CLEIGH'S P.O.V
Monday. Puyat nanaman akong papasok ng trabaho dahil 2:00 AM na kong natapos panuorin yung mga hindi ko na panuod na episode ng teleserye ni Sky Santos. Oo na. Fangirl Mode.
"Bangag nanaman, Momshie?" Nang-aasar na salubong sakin ni Macky.
"Wag kang manira ng araw ngayon, beks. Masakit ang ulo ko." Inis na sagot ko sa kanya.
"Okay-okay." May pag-taas pa ng kamay itong baklang to.
Pumusisyon nalang ako sa desk ko at tinapos ang lahat ng trabaho ko ngayong araw. 7:00 PM na ako natapos sa trabaho. Ito namang si Macky, Maagang umuwi. Birthday daw ng jowa nya. Sus! Nag lolokohan lang naman.
Pinindot ko na yung button sa elevator. Hindi narin ganun ka rami ang kasabay ko pababa ng office dahil 7pm na nga.
Dalawa lang kami mag kasabay sa elevator. Nag-alinlangan pa akong sumakay kasi syempre dalawa lang kami. Nag-iinarte lang. Haha! Pero dahil gusto ko na rin maka-uwi, sumakay na rin ako. Tinignan ko sya ng mula ulo hanggang paa ng di nya napapansin.
In Fairness..
Ang Pogi ni Popshie.
Wait..
Kilala ko to!
Si
BRIX MONTECARLO!!
"What?!" Napansin nya na siguro na titig na titig ako sa kanya.
Umiwas lang ako ng tingin at di sya pinansin.
"Alam kong na Starstruck ka sakin. Na iintindihan kita." Pahabol nyang sabi.
"Kapal!" Aba't feeling to!
"Sige na. Mag pa picture ka na sakin." Pa-ngisi nyang sagot sa akin.
Kapal ng mukha nito! Sasapakin ko to. Pigilan nyo ko!
Humarap ako sa kanya na naka salubong ang kilay.
"Una. Hindi mo ko Fan para ma Starstruck ako sayo. Pangalawa. Hindi ka ganun ka gwapo para mag pa picture ako sayo. Buti kung si Sky Santos pa ang makasabay ko ngayon dito. Higit sa lahat, Mas magaling syang umarte sayo!"
Kainis to!
Bigla na syang nag tanggal ng Shades nya at humarap sakin. Okay, Masyado syang malapit. Naaamoy ko ang pabango nya at ang mabango nyang hininga.
"Si Sky Santos? Mas Better sa akin? Hindi mo pa talaga siguro kilala itong kaharap mo no?"
Galit na po sya mga momshie.
"Kilala kita. Ikaw si Brix Montecarlo diba? Di ka naman ganun ka galing umarte no."
Ahmmm.. Okay, Cleigh Lopez. Ano na itong pinagsasabi mo?
"Wow! Miss. Hindi ka siguro madalas manuod ng T.V no?"
"Kung ikaw lang din naman kasi ang mapapanuod ko, Papatayin ko talaga ang T.V at matutulog na lang." Pa balang kong sabi sa kanya.
Ilang segundo nya akong tinignan sa mata.
"Siguro isa ka sa mga Bashers ko no?"
Napataas nalang ako ng kilay. Hindi ko na kasi alam ang isasagot ko. Buti na lang bumukas na ang pinto ng elevator at makakaalis na rin ako. Hay salamat!
Nauna akong lumabas sa kanya.
Sana hindi ko na sya makita ulit.
Ano ba naman, Cleigh! Ano nanamang ginawa mo..
***
BRIX'S P.O.V
" Una. Hindi mo ko Fan para ma Starstruck ako sayo. Pangalawa. Hindi ka ganun ka gwapo para mag pa picture ako sayo. Buti kung si Sky Santos pa ang makasabay ko ngayon dito. Higit sa lahat, Mas magaling syang umarte sayo!"
Nakauwi na ako ngayon galing sa office ni Daddy. Nag papahinga na ako ngayon sa kwarto pero nag re-replay parin sa utak ko yung mga pinag sasabi nung babaeng nakasabay ko sa Elevator.
Totoo bang mas better sakin
yung Sky na yun? Pero mas Gwapo naman siguro ako ng di hamak dun.Ipatanggal ko kaya yung babaeng yun kay Daddy? Masyadong maraming kuda. Hay!
Biglang nag ring yung phone ko.
Si Sir Pat..
"Hello?!"
"Hello, Brix! Ipapaalala ko lang. Start na ng shooting nung bagong pelikula nyo bukas ha! Siguraduhin mo na aral mo na yang Script mo. Wag mo akong ipapahiya."
"Yes, Sir Pat! Hindi kita ipapahiya haha."
"Dapat lang! 8:00 am ang call time bukas. Wag kang ma-late dahil maikli lang ang pasensya ni Direk Randy. Sige na. Marami pa akong gagawin."
"Okay, Bye!"
Binaba ko na ang phone. Hayy.. Naalala ko. Katrabaho ko nga pala dito si Sky.
Huminga nalang ako ng malalim at pinilit ng makatulog.
Kailangan kong galingan bukas..
---
AUTHOR'S NOTE:
Pasensya na po kung medyo maikli ang chapter one. Ito ang unang story ko dito sa wattpad kaya pasensya na kung marami ang mali haha. Pipilitin ko na maisulat ang kwento ng maayos. Thank you! Enjoy reading :)
YOU ARE READING
She's Mine
FanfictionShe's Mine By: WhenIsayHans Paano mo malalaman kung siya na nga ang naka Tadhana na makakasama mo? Paano mo malalaman na ikaw ang para sa kanya at para sya sayo? Pero paano kung ang sinasabing tadhana mo ay ang artistang kinaiinisan mo? Sundan ang i...