Chapter Twelve

71 6 0
                                    

SKY'S P.O.V

"What's up, step-bro?"

Naka-ngising bati saakin ng stepbrother kong si Bryan. Nakauwi na nga pala to' galing thailand. Sana di nalang sya umuwi. Ayoko syang makita. Napipikon ako sa pagmumukha nya. Di ko naman kasi alam na dadalaw din sya kay Mommy.

Tumango lang ako bilang sagot sakanya. Sabay nilapag ang dala kong bulaklak sa taas ng nitso.

Magkapatid kami ni Bryan sa Ama. Pero kahit iba ang tunay kong nanay, minahal rin ako ni mommy marga. Sya ang tumayo kong nanay simula 14 years old ako. Namatay kasi ang tunay kong nanay na si Mama Neri dahil sa Aksidente. Na Hit and run sya pero hanggang ngayon wala parin nananagot sa pagkamatay nya.

"Kamusta? Balita ko magkatrabaho na ulit kayo nung ex mo ah? Yung Ex mong naka one night stand ko. Hahaha"

Hindi ko sya sinagot. Napakuyom ang kamay ko sa bulsa. Pinipigalan ko ang sarili ko dahil ayoko ng patulan itong gagong to'.

Lumapit ako sa Nitso ni mommy Marga at hinawakan ito para mag paalam.

"Uh-oh. Umaasta nanaman na tunay na anak."

Nag pantig ang tenga ko sa narinig ko. Gusto ko na syang sapakin sa mga pagkakataon na to' pero ni rerespeto ko ang nanay nya. Nakaka sagad naman kasi talaga ng pasensya!

Tumayo ako sa pagkaka upo ko. Itinaas ko hanggang siko ang long sleeve na suot ko at humarap sa kanya.

"Welcome back, brother!" Inilahad ko ang kamay ko sa kanya pero tinabing nya ito.

"Hindi kita kapatid."

Dumiretso na sya sa kotse nya at naiwan ako sa harap ng puntod ni mommy marga.

Huminga na lang ako ng malalim. Mukang magiging kumplikado pa lalo ang sitwasyon sa mga susunod na araw..

***

CLEIGH'S P.O.V

"Dad! Tell me. Totoo ba?"

"Anak. Hindi mo ko maiintindihan.."

Nagising ako sa ingay ng pag uusap ni kuya Jv at ni Papa. Lumabas ako ng kwarto. Habang nag uusap sila ay nakikinig lamang si Lolo at Lola.

"Pa.."

Lumingon saakin si Papa.

"Cleigh, Anak."

"Bakit ngayon nyo lang sinabi, Pa?"

Nakayuko lamang sya. Hindi nya kayang tumingin sa mga mata ko.

"Sagutin nyo ko!"

"I don't love her anymore.."

Bigla akong natahimik. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Simula ng bata ako para saakin ang relasyon ni Mama at Papa ang ideal relationship na gusto ko. Kasi pakiramdam ko na mahal na mahal nila ang isat-isa.

Pero yung perfect example ng relationship para saakin ay unti-unting gumuho.

"Im sorry, Anak.."

Tuluyang lumabas ng pintuan si Papa.

She's MineWhere stories live. Discover now