CHAPTER 43

2.8K 58 3
                                    


ALYSSA POV


Ilang araw na akong frustrated dahil sa video na yon, hanggang ngayon clueless ako about sa kung sino man ang nagpadala dong video na yon. 

Those words flashes repeatedly on my mind, hindi ko kinakaya yung maisip ko lang na may banta sa buhay ko at ng pamilya ko. 

The fact palang na nasa bingit ng kamatayan ang pamilya ko ay hindi na ako mapakali, mapa araw man o gabi, kahit na naglalakad o nagddrive ako ay lagi kong iniisip ang mga bantang natatanggap ko. 

I never let anyone to know about this thing. Last time may nagpadala nanaman ng video na parehong pareho na natanggap ko nung una at muntik pa itong makita ng asawa ko. 


"Ly?!" 


Gulat akong napatingin sa assistant ko na si Jia.... Nalimutan ko na kausap ko pala sya dahil nasgrereport sya sa akin ng state ng stocks and shares namin in and out of the business. 


"Spaced out ka nanaman...." sabi nito at isinara na ang folder na hawak nya. "Napapansin ko last week ka pang ganyan... may problema ba? Baka makatulong ako." dagdag nito. 

"Meron nga akong problema... but its too sensitive..." hindi na nya ako hinintay pa na ituloy ang sasabihin ko at tumayo na ito. 

"Well... may mga ganyan naman talagang mga problema... pero wag mo naman sarilihin lahat Ly. Marami kaming nandito para sayo at handang tulungan ka." wika nito bago naglakad palabas ng office ko.



Napadako ang tingin ko sa orasan.... maghahapon na pala, hindi ko manlang napansin ang paglipas ng oras at ni hindi manlang ako nakakain ng tanghalian sa kakaisip. 


Isang malalim na buntong hininga nalang ang napakawalan ko bago ko tuluyang nilisan ang office ko. 

Pumunta muna ako sa mall para kumain, hindi ko rin alam kung bakit dito ako napadpad imbis na sa bahay ko. Marahil ay gusto ko munang makapag-isip isip ng ako lang mag-isa. Gusto kong malayo pansamantala sa kinahaharap kong problema. Kung kaya ko lang na mapunta sa ibang dimensyon at isama ko ang mga mahal sa buhay ko ay gagawin ko na.



Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Den... nasa school parin sya hanggang ngayon dahil sa dami ng kailangan nilang requirements da dapat kompletuhin para sa OJT nila. 

Hindi ito sumasagot kaya minabuti kong mag-iwan nalang ng text message para kung sakali na makita nya. 

Routine na namin ang ihahatid at susunduin ko sya mula sa school o kaya kahit saan man sya mapunta. Pero habang tumatagal yung routine na yon ay nababago na dahil sa dami ng  inaasikaso, inaalala at pinoproblema ko bukod pa sa kalagayan ngayon ng kumpanya. 

Ramdam na ramdam ko ang pressure dahil sa akin nakasalalay ang pag-unlad at pananatili ACV. I can't afford to lose anything of the fruits of labor of my parents. It's a shame of me if I let something bad or worst happen to our company because of my fault and irresponsibility. 



Papasok na sana ako sa restaurant na madalas kong kainan dito sa mall ng may nahagip ako sa katabi nitong chinese restaurant. 

Loving Ms. Homophobic || AlyDen and JhoBeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon