CHAPTER 31

2.9K 66 5
                                    


DEN POV


Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napabaling ako ng tingin sa paligid ko at alam ko na wala ako sa kwarto ko. 

Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng bed at nakita ko sya.... si Alyssa. 


Babangon na sana ako ng maramdaman kong may mabigat sa kamay ko at ng makita ko kung ano iyon ay si Alyssa pala na hawak ang kamay ko at nadadaganan din ulo nya. 

Tahimik ko lang syang pinagmasdan at inalala kung ano ang mga nangyari kahapon. 


Flashback...


"Dennise!" tawag sa akin ni Ella at niyakap ako ng sobrang higpit. 

"Ella..." halos maiyak iyak kong sabi ni makita ko sila. Kanina kasi doon sa kasal ay hindi ko sila magawang lapitan. Nagulat nga ako na nandito silang lahat eh, pero mas okay na ito at least meron manlang akong msaasabihan ng mga problema at pinagdadaanan ko, lalo na't hindi ko maaasahan ang mga magulang ko sa problema na ito lalo na't sila rin ang may pakana ng kasal na ito. 


"Ok ka lang ba Den? Pinilit ka ba nila?" alala nitong tanong sa akin at hindi ko na maiwasang maiyak ng konti. Buti pa sila inaalala ako. 

"Oo beshh. Huhuhuhu." 

"Ayan! Pinaiyak mo na tuloy ate ells." sabi ni Jho na parang sinisisi si besh ella. 

"Paki mo ba Jho ha?!" ay niyakap ulit ako. "Besh. Gusto mo ba itakas ka namin dito?" seryosong tanong nito. 

"Baliw ka na ba talaga Ella?" singit naman ni Fille. "Ngayon mo sya tatanungin ng ganyan kung kelan naikasal na sya. Adik ka ba?" sabi nito kaya inirapan lang sya ni besh ella. 

"Oo nga ate ells. Nung nalaman mo nga na kay Aly ikakasal si ate Den tuwang tuwa ka pa nga eh." sumbong ni Ponggay. "Oy hindi ahh! Boto lang talaga ako kay Aly kasi mabait sya." sagot nito kaya ako na ang naunang batukan sya. 

"Lakas mo rin eh noh?" sabi ko sabay irap, pasalamat sya at besh ko sya kundi kanina ko pa sya sinipa palabas dito. 


"By the way kelan ka nga pala babalik sa Philippines? Late ka na sa mga lectures mo for sure." tanong ni Fille. "Hanggang dito ba naman Fille academics parin ang iniisip mo?" pang-aasar ni Ponggay kaya kahit papaano ay napapangiti ako dahil sa kanila. 

"Sana nga matapos na tong mga kalokohan na 'to eh para makauwi na ako." sagot ko at may lumapit sa amin na waiter at inabutan kami ng mga drinks habang nag-uusap usap kami ng mga kaibigan ko sa iisang table. 


"Is there any news about L.A?" out of the blue moon kong tanong sa kanila. Nakita ko naman na nagtinginan lang sila and I think meron silang bagay na hindi sinasabi sa akin. 

"Ahhmmm.. Den.. actually. Ayaw sana namin na sabihin na sayo 'to pero..." kinakabahan na sabi ni Ells kaya dobleng kaba ang lalo ang naramdaman ko dahil boyfriend ko ang pinag-uusapan namin dito. 

"Pero?..." tanong ko. 

"We all know na magagalit ka lalo sa parents mo kapag nalaman mo 'to. But we respect na ikaw parin ang girlfriend ni L.A kaya dapat mong malaman ang totoo.." 

"Your parents kicked out L.A sa university." and with that ay wala sa sariling napatayo ako sa upuan ko at sinugod ang mga parents ko na masayang nakikipag-usap sa mga business partners nito. 

Loving Ms. Homophobic || AlyDen and JhoBeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon