CHAPTER 39

3.7K 70 42
                                    




Dennise Michelle Lazaro


This is the second day na matutulog akong kasama si Alyssa. We choose na sabay nalang magreview, dahil igagrab namin ang opportunity para makapagtapos agad kami ng pag-aaral. Pinangako namin na ipapasa naming dalawa ang exam na yon para naman sabay lang rin kaming makapagtapos.

Sabi nya kasi gusto nya ng tapusin ang pagiging engineer nya dahil mukhang mag-aaral ulit sya ng business course para daw sa ikabubuti ng kumpanya.

I'm glad to see na hindi sya tulad ng iba na kung anong meron itetaken for granted nalang nya.


Nandito kaming dalawa ngayon sa kwarto namin kasi matutulog na kami at katatapos lang namin sa pagrereview.

"Ly. Tara sleep na tayo." tawag ko sa kanya, habang sya naman ay nililigpit yung mga gamit namin sa study table.

"Wait lang Den." at inilagay nya na sa bookshelf and last na librong hawak nya.

Agad naman na itong lumapit sa pwesto nya at humiga na sa tabi ko.

"Sa tingin ko mukhang nagiging ok na ulit yang paa mo Den." sabi nito at lumapit sa paanan ko para imassage ito, well that's our daily routine now until bumalik sa dati ang paa ko. Sabi nya kasi hanggat hindi pa ako gumagaling sya daw muna ang magiging doctor ko, kasi alam nya na kapag nagtapos na daw kami ako naman na daw ang magiging doctor nya. AHHAHHAHHA

Matapos nyang imassage yung paa ko ay tumabi na sya sa akin sa higaan.

Yumakap naman na agad ako sa kanya at sumiksik sa favorite spot ko, ang leeg nya. Hehehhehe.

Simula nung nagtapat ako sa kanya na may gusto ako sa kanya, feeling ko para akong nakawala sa posas, naging malaya akong maging masaya, pero nandon parin yung takot na sa kabila ng pagiging malaya ay may mga tao parin na manghuhusga sa akin. Natatakot parin ako pero kailangan ko maging matatag para sa aming dalawa ni Alyssa.

"Den?" tanong nito sa akin pero hindi parin kami natatanggal sa pwesto namin.

"Yes?" at lalayo na sana ako para makita ko ang mukha nya pero agad ako nitong niyakap ng mahigpit. Sa tono palang ng tanong nya alam kong may gumugulo sa isip nya. Hindi nya alam pero napapansin ko yon kanina pa.

"Ahhmmm.. Den.. kasi... I'm so confused, hindi ko alam kung saan ako lulugar." naramdaman ko yung lungkot sa bawat salita na binibitawan nya. May halong lungkot? Doubt? Pero sa sobrang kilala ko na ata sya kahit sa simpleng mga galaw nya alam kong nahihirapan sya. Nahihirapan sya sa sitwasyon ko. Nahihirapan sya kasi mahal ko sya mahal nya ako pero nakatali parin ako sa iba.

Lumayo ako sa kanya para kunin ang cellphone ko na nasa lamesang malapit sa bed namin.

"Anong gagawin mo?" tanong nito at sinenyasan ko nalang ito na manahimik.

"Hello L.A?" bungad ko ng sumagot ito. At nakita ko naman na nanlaki at kumunot ang noo ni Alyssa dahil hindi nya alam na si L.A ang tatawagan ko. Hindi ko sinabi sa kanya kasi for sure pipigilan ako nito dahil ayaw nya na akong makipag-usap pa kay L.A even through the phone.


"Let's meet tomorrow. I need to tell you something."

"Yahh. It's very important."

"Ok. Thanks." then I end it there. Habang ito naman si Aly ay mukhang may balak pang magwalk out.


"Eeyyy. Dyy. Wag kana magselos please." paglalambing ko sa kanya ng mayakap ko sya. Alam ko naman kasi na nagseselos lang sya when she's acting like that.

"Bakit ba kasi tinawagan mo pa yung pugo ma yon? Tsaka what did you call me?" tanong nito na namkapout. She's damn cute when she's doing that.

"Diba sabi mo hindi mo alam kung saan kana lulugar? So I'm making it clear now, makikipaghiwalay na ako kay L.A bukas at ipapakilala narin kita sa kanya bilang asawa ko." at kinurot ko ang ilong nya. "And now. I want you to call me Mommy and I will call you Daddy. Like what other partners do." paliwanag ko at I saw her blush. Hihihihihi.


Loving Ms. Homophobic || AlyDen and JhoBeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon