Chapter thirteen

136 8 1
                                    


BRIX'S P.O.V

"HELLO BRIX! MAG BUKAS KA NGAYON NG T.V!"

"Ano nanaman ba to'? Ang aga-aga."

Nagising ako sa tawag ng Manager ko. Mainit nanaman ang ulo.

"BASTA BUKSAN MO ANG T.V!"

"Heto na, Heto na!"

Binuksan ko ang T.V at naabutan ko ang isang showbiz news. Sus, ako nanaman pinag uusapan ng mga to'.

"Ano bang bago dito? Eh palagi naman akong Headline."

Kumuha ako ng isang basong tubig at uminom.

"Trending ngayon yung kumakalat na picture ni Brix montecarlo na may kasamang Non-Showbiz na babae. Girlfriend nya na ba ito? Tignan natin sa mga litratong aming nakuhanan."

Tinignan kong maigi ang mga pictures na nasa T.V.

Naibuga ko yung tubig na iniinom ko ng makita kong Ako at si Cleigh ang nasa mga pictures.

"NAKO BRIX! AYUSIN MO YAN. PALAGI MO NALANG AKONG BINIBIGYAN NG SAKIT NG ULO!"

Grabe! Ang hilig talaga nyang babaan ako ng telepono.

Pero may isa pa akong problema. Pag nakita at nalaman ni Cleigh ang tungkol dito, Paniguradong Patay ako! Aishhh.

***

CLEIGH'S P.O.V

"I don't love her anymore.."

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Papa. Hanggang sa pag pasok ko sa trabaho. Para akong sinaksak ng paulit-ulit. Mahal na mahal ko silang dalawa at buong akala ko, okay sila.

Habang papalabas ako ng elevator, napansin ko na pinag titinginan at pinag bubulungan ako ng mga empleyado na pasakay naman ng elevator.

Problema ng mga to'?
May dumi ba ako sa mukha?

Aissh! Nakakadagdag ng init ng ulo.

Hindi ko na sila pinansin. Naupo nalang ako sa desk ko at gumawa ng trabaho. Baka sakali na pag nilunod ko ang sarili ko sa trabaho, hindi ko na masyado isipin ang nangyari.

Bigla namang dumating si Macky na nanlalaki ang mga mata ng makita ako. Agad syang umupo sa tabi ko sabay lumapit.

"Mamshiiii! Ikaw ha, akala ko ba di mo sya bet? Hmmmm."

Nakakunot ang noo ko na tumingin sa kanya.

"Ha? Ano nanaman yan, Macky?"

"Naku naman. Parang di naman tayo Bff nyan. So, Pano naging kayo? Nag kiss na ba kayo? Ano? Ano?"

Naguguluhan akong tumingin sa kanya Sabay binatukan.

"Jusko naman. Ang aga-aga! Ano nanaman ba kasing pinagsasabi mo?"

"Oh, Ayan. Ayan! Ano yan, ha?"

Kinuha nya ang cellphone nya at pinakita saakin. Nakita ko ang isang Showbiz article na tungkol saakin at kay Brix pati na mga litrato naming dalawa habang magkasama. Nang laki ang mga mata ko sa nakita ko. Kaya pala ako pinag titinginan kanina pa ng mga iba pang empleyado dito. Hays

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's MineWhere stories live. Discover now