, iisa lang ang mind set ko. Ang mahuli sila kahit na anong mangyari.
"This is now the time to make everything's right."
"Deanna? Can you hear me?" tanong ko sa kabilang linya. We are all now using spy microphones and speakers para madali ang access sa bawat isa.
BINABASA MO ANG
Loving Ms. Homophobic || AlyDen and JhoBea
FanficAlyDen (Alyssa Valdez & Dennise Lazaro) and JhoBea (Jhonna Maraguinot & Bea de Leon) fanfiction that will make you happy, mad, sad, angry, love, and cry at the same time. This is a story between a homophobic girl named Dennise Lazaro, and Alyssa Va...