SHANTAL'S P.O.VNag luluto ako ng Bulgogi for lunch. Paborito kasi ito ni Sky kaya naisipan kong gumawa at ibigay sa kanya. Nakakasawa na rin kasi yung mga pagkain sa set. Di nga lang ako sure kung tatangapin nya pero wala naman sigurong masamang subukan. I know, naiirita na sya saakin dahil lapit ako ng lapit sa kanya. Pero Mahal ko parin sya eh. Buti na nga lang magkasama kami sa isang Project.
Nag mamaneho na ako papunta sa location ng shooting namin ngayon. Excited akona makita si Sky. Siguradong matutuwa yun pag nalaman nyang Bulgogi ang dinala ko.
Ilang minuto lang nakarating na ako sa location. Malapit lang din naman sa bahay ko. Bumaba na ako ng kotse at dumeretso sa tent ko.
Nilapitan agad ako ng Make up artist at inayusan.
"Ah.. Kim. Nag-lunch na ba kayo?"
"Hindi pa eh. Ang tagal nga kanina pa yun pinapa asikaso."
"Ah eh.. Andyan na ba si Sky?"
"Oo, Andito na. Andun sa tent nya."
Tumango nalang ako bilang sagot. Di nag tagal natapos din akong ayusan ni kim. Lumabas ako para pumunta sa tent ni Sky.
Pag-pasok ko sa tent, naabutan ko si Sky na nakasalpak ang earphones sa tenga nya. Hindi nya napansin na pumasok ako.
Ilang segundo ang lumipas, nakita nya ako at may halong gulat ang reaksyon nya.
"S-sky. Di ka pa daw nag la-lunch. May dala akong Bulgogi. Favorite mo to' diba?"
Binuksan ko ang Tupperware na pinaglalagyan ng Bulgogi at iniabot sa kanya.
Tinitigan nya ako na may halong pag tataka.
"Ano to'? Peace offering?"
"Ah hindi. I just want..."
Bago pa ako matapos mag salita. Pinutol nya na kaagad at ang mga sumunod na salita na lumabas sa bibig nya ay dumurog sa puso ko.
"Alam mo Shantal, hindi mo kailangan gawin to. Maawa ka sa sarili mo. Wag mong gawin to' dahil nakokonsensya ka lang."
Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha sa mga mata ko.
"Mahal kita, Sky. Mahal na mahal."
Tumawa sya ng mahina sabay humarap saakin.
"Mahal? Marunong ka bang mag mahal? Ano bang ibig sabihin sayo ng pag-mamahal?"
Hindi ako nakasagot.
" Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan. Yang' mga luha mo ngayon, wala pa yan sa kalingkingan ng niluha ko noong niloko mo ko."
Lumabas sya ng tent at naiwan akong tulala. Lumuluha.
I'm Sorry, Sky... I'm sorry...
***CLEIGH'S P.O.V
Nakatulala lang ako sa computer sa may desk ko. Wala akong masyadong Energy ngayon. Nakakatamad.
Nakita kong papalapit sa desk ko ang baklita. Abot hanggang tenga ang ngiti.
"Magandang Buhay, Momshie!"
Nginitian ko syang pilit bilang sagot.
"Ay. Energy gap? Gusto mo ba ng Milo?" Pang aasar nya saakin.
YOU ARE READING
She's Mine
FanfictionShe's Mine By: WhenIsayHans Paano mo malalaman kung siya na nga ang naka Tadhana na makakasama mo? Paano mo malalaman na ikaw ang para sa kanya at para sya sayo? Pero paano kung ang sinasabing tadhana mo ay ang artistang kinaiinisan mo? Sundan ang i...